top of page
Search

ni VA @Sports | July 1, 2024



Sports News

Nabigo sa 2 puntos lamang ang Gilas Pilipinas laban sa Poland sa kanilang friendly game, 82-80 kahapon ng madaling araw para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.  

Umalagwa agad sa 9 puntos ang Polish para sa 66-57 na kalamangan. 


Pag-angat sa 76-62 ng iskor ay nakabawi si Dwight Ramos sa 82-77 game na pagdikit sa nalalabing 1:41 minuto. 


May tsansa pa sana si Chris Newsome sa freethrow pero kinapos pa rin.  Sina Michal Sokolowski at Jerem Sochan ang bumida sa Poland. 


Sa kabila nito, tatangkain ng Gilas Pilipinas na makasungkit ng tiket para sa men's basketball tournament ng 2024 Paris Olympics sa pagsabak nila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na magsisimula bukas- Hulyo 2 hanggang 7 sa bansang Latvia.


Nauna nang idineklara ni national team head coach Tim Cone na 11 manlalaro lamang ang kanilang ilalaban matapos mawala sa roster nina Scottie Thompson, AJ Edu at Jamie Malonzo dahil sa injury. "We're going 11-strong," ani Cone.


Muling pangungunahan ni naturalized player Justin Brownlee ang gagawing kampanya ng Nationals kung saan nakatakda nilang makatunggali ang mga koponan ng  Georgia at Latvia sa group stage ng qualifiers.


Kasama ni Brownlee ang core ng team na binubuo nina PBA 7-time MVP June Mar Fajardo, Dwight Ramos, Kai Sotto, CJ Perez, Chris Newsome, Kevin Quiambao, Calvin Oftana at Carl Tamayo.Kabilang din sa maglalaro sa OQT ang beteranong si Japeth Aguilar at  Mason Amos.


Unang makakasagupa ng Gilas ang koponan ng Latvia sa Hulyo 4 ganap na alas-12 ng hating gabi, oras dito sa Pilipinas kasunod ang Georgia ganap na alas- 8:30 ng gabi matapos lamang ang halos walong oras na pahinga ayon sa pagkakasunod. 


 
 

ni MC @Sports | July 1, 2024



Sports News

Umangat sa Division A ng FIBA U18 Women's Asia Cup ang Gilas Pilipinas Women Under-18 basketball team. Nakuha ng Filipinas ang promosyon matapos dominahin at muling talunin ang Lebanon, 95-64 sa kanilang bakbakan sa Division B Finals kahapon sa Futian Sports Park sa China.


Pinangunahan ni Alyssa Rodriguez sa gabay ni coach Julie Amos ang squad sa bisa ng 22 points, 18 ang mula sa 6-of-10 shooting ng three-point line kasama ang three steals, assist,  block, at rebound.


Pumoste si Alicia Villanueva ng 15 markers habang si Naomi Panginiban ay may 13 points, four assists, three steals, at two rebounds, habang si team captain Ava Fajardo at Sophia Canindo ay may tig-10 puntos.


Nakakamada rin sila ng 15 three-pointers sa 39 na tangka (38.5%) at ipinakita ang impresibong laro sa depensa kaya nagresulta sa 31 turnovers ng Lebanon at pinahirapan sa 21 steals.


Pumatas sa  20 puntos sa kaagahan ng laro nang bumanat si El Ghali ng three-points, ginanahan agad ang Gilas at umalagwa ng 17 puntos na hindi nasagot ng kabilang team mula sa tres ni Rodriguez, Panginiban at 15-foot-line shot nina  Fajardo at Villanueva.


Ang mainit na kamay ni Panginiban ay nagpatuloy hanggang sa final canto para itarak ng Gilas ang 89-48 na pananambak para makasampa sila sa Division A.


Ito ang ikaapat na diretsong panalo ng Gilas girls nang unang gapiin ang Maldives at Lebanon sa group stage at ang Samoa sa semifinals. 


Sa kabilang banda, namuno si El Ghali ng Lebanon sa 31 markers  habang nag-ambag si Maygen Naassan ng 19 points.  Samantala, pinakapos ng Samoa ang Iran sa Battle for Third Place game, 64-59. 


 
 

ni MC @Sports | June 28, 2024



Sports News

Sasagupain ng Gilas Pilipinas ang Turkey sa unang dalawang nakaiskedyul na friendly games bago pa man sumabak sa kanilang kampanya sa Olympic Qualifying Tournament.  


Ayon kay coach Tim Cone, ang back-to-back tune-up matches ang makatutulong para sa anumang adjustment na kailangan nila para sa paghahanda sa qualifiers na magsisimula sa susunod na linggo. 


Sinabi ni Cone na hindi pa eksaktong matalas ang laro ng Gilas base sa naging resulta ng friendly game nila laban sa bisitang Taiwan Mustangs sa Philsports Arena. Ginapi ng nationals ang Mustangs, 74-64 noong Lunes. "I hope to see improvement, I hope to see us get better on both sides of the ball. We didn't plays as sharp as we wanted," ani Cone matapos ang laro na lumabas sa PBA.ph.


Nakaiskedyul ang Philippines-Turkey friendly ngayong madaling-araw ng Biyernes 1 a.m. sa Istanbul.  Ang 12  Dev Adam na pawang mga higanteng players ay ranked no. 24 sa mundo ay hindi naglaro sa qualifiers pero haharap sa friendly game kontra Gilas bilang paghahanda sa kasalukuyang EuroBasket qualifiers. 


Wala ring nakitang NBA players sa Turkish team si coach Cone sa tune-up match kabilang na ang beteranong si Cedi Osman, Onuralp Bitim, Furkan, Kurkmaz, Alperen Sengun at Omer Yurtseven. "No. 24 ang Turkey pero mas mahusay sila kung kasama ang NBA guys nila, " ayon kay Gilas coach Cone. " I don't know if their NBA guys are gonna show up because they're not preparing frot he OQT in Spain. Turkey's just preparing for the Euro qualifiers."


Ipaparada ng Turkey ang dalawang 7-footers na sina Ercan Osman at Sertac Sanli.  

Matapos ang laban sa Turkey, haharapin naman ng Gilas ang no. 15 Poland sa Hunyo 30, tulad ng Pinoy ang Polish ay haharap kontra Spain OQT kung saan sila naka-bracket sa Group B ng Finland at Bahamas. Dumating sa Turkey ang Gilas noong Miyerkules ng umaga. 




 
 
RECOMMENDED
bottom of page