top of page
Search

ni BRT | March 20, 2023



Aabot sa P120 milyong halaga ng umano’y smuggled na poultry at seafood products ang nasabat ng Bureau of Customs sa Navotas nitong Biyernes.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na nakuha ang umano’y smuggled products matapos ang raid sa 7 cold storage facilities.

Galing umano sa China ang karamihan sa mga frozen seafood. Habang sa Brazil at Australia naman ang umano’y smuggled na beef at galing naman umano sa United States at Russia ang pork products.

Kabilang sa mga nasabat na produkto ay frozen pork legs, chicken drumsticks, pork spareribs, squid rings, crayfish, pork ears, pork hinges, balone, brawley beef, pork aorta, chicken feet, pork riblets, golden pampano, pangasius fillet, boneless pork ham, fish tofu, at pork ears.

Ipatatawag ang mga may-ari ng mga frozen goods at kailangang magpresenta ng importation documents o patunay na hindi smuggled ang mga produkto.


 
 

ni BRT | February 19, 2023




Nasabat ng mga tauhan ng pulisya, coast guard at Bureau of Customs ang nasa 250 tonelada ng mga sibuyas, bawang at monggo beans sa isang cold storage facility sa

Malabon, kamakalawa ng gabi.


Ayon sa isang opisyal, hinihinalang ilegal ang pagpasok sa mga nasabing produktong nagkakahalaga ng P95 milyon.


Hinihingi ng mga awtoridad ang proof of payment sa duties at taxes para sa mga produkto.


Bibigyan anila ng Customs ng 15 araw ang may-ari ng storage facility para makapagpaliwanag.


 
 

ni Zel Fernandez | April 26, 2022



Sinalakay ng Bureau of Customs ang ilang mga bodega at tindahan sa Sta. Cruz, Maynila na nagbebenta ng mga hindi rehistradong gamot at pampaganda.


Katuwang ang NCR National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP), tinatayang aabot sa halagang P31.5 milyon ang mga nasabat na pekeng produkto na pawang mga ginagamit na panggamot at pampaganda.


Ito ay matapos ang isinagawang dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa mga bodega sa 1005 Ongpin St., Sta. Cruz, at Units A, B, C, at D sa 641 Fernandez St., Sta. Cruz, Maynila.


Batay sa nakalap na report, ang mga medical at cosmetic products na nasamsam ay mga brand ng Lianhua Lung Cleansing Tea, Healthy Brain Pills, Gluta Lipo, Lidan Tablets, Nin Jiom Pei Pa Koa, Vita herbs at iba pang produkto na pawang mga Chinese manufactured.






 
 
RECOMMENDED
bottom of page