top of page
Search

ni MC - @Sports | May 1, 2022



Nagpalitan ng maaanghang at maiinit na salita ang dalawang pound-for-pound fighters sa kani-kanilang sports sina undisputed super-middleweight at light-heavyweight boxing champion Saul “Canelo” Alvarez at UFC welterweight titlist Kamaru “The Nigerian Nightmare” Usman matapos simulang humirit ng manager ni Usman na si Ali Abdelaziz sa social media.


“Canelo is an absolute chicken. He is fighting guys with 5000 followers on Instagram, these guys will never do nothing for his legacy. Now I understand why he doesn’t wanna lose to someone like (Usman), this is chicken style, no risk — no reward,” wika ni Abdelaziz sa Twitter account.


“Who the f*** is this?” tugon ni Canelo sa tweet kasama ang laughing emojis.


Mas lalong pang tumindi ang mga binitawang akusasyon ni Abdelaziz patungkol sa mga pag-iwas ni Alvarez na labanang muli si Genndy “GGG” Golovkin.


“You know who I am, you know what’s the difference between you and @USMAN84kg? You’ve been ducking GGG for 2 years now, but Kamaru have fought everybody UFC threw at him. I’m being very nice to you, because it’s Ramadan.”


Samantala, inanunsiyo ng Prime video at ng ONE Championship ang isang multi-year agreement para mai-broadcast nang live ang MMA event kada taon.


Ang full live events ay eksklusibong available sa Prime Video ng U.S. at Canada. Ang unang event ay iaanunsiyo sa huling bahagi ng taon.


Ang ONE ngayon ang itinuturing na pinakamalaking martial arts organization at top five global sports property para sa viewership at engagement. Itinatampok ng ONE events ang iba't ibang kategorya ng martial arts, kung saan pawang mga world-class athletes ang sumasabak mula sa 80 mga bansa mula sa mundo ng MMA, Muay Thai, kickboxing, submission grappling, at iba pang disiplina.


Ikinagalak ito ni Chatri Sityodtong, ang Chairman at CEO ng ONE Championship, “ONE Championship is thrilled to work with Prime Video, one of the largest premium sports content providers in the world."


Samantala, ipinagmalaki rin ni Marie Donoghue, ang Vice President of Global Sports Video at Amazon ang proyekto.


 
 

ni MC - @Sports | April 22, 2022


Kagyat na ipinag-utos ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang masinsin na imbestigasyon hinggil sa ipinataw na kaparusahan ng British Boxing Board of Control (BBBofC) laban sa Pinoy boxing champion na si John Riel Casimero.


Nitong Miyerkules, ipinag-utos ni Mitra sa GAB Boxing and Other Contact Sports Division na magsagawa ng ‘independent investigation’ upang matukoy kung tama ang naging desisyon na alisin si Casimero sa nakatakdang boxing promotion, bunsod ng paglabag sa ‘medical guidelines’ ng boxing association.


Nakatakdang idepensa ni Casimero ang WBO bantamweight title laban sa hometown challenger na si Paul Butler sa Liverpool, England sa Biyernes (Sabado sa Manila). Ngunit, tinanggal sa boxing card si Casimero dahil umano sa paggamit nito sa sauna bago ang opisyal na weigh-in na isa umanong paglabag sa boxing regulation.


Ipinarating ng BBBofC ang naging desisyon sa manager ni Casimero na si Mr. Egis Klimas. “As the country’s pro boxing regulatory agency, we strongly condemn and discourage the commission of any illegal acts or violation of boxing rules. We will surely look into this and summon Mr. Casimero and his team to shed light on the issue,” pahayag ni Mitra.


Orihinal na nakatakda ang laban ni Casimero kay Butler nitong Disyembre 2021, ngunit naunsiyami matapos magtamo ng viral gastritis ang Pinoy champion. Binawi ang naturang korona kay Casimero, subalit naibalik din kalaunan matapos mapatunayan ng WBO na nagtamo ng karamdaman si Casimero.


Ipinalit ng WBO si Jonas Sultan, pambato ng Zamboanga del Norte, kay Casimero para sa interim WBO bantamweight title fight kontra Butler.


