top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | April 22, 2023



Puspusan sa pagsasanay at nalalapit ng makuha ang inaasam na kondisyon ni reigning at defending World Boxing Organization (WBO) minimumweight champion Melvin “Gringo” Jerusalem bilang preparasyon sa kanyang nalalapit na laban kontra undefeated Puerto Rican Oscar “El Pupilo” Collazo sa Mayo 27 sa California sa Estados Unidos.

Puspusang nagsasanay si Jerusalem (20-2, 12KOs) sa Zip Boxing Gym sa Banawa, Cebu City kasama ang kanyang head coach na si Michael Domingo, kasamang nag-sparring sina reigning Oriental and Pacific Boxing Federation light-flyweight titlist Joey Canoy at utol ni dating World challenger Jeo “Santino” Santisima na si Gabriel.

Inilahad ni Domingo ang ginawang pagsasanay ng kanilang koponan sa Japan, kung saan naka-ensayo nila sina amateur boxer Kiyoto Narukami at dating WBO world light-flyweight at flyweight champion Kosei Tanaka nitong nagdaang Marso.

So far so good naman yung training niya and nasa 70-80% na rin kami sa nagagawa naming sparring,” pahayag ni Domingo, na dating may tangan ng WBO oriental bantamweight title at national champion. “Mga three weeks pa kami dito sa Cebu, tapos babalik ulit kami ng Japan para sa aming one-month training.”

Pinag-aaralan ring lumipad ang mga ito patungong Estados Unidos upang makapagsanay kasama sina world title challenger Jade Bornea at dating long-time IBF super-flyweight titlist Jerwin “Pretty Boy” Ancajas.

Ang 29-anyos mula Manolo Fortich, Bukidnon ang naging kauna-unahang Filipino na kampeon ngayong taon matapos tapusin ang halos anim na buwang pagkabokya ng Pilipinas sa boxing World title ng patumbahin si Japanese boxer Masataka Taniguchi nung Enero 6 sa bisa ng second round TKO sa EDION Arena, Osaka Prefectural Gymnasium sa Osaka, Japan.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | February 24, 2023




Masusubok sa isang mabigat na laban si unbeaten Filipino Olympian Charly “Kings Warrior” Suarez kontra sa wala ring talong si Paul “2 Gunz” Fleming ng Australia para sa apat na regional titles na magsisilbing daan upang mapalapit ito sa inaasam na World title fight ngayong taon.

Mapapalabanan ang 34-anyos na tubong San Isidro, Davao del Norte para sa bakanteng IBF Inter-Continental, IBO Inter-Continental, WBA Oceania, WBC Asian super-featherweight title sa Marso 15 sa Kevin Betts Stadium, Mount Druitt sa Sydney, Australia.

Mayrong 14-0 winning streak ang 2016 Rio Olympics at three-time Southeast Asian Games gold medalist na kakapanalo lamang ng dalawang regional title na IBF Asia at WBA Asia nitong nagdaang Disyembre 10, 2022 kontra Defry Palulu ng Indonesia na nagtapos sa second TKO na ginanap sa The Grand Ho Tram Strip, Vung Tau, Vietnam, habang napagwagian naman ni Fleming ang mga paglalabanang titulo sa kababayang si Jackson Jon England noong Marso 23, 2022 sa bisa ng unanimous decision.

Kung sakaling makuha ko ito, papasok ako sa mas mataas na rankings, basta sa lahat ng rankings, anytime yan this year makalaro tayo ng World championship,” pagbubunyag ni Suarez ng maging pangunahing bisita ito sa programang Bulgar Sports TV: Sports Beat noong Miyerkules ng umaga. “One day at a time lang. Darating din yan, [basta] laging iniisip namin na lahat ng laban ko ay huli na para lagi kong iniisip na 100% dapat lagi ang aking laban.”

Sinabi ni Suarez na nakatutok sila sa paghahanda kontra kay Fleming, na minsang sumabak sa 2008 Beijing Olympics na may mabigat na rekord na 28 panalo at 18 rito ay nagmula sa knockouts na nagsimulang sumabak noong Nobyembre 2018.

Kasalukuyang nasa ika-8th ranked sa IBF si Suarez at No. 32 sa WBC, habang nasa 13th si Fleming, No.10 sa WBA at No.29 sa WBC.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | February 12, 2023




Tinuldukan na ni multi-weight champion at Mexican Hall of Famer Juan Manuel “Dinamita” Marquez ang anumang paghaharap na magkakaroon sa kanila ng nag-iisang eight-division World titlist Manny “Pacman” Pacquiao, maging tunay na laban o exhibition man ito, dahil para sa kanya siya ang nanalo.


Idiniin ng 49-anyos na retiradong boxing legend na hindi maganda ang kalalabasan ng anumang panibagong tapatan sa ibabaw ng ring sa kanila ng Pambansang Kamao dahil magsisilbi lang itong ugat muli ng panibagong giyera sa pagitan nila ni Pacman, na sa tingin niya ay natapos na noong 2012.


Isang malaking pagkakamaling muling magkaharap sa loob ng ring kasunod ng mga alok at haka-hakang pagtatapat dahil aminadong mauuwi lamang ang kanilang laban mas matinding salpukan lalo pa’t hindi makakalimutan ang 6th round knockout na natamo ng 44-anyos na Filipino boxing icon noong Disyembre 8, 2012 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.


It wouldn’t be an exhibition fight, do you agree? With the courage that it brings me and after what happened to me, that fight would not be an exhibition,” pagkaklaro ni Marquez, na nakikitang maaaaring magpatayan pa sa suntukan ang dalawa dahil sa kanilang nakaraan na umabot sa apat na serye ng paghaharap.


We would go up to kill each other again. I don’t think so [we won’t agree on an exhibition]. That chapter is closed [forever].”

Inihayag ng four-division world titlist na hindi na masusundan ng isa pang sagupaan sa pagitan nila ni Pacquiao, gayundin ng anumang exhibition fights para sa kanya dahil tanggap nitong tapos na ang kanyang karera sa mundo ng boksing at hindi niya gawain na lumaban lamang para gumalaw-galaw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page