top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 15, 2021


ree

Required pa rin ang negative RT-PCR test result sa mga bibisita sa Boracay na hindi pa fully vaccinated, batay sa bagong executive order ng LGU.


Sa Caticlan airport lamang maaaring dumaan ang mga turista.


Samantala, hindi na required ang swab test para sa mga fully-vaccinated tourists na nais pumunta ng Boracay simula November 16, 2021, ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores.


“I'm happy to report na by November 16, next week, tatanggalin na namin yung requirement ng RT-PCR test sa mga lahat na pumupunta ng Boracay," ani Miraflores sa isang interview.


Kailangan lang magpakita ng vaccination certificate mula sa Department of  Information and Communications Technology (DICT) website.


Tatanggapin din ang vaccination cards mula sa local government units basta mayroon itong QR code.

Umaasa ang LGU na muling sisigla ang turismo dahil sa pagluluwag sa restrictions.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 11, 2021


ree

Naniniwala ang Malay Tourism Office na lalo pang tataas ang tourist arrivals sa Isla ng Boracay sa katapusan ng Nobyembre sa sandaling mabakunahan na kontra-COVID-19 ang 100% ng mga residente at tourism workers dito.


Ayon kay Chief Tourism Operations Officer Felix delos Santos, umaabot na sa 92.2% ng tourism workers ang nabakunahan sa isla, habang 94.59% sa eligible population.


Matatandaang sinabi ng lokal na pamahalaan ng Aklan ang posibilidad na alisin na ang negatibong RT-PCR test requirement para sa fully vaccinated tourists mula sa labas ng Isla ng Panay at Guimaras basta makapagpakita ng kanilang vaccination certificate.


Naghahanda na rin umano ang pamahalaan at Department of Tourism sa pagtanggap ng mga dayuhang turista.


Sa kasalukuyan ay umabot na sa 292 ang mga accommodation establishments na nagbukas sa Boracay na may Certificate of Authority to Operate (CAO) mula sa Department of Tourism (DoT).

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | August 29, 2021


ree


Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng casino sa Boracay, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang statement kagabi.


"This latest presidential pronouncement is part of the revenue-generating efforts of the government to augment funds for COVID-19 response," ani Roque.


Dagdag pa niya, ang mga pupunta sa casino ay kailangang mag-comply sa health protocols at ang mga nasabing establisimyento ay kinakailangang mayroong mga panuntunan na nagbabawal sa mga menor de edad.


Sa isang panayam ay nabanggit na ng Pangulo na pinapayagan niya ang pagtatayo ng casino sa Boracay upang magkaroon ng dagdag na pondo panlaban sa Covid-19.


"Patawarin na po ninyo ako for the contradiction," ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang late night address. "Ngayon po, wala tayong pera. Kung saan man tayo makakuha ng pera, kukunin ko. Kung diyan sa gambling, so be it."


"Ngayon, kung nagkamali ako, tama 'yan, nagkamali ako. Kung wala akong isang salita diyan, tama 'yan, wala akong isang salita diyan. Pero kailangan ko ng pera para patakbuhin ang gobyerno kasi marami akong gagastusan."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page