top of page
Search

ni Angela Fernando @Local News | June 20, 2024



Showbiz news

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Huwebes na halos P700-milyon ang nawala sa sektor ng agrikultura sa rehiyon ng Caraga dahil sa epekto ng El Niño.


Pinangunahan ni Marcos ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka, mangingisda, at mga pamilyang naapektuhan sa Butuan City Sports Complex sa Butuan City, Agusan del Norte. 'Ayon sa aming datos, naapektuhan [ang] 15% ng inyong kabuuang populasyon at 30% ng inyong kabuhayan,'' saad ni Marcos.


Binigyang-diin din niya na libu-libong mga magsasaka at mangingisda ang apektado ng El Niño. Matatandaang inilagay sa ilalim ng state of calamity ang Butuan City nu'ng Hunyo 13 dahil sa El Niño, na nakaapekto sa humigit-kumulang 3,694 magsasaka at mangingisda.

 
 

ni Angela Fernando @News | June 1, 2024


Sinabi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Sabado na bibisita sa 'Pinas si Pangulong Tharman Shanmugaratnam ng Singapore sa Agosto.


''The President has already graced our invitation for him to visit and is planning a visit to our country in August. And the Prime Minister, he says, he will follow as quickly as he can,'' saad ni Marcos.


''And this is very important, as most especially 2024 marks 55 years of diplomatic relations between the two countries. We committed to work hard in pursuing the signing of three near completion MOUs by the time the Singaporean President visits Manila later this year,'' dagdag niya.


Matatandaang nagkaroon ng pag-uusap ang dalawang lider bago ang keynote address ni Marcos sa 2024 IISS Shangri-La Dialogue nu'ng Biyernes ng gabi.


Binanggit din ni Marcos na nagkaroon ng mahahalagang palitan sa pagitan ng Pilipinas at Singapore, isa na ang pagtugon sa mga suliranin sa climate change.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 29, 2024


Binigyang-diin ni Sultan Hassanal Bolkia ng Brunei na kanilang pananatilihin ang pagpapalakas ng ugnayan sa 'Pinas upang mas maprotektahan at mapangalagaan ang parehas na ambisyon ng dalawang bansa.


Nagbigay ng pahayag si Bolkiah sa state banquet na inihanda ng Sultanate para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naroon para sa 2-araw na state visit.


“Brunei Darussalam is committed to further strengthen these important relations to protect and safeguard our common aspiration,” saad ng Sultan.


Nagpaabot din ito ng kagalakan para sa mga dokumento na nilagdaan sa panahon ng pagbisita ni Marcos dahil ito ay makakapagpatibay pa sa patuloy na paglago at pag-unlad ng dalawang bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page