top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 12, 2024



File Photo: Pangulong Bongbong Marcos at Toni Gonzaga - Toni Talks


Natuwa naman kami na sa tinagal-tagal ng panahon, kilala pa rin pala kami ni Mommy Pinty Gonzaga. More than a decade na kasi nu'ng una at huling beses namin itong nakatsikahan nang matagal nang imbitahin niya kami kabilang ang ibang press friends sa kanilang bagong tayong mansiyon noon sa Taytay. 


Kaya naman nag-throwback kuwentuhan kami at in fairness, matsika pa rin si Mommy Pinty tulad nu'ng una namin siyang makausap.


At dahil wala nga sa launching ng Gonzaga Family bilang endorser ng Chef Aybs' Paragis Tea si Toni, nakumusta namin kay Mommy Pinty ang kanyang panganay at maging ang asawa nitong si Direk Paul Soriano.


Matagal-tagal na rin kasing 'di nakakausap ng press si Toni. Ang last time pa nga ay nu'ng bago pa yata ito manganak sa kanilang second baby ni Direk Paul.


Gusto sana naming alamin kay Mommy Pinty ang reaksiyon ni Toni sa mga isyung ibinabato kay Direk Paul kaugnay ng pagkawala nito sa Malacañang bilang Presidential Adviser for Creative Communications.


Pero sagot sa amin ni Mommy Pinty, hindi na siya nagbabasa ng social media dahil una, wala siyang socmed account at ayaw niyang ma-stress sa mga nega comments kaya mabuting tahimik na lang ang buhay niya.


Kaya wala raw siyang alam sa mga issues na ibinabato kay Direk Paul, at isa pa, may sariling bahay na raw ang mag-asawa kaya 'di rin niya madalas nakakausap.


Tinanong din namin si Mommy Pinty kung may nag-alok din ba kay Toni na tumakbo this coming elections. Ang dami-dami kasing artista ang nag-file ng COC, 'di ba?


Kuwento niya, noon daw ay inalok ni Pangulong Bongbong Marcos si Toni na tumakbong senador pero tinanggihan ng aktres-TV host ang kanilang ninong sa kasal dahil hindi raw feel ni Toni ang pulitika.


Pero minsan daw, napag-usapan nila sa bahay na bakit hindi na lang si Toni ang tumakbong mayor ng Taytay dahil hindi na nga nila pinatakbo pa si Daddy Bonoy na 70 yrs. old na rin ngayon at gusto nilang 'wag na ring ma-stress at makasama nila sa mga pasyal-pasyal at bonding ng pamilya.


Ang sagot lang daw ni Toni ay hindi pa ngayon dahil may dalawa pa itong maliliit na bagets, pero baka raw in the future, puwede!

Hmmm… Sa 2028 elections kaya?!


Gustung-gusto na raw magka-baby, naunahan ni Toni… ALEX, TODO-TANGGI SA MGA SHOWS MABUNTIS LANG 


Alex Gonzaga

"Team Green" ang pamilya Gonzaga na binubuo nina Daddy Bonoy, Mommy Pinty at Alex Gonzaga sa launching nila kahapon sa One Shangrila Place para sa kanilang pinakabagong endorsement as a family.


Yes, endorsement ang dahilan ng pagsusuot ng green ni Alex at ng kanyang parents dahil green ang kulay ng Chef Aybs' Paragis Tea na kanilang ineendorso at hindi dahil nag-file sila ng COC at tatakbo sa 2025 elections.


Na-miss namin si Toni Gonzaga na wala sa family endorsement kaya nga tinanong namin sina Alex, Mommy Pinty at Daddy Bonoy kung bakit wala ang TV host sa event at hindi rin kasama sa promotional photos.



As usual, humirit ang makulit at mapagbirong si Alex na naubos daw ang talent fee kay Mommy Pinty kaya 'di na kinaya si Toni, hahaha!


Anyway, may good news si Alex Gonzaga habang nagbibigay ng kanyang testimonial sa good effects ng pag-inom niya ng Chef Aybs' Paragis Tea.

