top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | August 21, 2024



Sports News
Photo: Manny Pacquiao

Pormal nang ibinasura ng Superior Court ng State of California mula sa County of Orange Central Justice Center ang $5.1-M o P282-M na isinampang kaso na ‘breach of contract’ kay Filipino boxing legend Manny “Pacman” Pacquiao ng kumpanyang Paradigm Sports Management upang tapusin ang tatlong taong pakikipaglaban sa naturang kaso.


Isinapinal ni California Superior Court Judge Walter Schwarm ang huling desisyon sa akdang inilabas nitong Agosto 12, 2024 para ideklarang walang bisa ang kaso sa kadahilanang ilegal ang hakbang dahil napag-alamang walang lisensiya bilang manager si Paradigm chief Audie Attar para sa mga boksingero sa California noong 2019, gayundin noong 2020 at 2021.


Unang beses na nagkaroon ng kasunduan sina Pacquiao at ang Paradigm Pebrero 8, 2020, habang pumasok sa partnership contract ang mga ito noong Oktubre 11 na eksklusibong kasosyo sa buong mundo. Subalit napag-alamang nagkaroon lang ng lisensya si Attar sa California mula Abril 14, 2016 hanggang Abril 30, 2017, subalit napaso ang lisensya matapos hindi makumpleto ang taunang renewal.


The court finds for Mr. Pacquiao on the declaratory relief cause of action and declares the contract void due to illegality,” pahayag ni Judge Schwarm na naunang ipinag-utos noong Hulyo na ipawalambisa ang pagbabayad ni Pacquiao ng $3.3-M para sa breach of contract at $1.8-M para sa ‘breach of the implied covenant of good faith and fair dealing’ na iniatas ng Orange County jury noong Mayo 2, 2024 para sa 10 mga hatol laban sa nag-iisang 8th division World champion.


We are pleased that the court made its final decision on the legal issues in Mr. Pacquiao’s favor. After hearing Paradigm Sports Management’s objections to the tentative decision, the court decided the contract that Paradigm sought to enforce Mr Pacquiao was illegal as Paradigm was not properly licensed,” saad ni Atty. Aniel. 

 
 

ni Gerard Arce / MC @Sports | July 31, 2024



Sports News
Photo: ONE Sports

Nabigo rin si Hergie Bacyadan at natalo sa unanimous decision laban kay top-seeded Chinese Li Qian pero aniya wala siyang pinagsisihan sa kanyang kauna-unahang t Olympic campaign.


“I’m happy for this experience … that I was able to compete in the Olympics,” ayon sa 29-anyos na si Bacyadan. Si Bacyadan, 29, ay dating inferior boxer sa women’s 75-kg round of 16 bout laban kay 5-foot-11 Li na ginamit ang five-inch height advantage at karanasan ng 34-year-old na hawak ang silver at bronze medals mula sa Tokyo 2020 at Rio 2016.


“She’s very experienced,” ani Bacyadan, ang ikalawa sa limang Pinoy boxers na umeksit sa Olympics makaraang kinapos din si Eumir Felix Marcial kontra Uzbekistan. “I have the courage and I tried, but I lack the exposure,” aniya. “I was able to take her punches but she’s really an experienced fighter.”


Samantala, tuloy ang kampanya ng Pilipinas sa Paris Olympics sa kabila ng emosyonal na pagtatapos ng laban ni Eumir Felix Marcial, Martes ng gabi. “Full speed ahead,” ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino kahapon. “The campaign for medals, especially gold, is hot on track.”


Isinalarawan ni Tolentino na ang naramdaman ni Marcial ay isang matinding dagok bagamat kargado ng sakripisyo at dedikasyon ang bronze medalist sa Tokyo 2020 bago magtungo ng Paris.


“I know how painful it is for Eumir to bear the loss,” saad ni Tolentino. “We feel his disappointment and frustration, but it’s not the end all for him.” Ang bronze ni Marcial sa Tokyo ay nasa middleweight na dibisyon na inalis ng Paris.

 
 

ni MC @Sports | July 31, 2024



Sports News

Masusubok na sa kanyang Olympic debut si Aira Villegas laban kay Roumaysa Boualam ng Algeria sa Round of 16 ng women’s 51 kg boxing category ngayong Biyernes.


Ang 28-anyos na Filipina boxer ay unang kumomanda ng 5-0 victory kontra kay Morocco’s Yasmine Moutakki, para ibigay sa Pilipinas ang malakas na simula sa kampanya ng boksing.


Gayunman, mabigat ang kanyang makakasagupa. Ang 29-anyos na si Boualam ay beterana na sa dalawang Olympic games, isang highly decorated boxer na may hawak na gold medal nang magwagi sa 2023 African Boxing Olympic Qualification Tournament, ilang beses na African championships, sa 2019 African Games, at sa 2023 Arab Games.


Siya rin ang pride ng kanilang bansa dahil unang babaeng boxer na kakatawanin ang Algeria sa Olympics. Sa kabila ng mabigat na laban, naniniwala si Villegas na ang kanyang nakaraang sparring sessions kay Boualam ang magpapalamang sa kanya.


"I've sparred with her before, but of course, an actual match is different," sabi ni Villegas sa wikang Tagalog. "We need to study her again and train hard."


Nainspira ang Tacloban City native sa panalo ng kanyang teammate, Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio na nakatiyak na rin ng 5-0 win kontra India's Jaismine Lamboria. Ang laban nina Villegas at Boualam ay 12:16 a.m. sa Biyernes oras sa Pilipinas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page