top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 21, 2020




Galit na pinanood ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-viral na video ng pamamaril at pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac, ayon kay Senator Bong Go.


Sa video, makikitang nakaalitan ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca, 46, ang biktimang si Sonya Gregorio, 52 at ang 25-anyos nitong anak na si Frank Anthony dahil lamang sa paggamit umano ng homemade cannon at humantong sa pamamaril ng pulis na ikinasawi ng mag-ina.


Saad ni Go, "Galit din si Pangulo sa nangyari.” Samantala, una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi poprotektahan ni P-Duterte si Nuezca.


Aniya, "Iimbestigahan, kakasuhan, lilitisin at parurusahan po natin ang pulis na iyan — no ifs, no buts. Magkakaroon po ng katarungan dahil nakita naman po natin ang ebidensiya ng pangyayari.


"Hindi po kinukunsinti ng Presidente ang mga gawaing mali.”


Samantala, nahaharap na sa kasong grave misconduct involving homicide si Nuezca.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 6, 2020



Hinamon ni Senator Bong Go ang vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez, Jr. at si Health Secretary Francisco Duque III na maunang magpaturok ng COVID-19 vaccine upang masiguro ang publiko na ligtas ito.


Aniya, "Napakaimportante na safe ito, at ang efficacy nito. Dahil marami pa pong takot. Sa kakaikot ko, tinatanong ko sila, may mga nagtataas ng kamay, may mga nag-aalanganin pa. Kaya dapat unahin ang safety ng vaccine na ito.


"I’m challenging Secretary Galvez, once available na po 'yung safe na vaccine, ipapakita niya, along with Secretary Duque, sila po ang unang magpapaturok ng vaccine to encourage naman po.”


Kung mapatunayan ang pagiging epektibo ng vaccine, saad ni Go, "Dapat unahin ang poor, vulnerable, frontliners of course, sila ang nangunguna sa labang ito, mga sundalo, mga guro natin, mga senior citizens po na talagang vulnerable at especially po 'yung mga indigent Filipino people.” Paalala pa ni Go, "Dapat po'y maging libre po ito sa mga mahihirap.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page