Naging ganap na world title contender si Sultan nang labanan ang kababayan ding si Jerwin Ancajas para sa IBF belt noong 2018. Nagawa naman niyang gapiin si Casimero sa world title eliminator.

 
 

ni Gerard Arce - @Sports | August 29, 2020



Mabibigyan ng pagkakataon na makalaban para sa UFC heavyweight title si dating light-heavyweight champion Jon “Bones” Jones ngunit kinakailangan muna nitong dumaan kay No. 1 contender Francis Ngannou ng Cameroon.


Inihayag ni UFC President Dana White na bukas ito sa posibilidad na bigyan ng opurtunidad ang 33-anyos mula Albuquerque, New Nexico sa Estados Unidos na makatapat si UFC Heavyweight champion Stipe Miocic, dahil naniniwala ito na ang matagal na paghahari nito sa 205-lbs sa kasaysayan ng UFC kung saan karamihan sa mga tagasunod ng mixed martial arts ay binansagan na itong ‘greatest fighter’ na mundo ng naturang sport.


Subalit, kinakailangan munang mapadapa nito ang knockout artists na 33-anyos na Cameroonian-French na naghahanap ng kanyang ikalawang pagkakataon sa titulo na minsan ng nabigo laban kay Miocic noong Enero 20, 2018 sa UFC 220 na nagresulta sa unanimous decision lost.


“[Jon Jones is] the longtime light heavyweight champion. In my opinion, he’s the greatest of all time, and if he wants to come back and take a shot at the heavyweight championship, I wouldn’t have a problem with that,” pahayag ni White sa panayam ng ESPN. “But he can’t just jump in front of Ngannou right now.”


Gayunpaman, inamin ni White na habang nag-aantay sila ng desisyon ni Jones na pormal na magbalik laban at pag-akyat sa mas mabigat na weight division, ay inaasahan nila ang pagtatapat ng No. 1 contender at ng kampeon. Idinagdag rin ni White na marami pa ang mga nakalinya para sa naturang titulo kabulang sina Curtis Blaydes, Jairzincho Rozenstruik, Derrick Lewis, Allistair Overeem at dating kampeon na si Junior Dos Santos.


“[Ngannou vs. Miocic is] definitely the fight that’s going to happen at heavyweight now. Francis Ngannou has earned that title shot. Then we’ll see what happens,” wika ng MMA promoter. “We have the top 4-5 [heavyweights] laid out for fights coming up in the fall. So, we’ll see when Jon Jones’ timing is to come back and who makes sense for him.”


Sinabi naman ni Jones sa kanyang social media account na aminado siyang kakailanganin pa ng ilang panahon bago ito makalapit muli sa kampeonato, habang sinigurong hindi ito gahaman na makuha agad ang kampeonato sa iba.


I vacated the light heavyweight championship because I knew my heavyweight goals were going to take some time,” saad nito sa kanyang twitter account nitong Biyernes ng umaga. “I wasn’t playing games with the contenders and make people fight interim championship belts. There’s little rest on the throne.”


Matapos ang 12-taong paghahari sa light-heavyweight ranks na simulang makuha ang titulo kay Mauricio “Shogun” Rua ng Brazil noong UFC 128 sa pamamagitan ng 3rd round TKO na walong beses niyang idinipensa, ngunit sa ika-8th ay hinubaran ito ng titulo dahil sa paglabag sa sitriktong patakaran ng UFC Athletes Code of Conduct laban kay Daniel Cormier.


Patuloy pa rin itong nagwagi sa mga sumunod na laban kina Haitian American Ovince Saint-Preux at Cormier, ngunit nahuhubaran at nababaligtad ang hatol dahil sa pagpositibo nito sa illegal substance. Muli nitong napagwagian ang bakanteng korona kay Alexander Gustafsson sa UFC 232 sa 3rd round TKO. Naidepensa niya pa ito kina Anthony Smith, Thiago Santos at Dominick Reyes hanggang sa bitawan niya ito ngayong Agosto.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page