top of page
Search

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Dec. 28, 2024



Bisyo Magserbisyo ni Bong Go

Sa pagtatapos ng 2024, maraming oportunidad ang dumating sa ating buhay. May mga pagsubok din na maluwalhati nating nalampasan. Nariyan din ang mga leksyon ng mga nakaraang panahon na naging daan para lalo tayong matuto at maging mas malawak ang pananaw sa buhay.


Ang pagsapit ng panibagong taon ay laging may hatid na bagong pag-asa. Kaya naman kabilang sa panalangin ko ang higit na magandang buhay para sa aking mga kababayang Pilipino ngayong paparating na 2025. Ipagpatuloy natin ang ating pagsisikap at huwag tayong bibitiw sa ating mga pangarap. Bagong taon, bagong hamon, bagong tagumpay.


Panatilihin natin ang ating pagmamahal sa pamilya, sa kapwa Pilipino at sa ating bansang Pilipinas. Patuloy tayong magkaisa at magbayanihan para makamit natin ang ating inaasam na pagsulong at pag-unlad.


Pangalagaan natin ang ating kalusugan. Sa pagsalubong sa 2025, mag-ingat tayo sa ating pagdiriwang. Masarap salubungin ang New Year na kumpleto ang ating katawan, wala tayong nararamdamang sakit at walang napinsala sa mga ari-arian at kabuhayan. Simulan din natin ang bagong taon nang may panibagong sigla at puno ng pag-asa.


Upang higit namang maipadama sa ating mga kababayan, lalo na ng mga nangangailangan, ang diwa ng Kapaskuhan at ang sigla ng papasok na taon, tuluy-tuloy tayo sa paghahatid ng serbisyo at sa iba pa nating mga gawain sa labas ng Senado. Nakiisa tayo noong December 21 sa ginanap na Pilipinas Super League President’s Cup Opening Ceremony sa San Juan City sa paanyaya ni PSL President Cris Bautista. 


Bumisita naman tayo sa Davao Oriental noong December 23 at personal na sinaksihan ang turnover ceremony ng itinayong Super Health Center sa Brgy. Calapagan sa Lupon. Matapos ito ay dumiretso tayo sa Mati City para pangunahan ang turnover ceremony ng ambulansya para sa mga munisipalidad ng Baganga, Boston, Caraga, Cateel, Manay, Tarragona, at ng Mati City. Sinaksihan din natin ang pagbubukas ng City Wide Musabaqah Sports Activity sa paanyaya ni Coun. Bong Alcantara.


Sinaksihan din natin ang turn over ceremony ng itinayong Super Health Center sa Brgy. Bagumbayan — sa Lupon pa rin — gayundin ang turn over ng ambulansya para sa Lupon at San Isidro. Pinangunahan din natin ang pamamahagi ng tulong para sa 3,600 mahihirap na residente ng Lupon, na sa ating pakikipagtuwang sa lokal na pamahalaan ay nabigyan din ng tulong pinansyal. Naimbitahan din tayo sa ginanap na Philippine Military Academy Alumni Association Eagle Fraternal Chapter Inc. Christmas Party sa Davao City sa paanyaya ni former Usec. Nestor Quinsay, kung saan guest speaker si dating Pangulong Rodrigo Duterte. 


Nasa Sarangani naman tayo noong December 26 at binisita natin ang bagong naitayong Super Health Center sa Malungon. Personal din nating sinaksihan ang ribbon cutting and turn over ceremony ng itinayong footbridge sa Brgy. Malandag, Malungon kasama natin si Mayor Theresa Constantino. Ang naturang proyekto ay napondohan sa ating kapasidad bilang vice chairperson ng Senate Committee on Finance. 


Kahapon, December 27, nasa Davao del Norte tayo at personal na pinangunahan ang pamamahagi ng tulong para sa 300 maliliit na negosyante ng Braulio E. Dujali, Carmen, and Sto. Tomas. Matapos ito, dumiretso tayo sa Tagum City at nagsagawa ng katulad na relief effort kung saan 300 maliliit na negosyante mula naman sa Tagum City, Asuncion, at Kapalong, ang ating naging benepisyaryo. Sa ating inisyatiba at pakikipagtuwang sa DTI, nakatanggap din sila ng livelihood kits. 


