top of page
Search

UPDATED: Metro Manila Naglabas ng bagong resulta ang Department of Health (DoH) tungkol sa coronavirus. Muling nadagdagan ng siyam ang kaso ng COVID-19 dito sa ating bansa na umabot na sa 33 katao.

Ayon kay DoH Assistant Secretary Dr. Maria Rosario S. Vergeire "the two other cases involved repeat tests bearing positive samples". Patuloy pa ring nasa ‘State of Public Health Emergency’ ang ating bansa.

 
 

UPDATED: Metro Manila Ngayong Lunes, dumoble ang bilang ng kaso ng COVID-19 dito sa Pilipinas na umabot na sa 20.

Ayon kay Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire ang mga resulta ng test ay mula Marso 6 hanggang 8 at ngayon lunes lamang ito nai-released.

Dagdag pa nito ay patuloy pa rin silang nakaantabay at nakasubaybay sa pagkalat ng coronavirus dito sa ating bansa.

Sa ngayon, 41 katao ang patuloy na ini-imbestigahan ng DoH.

“Rest assured that the Department of Health (DOH) is maximizing all channels... to immediately identify and isolate, if needed, those who had contact with confirmed cases,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page