top of page
Search

ni Rey Joble @Sports | September 6, 2024



Sports News

Isang game-winning jumper ang pinakawalaan ni eight-time Most Valuable Player June Mar Fajardo para buhatin ang San Miguel Beer sa kapanapanabik na 113-112 panalo kontra Rain or Shine sa PBA Governors’ Cup nitong Huwebes ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium.


Pero dumaan muna ang Beermen sa butas ng karayom bago mailusot ang panalo at igawad sa Elasto Painters ang una nilang talo sa limang laro.


Apat na free throws ang ipinasok ni rookie Felix Lemetti na na-foul ng beteranong guwardiya ng San Miguel na si Cris Ross ang nagbigay kalamangan sa Rain or Shine, 112-111, subalit nagiwan pa sila ng tatlong segundo kung saan madaliang nakagawa ng play ang Berermen na siyang naghing dahilan para makatira ng isang 17-foot jumper si Fajardo.


Walang nagawa si Elasto Painters coach Yeng Guiao kung hindi mapangiti sa kabila ng nalasap na pagkatalo bilang kanyang pagtanggap sa magandang laro.


“Eh wala nang isip-isip kailangan na talagang itira,” ang sabi ni Fajardo. Sa panalong ito ng San Miguel, tila nabalewala ang isa na namang napakagandang laro na ipinakita ni Lemetti, ang premyadong rookie ng Rain or Shine na tumapos ng 28 puntos.


Binigo rin ng San Miguel ang Rain or Shine sa kanilang hangaring makagawa ng history sa liga. Bago magsimula ang laban kontra Beermen, inaasinta ng Elasto Painters ang kanilang unang 5-0 na pasimula sa PBA simula nang pumasok sa liga noong 2006.

 
 

ni Rey Joble @Sports | September 4, 2024



Sports News

Hindi man maganda ang simula sa pagbubukas ng bagong season ng PBA, unti-unti namang nakakabangon ang Magnolia Timplados Hotshots at nitong maulang Miyerkules ng gabi, nagpaklita ng balansyadong opensiba ang mga bataan ni coach Chito Victolero para itawid ang 105-94 panalo kontra sa NorthPort Batang Pier sa Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.


Limang Hotshots ang tumapos ng double figures sa pangunguna ng kanilang import na si Glenn Robinson III. Ang anak ng dating NBA star na si Glen Robinson ay nagposte ng mga numerong 25 puntos at 11 rebounds para sa isang double-double performance. Dalawang manlalaro pa ng Magnolia ang tumipa ng double-double na laro – sina Paul Lee at Zav Lucero.


May naitalang 20 puntos si Lee bukod pa sa pagbibigay ng 11 assists habang si Lucero, na naglaro noong nakaraang season para sa Batang Pier, ay may naiambag na 16 na puntos at 12 rebounds. May tig-10 puntos naming naidagdag sina Jerrick Ahanmisi at Calvin Abueva. “From Day One, I’ve got a lot of support from my teammates and my coaching staff. They’ve been trusting me to come in and play to the best of my abilities.


No pressure, they mjust want me to play my game,” ang sabi ni Lucero, na kinuha ng Hotshots sa Batang Pier kapalit ng mga beteranong players na sina Jio Jalalon at Abu Tratter. Naglaro ang Batang Pier na wala ang import na si Venky Jois at ang umuusbong na si William Navarro. Kapwa may iniindang pilay sa kanilang paa ang dalawang players.

 
 

ni Rey Joble @Sports | September 4, 2024



Sports News

Mainit na simula ang pinakawalaan ng Barangay Ginebra para iposte ang kumbinsidong 119-91 na panalo kontra NLEX sa PBA Governors’ Cup nitong Martes sa Smart Araneta Coliseum. Anim na players ang tumapos ng double figures para sa Gin Kings sa pangunguna ni Stephen Holt.


Tumapos ng double-double performance ang isa sa pinakabagong miyembro ng koponan na may 26 puntos kabilang ang 11 rebounds.


May 20 puntos namang pinakawalaan si Maverick Ahanmisi bukod pa saw along rebounds na nakolekta habang tig-19 naman ang naiambag nina dating Most Valuable Player Scottie Thompson at ang rookie na si Rhon Jay Abarrientos.


Kapwa naman tumapos ng tig-13 puntos sina import Justin Brownlee at ang beteranong si Japeth Aguilar sa balanseng opensiba ng Ginebra, na binuksan ang unang yugto na may 36 puntos at mabilisang umalagwa. Magandang bawi ang panalong into ng pinakpopular na koponan na galing sa masakit na pagkatalo kontra Blackwater noong nakaraang laban.


“I’ll be honest, they’re coming a bit a little tired after that out-of-town overtime win against San Miguel,” ang sabi ni Ginebra coach Tim Cone tungkol sa malamyang laro ng Road Warriors.


“We were able to take advantage of it. We had a really good start right from the very beginning of the game.” Para naman kay Holt, tila mas nagiging kumportable na siya sistema ng kanyang bagong koponan.


“Coach wanted us to be aggressive and I wanted to set the tone on the defensive side of the floor,” dagdag ni Holt.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page