Dumalo rin tayo sa ginanap na MMFF 50th Anniversary Awards Night sa Parañaque City.

Tuluy-tuloy din ang aking Malasakit Team sa paghahatid ng tulong. Naalalayan natin ang 55 residente ng Talisay City, Cebu na naging biktima ng insidente ng sunog.


Nahatiran din ng tulong ang mga nawalan ng hanapbuhay sa Iloilo kabilang ang 54 sa Calinog katuwang si VM Anthony Gustilo; at 90 sa San Dionisio kaagapay naman si Mayor Darwin Bajada. Sa ating pakikipagkapit-bisig sa DOLE, nabigyan pa sila ng pansamantalang trabaho.


Binalikan natin at muling binigyan ng tulong ang mga naging biktima ng Bagyong Egay sa Davao Oriental kabilang ang 35 sa Tarragona, at dalawa sa Lupon. Nakatanggap din sila ng emergency housing allowance mula sa NHA sa ilalim ng programang ating isinulong para may pambili sila ng materyales sa pagpapaayos ng kanilang nasirang tahanan.  


Natulungan din natin ang 100 maliliit na negosyante sa New Corella, Davao del Norte na sa ating inisyatiba ay nakatanggap din ng livelihood kits mula sa DTI. 

Naalalayan natin ang 1,000 mahihirap na residente ng Famy, Laguna katuwang si Mayor Lorenzo Rellosa. Sa ating inisyatiba, nakatanggap pa sila ng tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan. 


Ang aking sipag ang isa sa aking maiaalay sa mga kapwa nating Pilipino dahil bisyo ko ang magserbisyo, at ako ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos. Ito ang inyong Senator Kuya Bong Go na bumabati ng happy, healthy New Year sa inyong lahat!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Dec. 21, 2024



Bisyo Magserbisyo ni Bong Go


Masarap sa pakiramdam kapag ang ating mga inisyatiba para magkaroon ng mga reporma sa ating healthcare system ay nagkakaroon ng suporta mula sa hanay ng ating mga kapwa manggagawa sa gobyerno.


Noong December 17 ay naglabas ang Department of Health ng public advisory kung saan kinukumpirma nito ang kanilang commitment na siguraduhing hindi maantala ang medical assistance programs na kaugnay ng Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019. Tayo ang principal sponsor at may-akda ng batas na ito.


Alinsunod sa RA 11463, maaaring dumulog ang nangangailangan ng medical assistance sa mga Registered Social Worker sa mga Malasakit Center ng ospital na mayroon nito. Malaking ginhawa ang naibibigay ng Malasakit Centers sa mga kababayan nating walang kakayahang magbayad ng gastusin sa ospital. Sa isang kuwarto lang, nandiyan na ang mga ahensya na tutulong para mabawasan ang pasanin nila.


Kaya paalala ko sa mga ahensya na ipatupad ang batas nang tama upang hindi mapabayaan ang mga kababayan nating naghihingalo dahil sa sakit at sa bayarin ng pampagamot.


Ang Malasakit Centers program na ating isinulong ay nagsisilbing one-stop shop kung saan pinagsama-sama na sa iisang bubong ang representatives mula sa DSWD, DOH, PhilHealth, at PCSO para hindi na magpapalipat-lipat pa ng mga opisina at pipila nang mahaba ang mga benepisyaryong nangangailangan ng tulong medikal.


Batay sa datos ng DOH, mahigit 15 milyong kababayan na natin ang natulungan ng programa at may 166 Malasakit Centers na ang operational sa buong bansa. Pera ng taumbayan iyan, ibinabalik lang sa kanila sa pamamagitan ng mabilis at epektibong tulong pangkalusugan.


Hindi na dapat kailangang mahirapan pa ang ating mga kababayan sa paglapit sa gobyerno para humingi ng tulong, magsanla ng kalabaw o mangutang para lang sa pampaospital. Bilang mga lingkod bayan, ilapit natin ang serbisyo sa taong nangangailangan bilang pagmamalasakit sa kanilang mga pinagdadaanan. Huwag na dapat pahirapan pa ang mahirap na!


Samantala, patuloy pa rin tayo sa paghahatid ng serbisyo lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.


