top of page
Search
  • BULGAR
  • May 11, 2022

ni Zel Fernandez | May 11, 2022


ree

Namaalam na ang sikat na celebrity make-up artist at stylist na si Fanny Serrano sa edad na 72.


Batay sa blog post ng Pageanthology 101 nitong umaga ng Mayo 11, 2022, “The whole Philippine fashion and pageant community mourns by the sudden demise of renowned make up artist, designer and actor FELIX MARIANO FAUSTO JR or popularly known as Tita Fanny Serrano. Rest in Power.”


Noong Setyembre 2016, lumabas ang balita na inatake ng stroke si Tita Fanny at isinugod sa Quezon City's Philippine Heart Center. Doon ay itinuring umano nito na milagro ang kanyang naging paggaling.


Kalaunan, napabalita rin na naka-life support umano si Tita Fanny, ngunit patuloy din ang naging medikasyon na nagpabuti sa kalusugan at lagay nito.


Matatandaan naman na noong 2021, sa kanyang IG post ay emosyonal na humingi ng panalangin si Megastar Sharon Cuneta para sa paggaling ng malapit nitong kaibigan na dumanas umano ng “massive stroke”.


Gayunman, wala pang inilabas na pahayag ang mga kaanak at malalapit na kaibigan ng sikat na makeup artist sa sanhi ng pagkamatay nito.


Mula sa pamunuan ng pahayagang BULGAR, kami po ay nakikiramay sa mga naulila ni Fanny Serrano. Rest in peace, Tita Fanny.


 
 

Breaking: Manatili sa mga susunod na updates.

Kinumpirma na ang beteranong Hollywood actor na si Tom Hanks at kaniyang misis na si Rita Wilson ay nag-positibo sa novel coronavirus.

Si Hanks at kanyang asawa ay nasa The Gold Coast, Australia, para sa pre-production ng Baz Luhrmann's Elvis Presley film, kung saan ay gaganap siya bilang manager ni Presley na si Col. Tom Parker, ayon sa ulat.

Sa statement na ipinost sa Twitter, nasabi ng aktor na siya at ang kaniyang asawa ay sinuri sa coronavirus. Ito ay matapos makaramdam ng mga sintomas at sa mga test na ginawa ay nag-positibo rin.

Sa kaniyang post: "We Hanks' will be tested observed, and isolated for as long as public health and safety requires," dagdag pa niya sa statement. "Not much more to it than a one-day-at-a-time approach, no? We'll keep the world posted and updated. Take care of yourselves!"

Ang coronavirus na maaring mauwi naman sa sakit na tinatawag naman na COVID-19 at ito ay idineklarang pandemic nito lang Miyerkules ayon sa World Health Organization. Nasa lampas 125,000 katao na ang na-infect sa buong mundo at lampas 4,600 pagkamatay naman ang naiulat.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page