top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 11, 2022



Malaki ang ibinaba ng bilang ng tourist arrival sa Boracay sa unang araw pa lang ng pagbabalik ng RT-PCR test requirement. 


Mula 2,500 arrivals noong araw bago ibalik ang requirement, bumagsak agad nang kalahati ang bilang ng mga turista noong Linggo.


Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, malaki man ang epekto sa turismo, makatutulong naman umano ang polisiya para mapabagal o mapigilan ang pagdami ng COVID-19 cases sa isla.


"This is a very good step in order to stop the spread since noong nag-start itong nagka-COVID is from tourist from Metro Manila," ani Bautista.


Sa ngayon, 44 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Boracay, kung saan 17 ang tourism workers habang 27 ang turista.


Wala pang kasiguraduhan kung hanggang kailan magtatagal ang paghingi ng negative RT-PCR test result bilang requiremen pero ayon sa lokal na pamahalaan, malinaw na hanggang mataas ang banta ng pagkakaroon ng sakit sa mga lugar gaya ng Metro Manila, magiging tuloy-tuloy ang requirement na ito.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 5, 2021



Para lamang sa mga fully vaccinated tourists ang mga water sports activities sa Boracay, ayon sa LGU.


Base sa Executive Order No. 028-A na nilagdaan ni Aklan Governor Florencio Miraflores, hindi pinapayagan ang mga hindi bakunando na ma-enjoy ang iba't-ibang uri ng water sports activities.


Kabilang din sa bagong E.O. ang pagpapatupad ng curfew sa Boracay mula 1:00 a.m. hanggang 4:00 a.m. ng madaling araw.


Umaasa ang provincial government ng Aklan na magiging patuloy na COVID-19 free ang Boracay dahil sa mga paghihigpit sa health protocols at restrictions na pinatutupad sa buong isla ng Boracay.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 24, 2021




Tumaas ang bilang ng mga lumabag sa minimum health protocols sa Boracay matapos na ipatupad ang Alert Level 2 sa isla at buong lalawigan ng Aklan.


Ayon kay P/Lt. Col. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay Municipal Police Station, may naitalang mahigit 29 na paglabag sa minimum public health standards noong Nobyembre 21 lalo na ang hindi pagsusuot ng face mask at paglabag sa curfew hours na 12:00 a.m. hanggang 4:00 a.m.


Ang mga violators ay tiniketan na may multang P2,500.


Mayroon ding turista na nasita dahil sa pag-ihi sa frontbeach na paglabag sa Municipal Ordinance No. 311.


Matapos alisin sa requirements ang RT-PCR test sa mga fully vaccinated na turista, umaabot na sa 40,474 ang tourist arrivals simula Nobyembre 1 hanggang 21 o may average na 1,500 hanggang 2,000 na bisita kada araw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page