top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 9, 2024



Sports News

   

Mga laro ngayong Miyerkules – Araneta

8:00 AM Adamson vs. DLSZ (HS)

9:30 AM UST vs. Ateneo (HS)

11:30 AM Adamson vs. DLSU (W)

1:30 PM UST vs. Ateneo (W)

4:30 PM Adamson vs. DLSU (M)

6:30 PM UST vs. Ateneo (M) 

      

Nagbigay ng magandang senyales ang University of Santo Tomas kung ano ang maging takbo ng kanilang kampanya at dinurog ang University of the East, 70-55, sa pangalawang araw ng 87th UAAP Men’s Basketball Tournament sa Araneta Coliseum Linggo ng hapon. Doble ang kasiyahan at sinimulan ng UST Tigresses ang depensa ng titulo sa Women’s Division sa 86-44 pagparusa sa UE Lady Warriors. 

        

Sa simula lang nakasabay ang UE at itinayo ang 6-4 lamang na agad binura ng UST para wakasan ang unang quarter, 18-8. Humugot ng lakas ang Growling Tigers sa Christian Manaytay, Mark Llemit at baguhan Mo Tounkara bago tinuldukan ni Nic Cabanero ang first half sa three-points kasabay ng busina, 36-19. Lalong nabuhayan ang UST at natamasa ang pinakamalaking lamang, 68-46, sa bisa ng magkasunod na buslo nina Angelo Crisostomo at Cabanero sa last two minutes.

            

Samantala, pumiga ang Tigresses ng 18 mula sa baguhan Karylle Sierba at 15 mula sa beterana Kent Pastrana para sa engrandeng simula. Nagdagdag ng 13 puntos, 13 rebound at walong agaw si Rachelle Anne Ambos.  


Sa sumunod na laro, namayani ang depensa ng Adamson University sa 59-47 tagumpay sa Far Eastern University. Ipinagpag ng Soaring Falcons ang mabagal na simula at bumanat sa second half sa likod nina Royce Mantua, Matthew Montebon, Matt Erolon at Mudiaga Ojarike. 

       

Namuno si Mantua na may 14 habang nagsama para sa limang tres sina Montebon at Erolon para kabuuang 21. Nanguna sa Tamaraws si Jorick Bautista na may 14, walo sa first half.

 
 

ni Rey Joble @Sports | September 7, 2024



Showbiz News

Nagtala ng isang triple-double performance si import Justin Brownlee habang ibinuhos naman ng isa sa pinakabagong miyembro ng Barangay Ginebra na si Stephen Holt ang pinakamaganda niyang laro para tulungan ang pinakapopular na koponan sa liga tungo sa 110-101 panalo kontra Phoenix Super LPG sa PBA Governors Cup nitong Biyernes ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium.


Tumapos ng 23 puntos, kumolekta ng 12 rebounds at nagbigay ng 10 assists si Brownlee, nanalo ng anim na kampeonato bilang import ng Ginebra at nagtatangkang maging unang reinforcement na naglaro sa pinakamatandang liga sa Asya na manalo ng pitong titulo.


Malaking ambag naman para sa panalo ng Ginebra ang ipinakitang laro ni Holt, nadampot ng Ginebra mula sa trade kasama si Isaac Go kapalit ang mga beteranong sina Stanley Pringle at Christian Standhardinger at ang No.4 pick ng Gin Kings na ginamit ang pagpili kay Rhon Jay Abarrientos.


Ang Rookie of the Year noong nakaraang season ay may naitalang 19 na puntos, kabilang rito ang isang four-point shot, habang nagpasok din ng tatlo sa apat na tira sa three-point area.


Ang magandang laro nina Brownlee at Holt ay tila umagaw ng eksena sa isang solidong laruan ni Japeth Aguilar na namuno sa opensiba ng Ginebra sa kanyang 31 puntos. May 16 na puntos namang naidagdag si Abarrientos, pamangkin ni Johnny Abarrientos na dating player ng kasalukuyang coach ng Ginebra na si Tim Cone.


“We’re showing some progress, but you know it’s a progress that is enough to beat San Miguel and Rain or Shine, which beat us the first time around, in our division,” ang sabi ni Cone. “But the key for us is we got a couple of wins to pull us together and hopefully, we keep that momentum going to the next round.”

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 7, 2024



Sports News

Mga Laro ngayong Linggo – Araneta

9:00 AM UE vs. UST (W)

11:00 AM Adamson vs. FEU (W)

1:00 PM UE vs. UST

3:00 PM Adamson vs. FEU

6:30 PM DLSU vs. NU


Nagpadala ng mensahe ang host University of the Philippines ng kanilang determinasyon na mag-hari matapos mabigo ang Ateneo de Manila University, 77-61, sa unang laro ng ika-87 UAAP Men’s Basketball Tournament Sabado ng gabi sa Araneta Coliseum. Lamang ang Blue Eagles, 13-8, ngunit nagising ang Fighting Maroons at kinuha ang unang quarter, 17-16.


Inakyat ito sa 50-32 sa gitna ng third quarter at inalagaan ito ng mabuti ng UP hanggang huling busina. Nagsumite ang beteranong point guard Joel Cagulangan ng 17 puntos, pitong rebound at 10 assist. Sumuporta si Francis Lopez na may 14, kasama ang dalawang malakas na dunk sa huling apat na minuto na lalong nagdiin sa Blue Eagles, habang nagsungkit ng 17 rebound at pitong puntos si 6’10” sentro Quentin Millora-Brown.


Nanguna sa Blue Eagles ang baguhan na si Jared Bahay na may 13 puntos, ang parehong manlalaro na pinag-agawan ng dalawang nagharap na paaralan matapos magtapos ng High School sa Ateneo de Cebu.


Parehong nag-ambag ng tig-11 puntos sina Joshua Lazaro at Shawn Tuano habang humakot ng 11 rebound si Lazaro. Hinila pababa ang Ateneo ng kanilang minintis na 21 free throw.


Nagsama para sa 12 lang ang kanilang first five at napatawan ng kanyang ika-lima at huling foul si sentro Victor Balogun na may walong minuto pa sa huling quarter. Susunod para sa UP ang University of the East sa Setyembre 14. Bago noon, maglalaro ang Ateneo at University of Santo Tomas sa 11, lahat sa Araneta.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page