Binisita natin noong December 19 ang mga kababayan natin sa Cagayan. Guest of honor tayo sa Cagayan Provincial Health Awards bilang chairperson ng Senate Committee on Health. Pinangunahan din natin ang pamamahagi ng tulong sa 1,281 estudyante at 400 mahihirap sa Tuguegarao City katuwang si Mayor Maila Ting, na sa ating inisyatiba, napagkalooban din sila ng tulong mula sa lokal na pamahalaan. Sinaksihan din natin ang inagurasyon ng itinayong Super Health Center sa Peñablanca kung saan nagbigay tayo ng suporta sa 80 barangay health workers doon.  Nagpapasalamat ako sa pagdedeklara sa akin bilang adopted son ng Tuguegarao City at Peñablanca, Cagayan.


Kahapon, December 20, nasa Rizal province tayo upang mamahagi ng tulong sa 2,820 estudyante ng Binangonan. Sa ating pakikipagtuwang kay Gov. Nina Ricci Ynares, nabigyan din ang mga benepisyaryo ng tulong mula sa lokal na pamahalaan. Matapos ito ay dumiretso tayo sa San Mateo at nag-inspeksyon sa itinayong Super Health Center. Katuwang si Mayor Omie Rivera, namahagi rin kami ng rice packs at iba pang tulong sa libu-libong residente roon. Pagkatapos ay nakipagtulungan din tayo sa ilang mga barangay official sa Pasig City upang mas mailapit ang serbisyo sa mga tao sa paanyaya ni Kap. Jigs Servillon.


Sinaksihan naman ng aking opisina ang turnover ng Super Health Center sa Esperanza, Agusan del Sur at ang groundbreaking ng itatayong Super Health Center sa Cuenca, Batangas.


Ipinadala ko naman ang aking Malasakit Team sa iba’t ibang komunidad para maalalayan ang mga nangangailangan tulad ng 55 na naging biktima ng sunog sa Talisay City, Cebu; at sa dalawang biktima sa Governor Generoso, Davao Oriental.


Nag-abot din tayo ng dagdag na suporta bilang Senate Youth Committee chairperson sa 189 iskolar sa Bulacan State University; 41 sa National College of Business Administration sa Taytay, Rizal; at 553 sa iba’t ibang sangay ng Cebu Technological University. Napagkalooban din ng suporta ang 200 TESDA scholars sa Iligan City.


Natulungan din natin ang 23 kooperatiba sa Region 10 katuwang ang Cooperative Development Authority sa ilalim ng programang Malasakit sa Kooperatiba na ating isinulong.


Namahagi rin ng tulong ang aking opisina para sa mga benepisyaryo sa isinagawang Dental and Medical Mission at Feeding Program sa Pasay City.


Ilang araw na lang at Pasko na, sana ay maging ligtas at mapayapa ang pagsapit ng espesyal na okasyong ito sa ating lahat. Bilang inyong Mr. Malasakit, sana ay magkaroon ang lahat ng happy and healthy holiday season!


Ako na inyong Senator Kuya Bong Go ay patuloy na magseserbisyo sa inyo dahil bisyo ko ang magserbisyo, at naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Dec. 18, 2024



Bisyo Magserbisyo ni Bong Go

Kahit malapit na ang Pasko at karamihan sa atin ay abalang-abala na sa pagsalubong sa espesyal na okasyong ito, tuluy-tuloy ang inyong Senator Kuya Bong Go sa paghahatid ng serbisyo lalo na sa mga nangangailangan. 


Sinimulan natin ang linggong ito sa pagbisita sa ating mga kababayan sa Batangas noong Lunes para personal na saksihan ang inagurasyon ng Super Health Center sa San Jose. Matapos ang inagurasyon, namahagi tayo ng tulong para sa 420 na mga barangay health workers, municipal health staff, senior citizens, grupo ng mga kababaihan at mga empleyado ng lokal na pamahalaan. Pinasalamatan natin ang mga lokal na opisyal na naroroon kabilang sina Mayor Valentino Patron, Vice Mayor Renji Arcilla, at mga konsehal.


