top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 30, 2021



ree

Itatalaga ang mahigit 50,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa malawakang rollout kontra COVID-19, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.


Aniya, misyon ng PNP at BFP na gawing ‘smooth’ ang vaccination rollout, partikular na sa ilalim ng A4 priority list o mga economic frontliners.


“Mass vaccination will be a big challenge to the government but with the help of our uniformed personnel, we aim to get as many of our countrymen and women vaccinated as efficiently and as soon as possible. This is the only way for us to put an end to this pandemic,” sabi pa ni Año.


Batay sa ulat, tinatayang 35,415 police personnel ang ia-assign sa delivery at transportation ng mga bakuna sa iba’t ibang lungsod. Ang 13,840 nama’y titiyaking nasusunod ang health protocols habang isinasagawa ang rollout.


Ang BFP nama’y magpapadala ng 2,390 personnel at 356 emergency medical service units upang i-deploy sa 1,150 warehouse at vaccination sites. Magpapadala rin sila ng 733 fire trucks at 59 ambulansiya upang gawing sasakyan o panghatid ng mga kakailanganin o ide-deliver na bakuna.


Sa ngayon ay 14,082 police medical workers na ang nabakunahan ng unang dose ng COVID-19, habang 8,416 naman ang nakakumpleto sa dalawang turok.


Samantala, 6,298 BFP personnel naman ang nabakunahan ng unang dose, habang 2,298 ang nakakumpleto sa dalawang turok.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 28, 2021



ree

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magbababa sa minimum height requirements ng mga aplikanteng pulis sa Philippine National Police (PNP) at iba pang uniformed personnel.


Nakasaad sa Republic Act 11549, ang bagong minimum height requirements para sa lalaking aplikante ay 1.57 meters at sa babae nama’y 1.52 meters. Magiging epektibo ang bagong requirement makalipas ang 90 days na pagpirma sa batas.


Kabilang din sa uniformed personnel na nabanggit ay ang mga aplikante sa Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP), at Bureau of Corrections (BuCor) o ang PNP, BFP, BJMP, and BuCor Height Equality Act.


Ang mga naging pagbabago ay mula sa dating height requirements na 1.62 meters para sa lalaking aplikante at 1.57 meters naman sa babaeng aplikante.


Sa ngayon ay mas marami na ang puwedeng makapag-apply dahil sa pinababang height requirements.




 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 20, 2021



ree

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay San Miguel, Pasig City pasado alas-8 kagabi, kung saan halos 60 kabahayan ang natupok.


Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas sa ikalawang alarma ang sunog at pasado 10:37 nang gabi nang ideklarang fire under control na.


Kuwento pa ng ilang nasunugan, sa kasagsagan ng sunog ay nagputukan ang mga kalan kaya mas lumala ang apoy at mabilis 'yung kumalat dahil na rin sa light materials. Isa naman sa mga itinuturong dahilan kaya nahirapan sa pag-apula ang mga bumbero ay ang makipot na daan papasok sa Athena Residences.


“As of 11 pm, fire out na sa Tambakan 3 San Miguel. Seventy-two pamilya ang unang bilang ng naapektuhan ng sunog,” sabi pa ni Pasig Mayor Vico Sotto.


Pansamantala namang nag-evacuate sa San Miguel Elementary School ang mga nasunugan.


Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring sunog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page