top of page
Search

ni Clyde Mariano @Sports | June 5, 2024



Sports Photo


“Hindi puwedeng balewalain ang Meralco Bolts dahil malakas at may kakayanang manalo. Look, Meralco ousted Barangay Ginebra. What they did to Barangay is a strong indication they are for real. We will play our best out there sharpen our shooting and solidify our defense to avoid getting ambush along the way,” wika ni coach Jorge Gallent ng SMB.


Sino kaya sa San Miguel Beermen at Bolts ang mag-uuwi ng specially designed gold-plated trophy mula sa PBA Philippine Cup?


Sisimulan ng Beermen at ng Bolts ang best-of-seven title showdown Game 1 ngayong

Miyerkules ng  7:30 pm sa Smart Araneta Coliseum. “This is survival of the fittest of intense battle on the hardcourt. Players fit and strong enough wins the crown,” sabi ni Commissioner Willie Marcial matapos ang faceoff nina Gallent at Bolts coach Luigi Trillo para sa una nilang title showdown.


Ito ang 45th final appearance ng SMB at pangatlo ng Meralco Bolts, dalawa mula kay coach Norman Black na tinalo ng Gin Kings at una kay Trillo. Nagsilbi si Trillo bilang assistant coach ni Black sa 9 na taon at ito ang una niyang final appearance bilang Bolts head coach.


Pinapaboran ang SMB dahil hindi lang opensiba ang binabantayan kundi maging si 6'10 JuneMar Fajardo, ang beterano ng World Cup Basketball at kasama sa koponan na nanalo sa Asian Games at Southeast Asian Games sa ilalim ni coach Tim Cone. Uma-average si Fajardo ng double-double per game. “Well, I don’t want to believe my team is outstanding favorite. Bilog ang bola and many things will happen along the way. Kailangan pag-igihan at paghusayan namin ang paglalaro at masiguro ang panalo,” sabi ng 56-anyos na si Gallent.


Target ni Gallent ang pangalawang sunod na titulo matapos magwagi sa Commissioner’s Cup na tinalo ang sister team Magnolia.

 
 

ni Clyde Mariano @Sports | June 4, 2024



Sports Photo


Aminado si Meralco Bolts head coach Luigi Trillo na mabigat ang kanilang pagdaraanan, “It’s a tough job for us. This is a herculean job because our final rival is loaded with talents. A chance is a chance. We will go for it no matter how tough and difficult it is. Our goal is to win the crown,” aniya  kasama ang kanyang players sa pangunguna ng triumvirate of deadly shooters na sina Chris Newsome, Chris Banchero at Allein Maliksi. 


Sa faceoff ng press conference nila kahapon sa Crown Plaza Hotel sa Ortigas, kapwa nagpahayag ang magkalabang coach na sina San Miguel Beermen Jorge Gallent at Meralco Bolts mentor  Trillo ng kahandaan sa best-of-seven game of survival sa PBA Philippine Cup simula sa Game 1 ngayong Miyerkules sa Araneta Coliseum.


Interesting ang match up. This is good for PBA fans,” sabi ni SMB Governor Robert Non katabi si Commissioner Willie Marcial. 


First time maghaharap ang SMB at Bolts sa finals at unang beses ding magsasagupa sina Gallent at Trillo sa finals at hindi natupad ang inaasahan ng fans na maghaharap sa finals ang sister teams na Gin Kings at SMB. 


Ayon kay coach Gallent gusto nilang mapanatili ang korona. “We prepared for this championship. We cannot afford to lose in the finals. Our goal is to win the crown nothing more, nothing less. We will work hard and play our best out there,” aniya kasama ang kanyang mga manlalaro sa pangunguna ni 7x MVP June Mar Fajardo. Ito ang 45th championship appearance ng SMB at pangalawa ni Gallent. 


Ayon kay rookie coach Trillo malaki ang kanilang tsansa na masungkit ang una niyang PBA title dahil hindi pa nagkampeon ang Bolts mula nang pumasok sa PBA ng 2010. 


Lamang ang SMB dahil nasa kanila si Fajardo at pinalakas pa ng “magnificent seven” na sina CJ Perez, Marcio Lassiter, Terrence Romeo, Chris Ross, Jericho Cruz, Don Trollano at Simon Enciso.


Hindi lang sa opensa, babantayan ng 6-foot-10 ang low post katuwang sina Moala Tautuaa laban sa tambalang Brandon Bates at Raymond Almazan. 

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 1, 2024



Sports Photo
Ang Dallas Mavericks nang magkampeon kahapon sa NBA Western Conference final. ( Photo: nbapix )

Laro sa Hunyo 7 – TD Garden

8:30 AM Dallas vs. Boston 


Nanigurado na ang Dallas Mavericks at tinambakan ang Minnesota Timberwolves, 124-103, at koronahan ang sarili bilang 2024 NBA Western Conference Champion kahapon sa Target Center. Tinapos ng bisitang Mavs ang seryeng best-of-five, 4-1, kung saan tatlo sa panalo ay sa tahanan ng paboritong Timberwolves. 


Tumira ng three-points si Luka Doncic makalipas ang unang minuto ng laro upang kunin ng Dallas ang 5-4 lamang at hindi na nila isinuko ito.  Unang quarter pa lang ay nagtayo ng 35-19 bentahe ang Mavs at 20 dito ay kay Luka lang na higit sa kabuuan ng kalaban. 


Lumobo ito hanggang sa 82-46 sa kalagitnaan ng third quarter sa shoot ni Doncic. Parehong nagtapos na may tig-36 sina Doncic at Kyrie Irving at humakot din si Luka ng 10 rebound. 


Nanguna sa Minnesota sina Anthony Edwards at Karl Anthony Towns na parehong may 28. Kinapos sila ng tulong at walang kakampi ang nakaabot ng 10 puntos. 


Ito na ang ikatlong beses na lalaro sa NBA Finals ang Dallas. Una silang nakapasok noong 2006 subalit binigo ng Miami Heat, 4-2, pero nakaganti sa parehong kalaro at iskor noong 2011 para sa nag-iisang tropeo ng prangkisa. 


Nauna nang umabante sa Finals ang Boston Celtics na winalis ang Indiana Pacers sa East Finals, 4-0. Hahanapin ng Celtics ang kanilang ika-18 kampeonato at ang huli ay natamasa nila noong 2008 laban sa malupit na karibal Los Angeles Lakers. 


Ang Game 1 ng NBA Finals ay sa Hunyo 7 sa TD Garden kung saan gaganapin din ang Game 2 (Hunyo 10) at kung kailangan ang Game Five (18) at Seven (24). Ang American Airlines Center ang lugar ng Game 3  (13) at 4 (15) at kung kailangan Game 6 (21). 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page