top of page
Search

ni GA @Sports | October 15, 2023




Susuungin ang mahirap na pagsubok sa selebrasyon ng kapaskuhan upang matupad ang pinapangarap na maging kauna-unahang Pilipinong undisputed kampeon sa katauhan ni unified World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) champion Marlon “Nightmare” Tapales laban sa dating bantamweight undisputed at kasalukuyang may hawak ng World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) titlist Naoya “The Monster” Inoue sa umaatikabong sapakan sa Disyembre 26 sa bansang Japan.


Inihayag ni Top Rank big boss Bob Arum sa panayam ng batikang manunulat at host na si Steve Kim na planong gawin ang mega-fight bout matapos ang araw ng Pasko sa lungga ni Inoue para pagsamahin ang kanilang titulo sa iisang maghahari ng 122-pound dibisyon.

Sakaling matupad ang kahilingan para 31-anyos na tubong Tubod, Lanao del Norte ay magiging unang ganap na Pinoy na kampeon ng apat na title belt, higit sa nag-iisang eight-division World champion Manny “Pacman” Pacquaio, four-divisions Nonito Donaire at Donnie Nietes at three-division Johnriel Casimero, na hindi nagawang makalapit sa naturang undisputed race, habang kung mapapasakamay ng undefeated Japanese at No.2 pound-for-pound fighter ang mga titulo ay hihiranging ikalawang lalaking kampeon na nakahawak ng dalawang undisputed belts kasunod ni welterweight king Terrence “Bud” Crawford.

So, Bob Arum tells me that he believes things are moving forward for Naoya Inoue-Marlon Tapales for all the belts at 122, in Japan in December 26,” ayon sa post ni Kim sa X, kung saan plano sanang dalhin sa Amerika ang laban subalit nais ni Inoue na ganapin ang laban sa kanyang hometown. “As for “The Monster” fighting again next year in America. He wants to fight here [Japan].”

Kumamada na sa masinsinang ensayo si Tapales sa paggiya ni head trainer Ernel Fontanilla na idinaraos sa Knucklehead Gym sa Las Vegas, Nevada sa Amerika bilang preparasyon sa malakihang salpukan ng dalawang unified champions sa panahon ng four-belt era.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | June 16, 2023




Masusubukan na sa panibagong weight division si dating long-time International Boxing Federation (IBF) super-flyweight World champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas kontra sa beteranong si Wilner “Wilber” Soto ng Colombia sa 10 round bantamweight bout sa darating na Hunyo 24 sa Armory, Minnesota sa Amerika.

Inihayag ni head trainer at manager Joven Jimenez na nakatakdang makatapat ni Ancajas (33-3-2, 22KOs) sa kanyang bagong dibisyon matapos umakyat nitong taon matapos dalawang sunod na mabigo sa 115-pounds kontra kay IBF champion Fernando “Pumita” Martinez ng Argentina na makakatapat ang undefeated Filipino boxer Jade “Hurricane” Bornea bilang pangunahing boxing event, kung saan magsisilbing undercard bout ang laban ni Ancajas.

Aminado si Jimenez na beteranong boksingero ang makakatapat ng 31-anyos mula Panabo, Davao de Norte na minsang nakalaban ang mga dating world challenger Stephen Young at former IBF/WBA bantamweight titlist Murodjon “MJ” Akhmadaliev ng Uzbekistan. “Magaling at marami na siyang nakalaban na world class boxer,” mensahe ni Jimenez kahapon. “Game plan namin bale ay masubukan siya hanggang 10 rounds.”

Matapos maging pangunahing problema sa magkasunod na pagkatalo laban kay Martinez ang kanyang timbang, kinakitaan ng panibagong sigla at lakas si Ancajas na masiglang bumabanat sa ensayo at sparring sessions kasama sina Jimenez at bagong strength and conditioning coach Angel “Memo” Heredia ng Mexico.

Sakaling manaig sa mga darating na laban sa 118-lbs si Ancajas ay mabibigyan ito ng pagkakataon na makalaban muli sa isang World title fight, matapos mapabilang ito sa No.8 ranked sa IBF at World Boxing Association (WBA). Kasalukuyang hinahawakan rin ito ng MP Promotions ng nag-iisang eight-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao at ni president at international matchmaker Sean Gibbons.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | June 9, 2023




Pagsisikapan ng husto ni dating super-flyweight World champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas na muling makasungkit ng kampeonato sa bagong kategorya na bantamweight division na siksik ang kondisyon katulong ang renowned strength and conditioning coach na si Angel “Memo” Heredia.

Matapos maging pangunahing problema sa magkasunod na pagkatalo laban kay reigning International Boxing Federation (IBF) 115-pound champion Fernando “Pumita” Martinez ng Argentina ang kanyang timbang, kinakitaan ng panibagong sigla at lakas ang 31-anyos mula Panabo, Davao de Norte na masiglang bumabanat sa ensayo at sparring sessions kasama sina head trainer at manager Joven Jimenez at Mexican trainer Heredia.

Nagustuhan namin si coach Memo dahil high energy palagi siya. Gaganahan talaga ang boxer at pinapaliwanag niya lahat ang ginagawa kung ano ang purpose,” paliwanag ni Jimenez.

Nakatakdang sumuntok muli ang 5-foot-5 southpaw laban sa hindi pa pinapangalanang kalaban sa undercard battle nina undefeated Filipino boxer Jade “Hurricane” Bornea at Martinez sa Minnesota sa U.S. sa Hunyo 24.

Sa ngayon po maganda ang condition niya at gusto niya ang laban na timbang ngayon. Ganitong panahon noon ay hirap na hirap na siya, pero ngayon naghuhubad ng t-shirt kapag nag-eensayo,” ani Jimenez na kasalukuyang nagsasanay sa Las Vegas, Nevada kasama ang iba pang Filipinong boksingero na kinabibilangan nina Jonas “Zorro” Sultan at dating World challenger Vincent “Asero” Astrolabio.

Sakaling manaig sa mga darating na laban sa 118-lbs si Ancajas ay mabibigyan ito ng pagkakataon na makalaban sa World title, matapos mapabilang ito sa No.8 ranked sa IBF at World Boxing Association (WBA). Kasalukuyang hinahawakan din ito ng MP Promotions ng nag-iisang eight-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao at ni president at international matchmaker Sean Gibbons.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page