top of page
Search

ni Clyde Mariano @Sports | September 2, 2024



Sports News

TULAD sa inaasahan dahil malakas at lamang sa tao umarangkada ang Magnolia 24-9 sa unang tatlong minuto at tinambakan ang perennial tail-ender Terrafirma Dyip, 124-103 para iposte ang walang kahirap-hirap na panalo sa wala pang panalo na Dyip sa PBA 49th Season Governors Cup sa pagbabalik ng liga sa Ninoy Aquino Stadium kagabi matapos ang pangalawang provincial game.


 “Overall, we played good offensively and defensively. I reminded my players to forget the past setbacks and concentrate and focus the attention their game against Terrafirma,” sabi ni coach Chito Victolero.


Tumipa si Glenn Robinson III ng 20 points at 13 rebounds, at tulungan ang Hotshots sa dalawang panalo sa apat na laro at panatilihin ang paghahari sa Car Makers. Tinalo ng 30-year-old, 6-foot-6 Robinson si Antonio Hester sa una nilang pagharap sa PBA.

Sa halip  na asset naging pabigat ang import na taga-Florida state sa kanyang mga kasamahan at kay coach Johnedel Cardel. Umiskor lang si Hester ng 2 points. “My role is to help my team win. It’s pretty good I made it,” sabi ni Robinson na pinanganak sa Gary, Indiana.


Tumipa si Jerrick Ahanmisi ng 24 points kasama ang apat na four point shot at itinanghal na best player of the game. Ang talo ang pang-apat na sunod at nanganganib na namang masibak at maagang magbabakasyon ang Terrafirma.


Lumamang ang Magnolia sa 70-37 sa apat na minuto sa third period matapos ang 63-32 halftime lead nang tumapos si Ahanmisi ng 10 points kasama ang dalawang four points shot. “Our game against Terrafirma is sharp contrast to our game against Talk ‘N Text,” wika ng 49 years old Magnolia coach na si Chito Victolero.


Target ni Victolero ang pangalawang Governors Cup na una niyang napanalunan noong 2018 nang talunin ang Barangay Ginebra ni coach Tim Cone.

 
 

ni Rey Joble @Sports | August 29, 2024



Sports News
Official photo of PBA

Bugbog man ang katawan dahil sa mga tinamong injuries, buong puso namang ipinakita ng TNT ang kanilang tapang para maisalba ang 88-82 panalo kontra Magnolia sa PBA Governors’ Cup sa Ninoy Aquino Stadium nitong Huwebes.


Sumandal sa solidong laro nina import Rondae Hollis-Jefferson at Poy Erram sa krusyal na bahagi ng laro ang Tropang Giga para maiposte ang pinakabagong panalo sa mahigpitang laro.


Magkasunod na tres ang pinakawalaan nina Hollis-Jefferson at Erram habang ang matinding depensa naman sa bandang dulo, kabilang ang agaw na nakumpleto ng dating NBA player na nagresulta sa isang fastbreak basket ang sumelyo ng panalo para sa TNT.


“We want no 3s and we want no four points,” ang sabi ni Hollis-Jefferson kung saan pinaalalahanan niya ang kanyang mga kakampi matapos ang nakakalulugmok na 96-95 na pagkatalo kontra Converge noong Martes.


Sa laban kontra Magnolia, matindi rin ang pinagdaanan ng Tropang Giga kung saan sari-saring sakit ng katawan ang kanilang dinanas.


Nadulas habang nagi-inbound si Poy Erram at ika-ikang lumabas ng hard court para ipahinga ang natapilok na paa. Ilang minuto ang nakakaraan, si Hollis-Jefferson naman ang nadulas at natapilok habang sumasalaksak sa loob. Pero hindi natinag ang Tropang Giga at patuloy pa ring naglaro sina Erram at Hollis-Jefferson para tapusin ang laban at giyahan ang kanilang koponan.

 
 

ni Rey Joble @Sports | August 28, 2024



Sports News
Photo: Rain or Shine at NLEX / www.pba.ph

Naghabol mula sa 23 puntos na kalamangan ang Rain or Shine gamit ang bilis sa pagkuha ng fastbreak points at tiyaga sa depensa dahilan para maiposte ang 124-105 na panalo kontra NLEX at manatiling walang bahid ang kartada sa PBA Governors’ Cup nitong Miyerkules ng gabi.


Ito ang ikatlong sunod na panalo sa singdaming laro para sa Elasto Painters na tuluyang kinuha ang solo liderato sa torneo. Pero bago makumpleto ang pinakabagong panalo, mabigat na pagsubok muna ang kinaharap ng Elasto Painters, kung saan bumangon sila sa mabagal na panimula na naging dahilan naman sa mainit na opensiba ng NLEX.


Binuksan ng NLEX ang unang yugto na may natipong 40 puntos at nakahandnag ibaon ng maaga ang Rain or Shine. Pero hindi tumuklap ang Elasto Painters kung saan matiyaga nilang pinaghirapan ang ikalawang yugto at dinaig sa puntusan ang kalaban, 34-14, sa ikalawang yugto para tuluyang makuha ang trangko.


"We just recovered from a shock. Actually, 40 points sa first quarter, but we were able to weather the storm, play good defense,” ang sabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao.


May pinagsamang 66 puntos na naitala ang Rain or Shine sa second half, kumpara sa 51 ng NLEX, pero ang mas impresibo ay ang produksyon ng Elasto Painters sa fastbreaks sa kanilang nagawang 38 puntos, mas marami ng 29 kontra sa Road Warriors na nalasap ang una nilang pagkatalo sa tatlong laro.


Anim na players ang tumapos na may siyam na puntos o higit pa para sa Elasto Painters sa pangunguna ng bagong Most Improved Player na si Jhonard Clarito na may 24 puntos, limang agaw at apat na assists. May perpektomg shooting sa field goals si Clarito kung saan naipasok niya lahat ang siyam na tira.


May 22 puntos, anim na assists at tatlong agaw namang kontribusyon si Gian Mamuyac habang tumipa ng 21 puntos at sumikwat ng 20 rebounds ang import ng Elasto Painters na si Aaron Fuller. May 17 puntos na naitala si Andrei Caracut, 10 puntos naman ang naiambag ng baguhang si Caelan Tiongson at siyam ang nadagdag ng kapwa rookie na si Felix Lemetti.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page