Kahapon, dumalo rin tayo sa inagurasyon ng isa pang Super Health Center na itinayo naman sa Lumban, Laguna kasama si Mayor Ding Valeda, Vice Mayor Belen Raga at iba pang opisyal. Nagbigay din tayo ng suporta sa 139 health workers at 135 displaced workers doon. Bilang adopted son ng CALABARZON, patuloy ang aking pagsisikap na makatulong sa inyo. 


Ang pagpapatayo ng mga Super Health Center sa buong bansa, lalo na sa malalayong komunidad, ay sinusuportahan natin bilang chairperson ng Senate Committee on Health upang mapalakas ang ating healthcare system at mailapit sa mga kababayan ang pangunahing serbisyong pangkalusugan. 


Sa kasalukuyan ay mahigit 700 Super Health Centers ang napaglaanan na ng pondo para maipatayo sa ating pakikipagtulungan bilang vice chairperson ng Senate Finance Committee kasama ang DOH, mga kapwa mambabatas at mga lokal na pamahalaan. 


Naniniwala ako na health is wealth, at ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino. Kaya sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba ay mas matutugunan ang pangangailangang pangkalusugan sa mga komunidad lalo na pagdating sa early disease detection, primary care at konsultasyon, na kailangan para maagapan ang paglala ng sakit. 


Sa kakaikot ko sa buong Pilipinas, naobserbahan ko na maraming bayan ay walang maayos na health facilities. May mga buntis na nanganganak sa tricycle o jeepney at may emergency cases na inaabutan na sa bahay o sa daan ng kamatayan dahil napakalayo ng ospital. Ngayon, inilapit natin ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga inisyatibang ganito.


Bukod sa Super Health Center ay naririyan din ang Malasakit Centers na ating sinimulan noong 2018 at na-institutionalize noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act na tayo ang principal sponsor at author. 


Dito ay makakakuha ang mga benepisyaryo ng tulong pampagamot mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of Health, PhilHealth, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Isa itong paraan para siguraduhing walang Pilipinong mapapabayaan pagdating sa kalusugan. Batay sa datos ng DOH, may 166 Malasakit Centers na sa buong bansa at mahigit 15 milyong kababayan na natin ang natutulungan ng programang ito. 


Sama-sama nating ilapit ang serbisyo sa tao. Kaya noong December 16 ay muli nating binigyan ng tulong ang 452 residente ng Tondo, Manila, na naging biktima ng sunog. Nakatanggap din sila ng emergency housing assistance mula sa NHA na ating isinulong para may pambili sila ng materyales sa pagpapatayong muli ng kanilang tahanan. 

Kahapon, December 17, personal din nating sinaksihan ang groundbreaking ng itatayong new Lumban Municipal Hall sa Laguna na napondohan sa ating inisyatiba kasama si Mayor Rolando Ubatay. Nagpapasalamat din tayo sa lokal na pamahalaan ng Lumban sa pagdedeklara sa atin bilang adopted son ng bayan. 


Namahagi rin ng tulong ang aking opisina sa 545 mahihirap na residente ng Virac at San Andres, Catanduanes, na sa ating inisyatiba ay nakatanggap din ng tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan, katuwang si Mayor Leo Mendoza at Mayor Samuel Laynes.


Nagkaloob naman ang aking Malasakit Team ng dagdag na suporta sa 424 estudyante ng University of Batangas; at 211 scholars sa Cebu. Nakapamahagi rin tayo ng tulong para sa ilang mga solo parents at transport workers sa Muntinlupa City. 


Samantala, nasa Tanjay City, Negros Oriental rin ang aking team at dumalo sa kanilang Bodbod Festival sa paanyaya ni Mayor Jose Orlino. Suportado natin ang pagpapanatili at pagpapayabong ng kulturang Pilipino. 


Sinaksihan din ng aking opisina kasama si Mayor Mar Mission ang inagurasyon ng itinayong multipurpose building sa San Remigio, Antique na ating sinuportahang mapondohan. 


Ngayong panahon ng Kapaskuhan, ipakita natin ang tunay na kahuluhan ng okasyong ito sa pamamagitan ng pagmamalasakit, pagtulong at pagserbisyo sa kapwa sa abot ng ating makakaya. Bilang inyong Mr. Malasakit, patuloy akong magseserbisyo sa inyo anuman ang panahon at nasaan man kayo sa Pilipinas dahil bisyo ko ang magserbisyo, at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page