top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 15, 2021


ree

Nasabat ang labinlimang pakete ng high-grade marijuana na kush sa isang package na dumating sa Clark, Pampanga, nitong Lunes.


Dumaan ang package sa x-ray scanning kung saan nadiskubre ang laman nitong marijuana.


Base sa chemical laboratory analysis ng Philippine Drug Enforcement Agency, nakumpirmang kush ang nasa loob ng padala at idineklarang quilt o kobre kama ang laman ng package mula Washington, sa Amerika.


Matapos nito ay nagkasa ang PDEA at Bureau of Customs ng controlled delivery operation sa consignee na taga-Malate, Maynila.


Tiklo ang lalaking kumuha ng padala at kakasuhan ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act.


Abot sa P675,000 ang kabuuang halaga ng kumpiskadong marijuana na itinurnover na sa PDEA.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 3, 2021


ree

Mahigpit pa ring binabantayan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ilegal na bentahan at smuggling ng mga imported na sigarilyo sa bansa.


Ito ay matapos ang mga nakaraang operasyon ng BOC at NBI kung saan nakakumpiska ang mga ito ng mga makina na gumagawa ng mga ilegal na sigarilyo.


Laganap umano ang nasabing aktibidad sa Subic freeport zone.


Ayon kay Bureau of Finance Secretary Carlos Dominguez III, may mga nakabantay silang mga tauhan sa lugar para matigil na ang nasabing gawain.


Dagdag pa ni Dominguez, hindi lamang sa Subic laganap ang iligal na paggawa ng sigarilyo kundi maging sa ibang bahagi ng bansa.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 20, 2021


ree

Nakumpiska ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport ang nasa higit P15 milyong halaga ng shabu na nakatago sa mga damit galing Malaysia.


Nakuha ang nasa 2,300 gramo o higit 2 kilo ng shabu sa 2 shipment na idineklarang cloth at clothing na lumabas sa bodega ng forwarding company, ayon sa Bureau of Customs.


Nakita ang droga sa mga plastic bag na may lamang pira-piraso ng tela at nakapagitna sa mga damit.


Hindi pa nahuhuli ang pinagpadalhan nito pero patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page