Ani Alex, nakatulong daw talaga nang bongga sa pagdi-detox niya ang naturang tea at na-experience niya mismo ang paglalabas ng toxins ng katawan niya dahil kung dati raw, hindi na siya nagkakaroon ng muta, ngayon ay may lumalabas nang muta sa kanya.


At nu'ng magpa-check-up daw siya sa kanyang OB-Gynecology, maging ito ay nagulat at natuwa dahil sa magandang kondisyon ng kalusugan ni Alex ngayon. 


Actually daw kasi, kaya siya na-convince ni Mommy Pinty na uminom ng Chef Aybs' Paragis Tea ay dahil gustung-gusto na nga niyang mabuntis. Pero may mga irregularities nga siya sa kanyang body system kaya hirap siyang mag-conceive.


Kaya nu'ng masabi raw ng aktres na si Sherilyn Reyes kay Mommy Pinty na ipasubok kay Alex ang naturang tea dahil lahat ng kaibigan nitong hindi mabuntis ay nagbuntis na, sinubukan nga ni Alex at so far daw, maganda talaga ang resulta.


Kaya naman ang good news niya, "Anytime, puwede na raw akong mabuntis!" sabay hirit na naghihintay na nga raw sa backstage ang kanyang mister na si Mikee Morada para gumawa sila ng baby, hahaha!


Grabe rin ang sakripisyo ni Alex para mabuntis lang, ha? As in sinabihan daw nito si Mommy Pinty na manager din niya na 'wag na munang tumanggap ng mga shows here and abroad dahil baka nga bigla siyang mabuntis, eh, nakakahiya naman sa hindi niya masisipot.


Pero ngayon, nagbago na raw ang mindset ni Alex at ayaw nang magpa-pressure. Basta kung darating ang baby, darating at the right time. 

 
 

ni Angela Fernando @News | Oct. 9, 2024



Photo: Presidential Communications Office


Nagdaos ng online meeting si Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kasama ang ilang kalihim ng gabinete sa sidelines ng 44th and 45th ASEAN Summit and Related Summits upang talakayin ang sitwasyon sa Middle East.


Ayon sa Presidential Communications Office nitong Miyerkules, dumalo sa Zoom meeting sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Defense Secretary Gilberto Teodoro, Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, at National Security Adviser Eduardo Año.


Sa kanyang talumpati sa meet and greet kasama ang Pinoy community sa Lao PDR, binanggit ni Marcos na patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang opisyal tungkol sa repatriation ng mga Pilipinong naapektuhan ng tensyon sa Israel at Lebanon.


Magugunitang pinayuhan ang mga Pilipino sa Israel na iwasan ang ilang lugar sa Middle East, kabilang ang ilang bahagi ng Israel at Lebanon, dahil sa lumalalang gusot sa rehiyon. Ang paalala ay dumating matapos magpasabog ng bomba ang Israel sa mga target ng Hezbollah sa Lebanon at Gaza Strip.

 
 

ni Angela Fernando @News | August 16, 2024



Showbiz News
Photo: Singapore President Tharman Shanmugaratnam at Pangulong Bongbong Marcos / PBBM

Nagpahayag si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ang pagbisita ng Pangulo ng Singapore na si Tharman Shanmugaratnam ay muling makakapagpalalim ng ugnayan ng dalawang bansa dahil ipinapakita nito ang matibay na pagkakaisa sa pagitan ng mga Pinoy at Singaporean.


"Your visit is a testament to the strong bond between our people and each other's countries over the years. As proof of this kinship, I recall we only recently met in Singapore at the end of May, where I had the privilege to deliver the keynote message at the 21st edition of the IISS Shangri-La Dialogue, and here we are once again, two months later, rekindling our personal ties and strengthening our countries," saad ni Marcos.


Samantala, sa kanilang pagpupulong sa 2024 International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue, sinabi ni Shanmugaratnam na nakikita niya ang umiinit pang ugnayang diplomatiko sa pagitan ng Singapore at 'Pinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page