top of page
Search

ni Clyde Mariano @Sports News | Oct. 6, 2024



Sports Photo

Natapos na ang epic five quarterfinals at ang Rain or Shine ang pinalad na makaharap ang Talk ‘N Text sa best-of-five semis na tinalo ang Magnolia Hotshots sa 113-103, sa “you or me” Game 5 sa PBA 49th Season Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.


Wala sa kanila ang nais na matalo, subalit isa lang sa kanila ang mananalo at sinibak ng ROS ang Hotshots sa wala nang bukas na Game 5 para tuluyang palakasin ang ambisyon ni coach Yeng Guiao na kunin ang pagwalong PBA title na dalawa mula sa RoS.


Sa panalo nakaganti ang RoS sa Magnolia na tinalo sila sa Game 4, 100-129, at napanatili ang magandang record sa Ynares Center nang talunin ang Hotshots, 111-106 sa overtime sa Game 3. “Ang objective namin is to stay close and not allow Magnolia to stay away from us. We will play it all the way down the line and that’s where we are able to win,” sabi ni Guiao. Namayani si Andrei Caracut sa panalo ng RoS at dinala ang E-Painters sa semis laban sa TNT na unang sinibak naman ang NLEX Road Warriors.


Malaki ang naging ambag ni Aaron Fuller sa RoS nang talunin si import Jabari Carl Bird sa kanilang match up. Umiskor ang 34-anyos na NBA veteran huling 44 segundo para sa 109-101 patungo sa semis.


“Now, the quarterfinal is over, our next move is to prepare the semis. Panibagong pakikipaglaban naman ang amin harapin against another strong team Talk ‘N Text. Beating TNT is a tough task. It needs a lot of sacrifice and hardwork to beat TNT,” ani Guiao nang pabalik sa dugout kasama ang kanyang mga players. “We fought hard and exerted our efforts to win. Breaks however, seem not in our side,” malungkot sinabi ni Victolero.

 
 

ni Clyde Mariano @Sports News | Oct. 5, 2024



Sports Photo

Hindi pa tapos ang playoff at siniguro ng Converge Fiberxers magkakaroon ng do-or-die Game 5 at sa pangalawang sunod na beses ay tinalo ang outstanding favorite San Miguel Beer, 114-100, sa PBA 49th Season Governors Cup sa Ninoy Aquino Stadium.


Kinontrol ng FiberXers ang laro lumamang, 94-84 sa tres ni King Danille Caralipio mula sa pasa ni Jalen Jones sa gitna ng deciding fourth quarter. “They played hard and determined to win and extend the playoff to sudden-death Game 5,” sabi ni coach Franco Atienza. “I reminded them SMB is strong and the only to beat them is to play as a team and with big fighting heart,” wika ni Atienza.


Muling maghaharap ang SMB at Converge sa do-or-die Game 5 ngayong Linggo ng 7:30 p.m. sa Ynares Center sa Antipolo City at ang mananalo ay lalabanan ang Barangay Ginebra sa best-of-five semifinals. Sa hindi inaasahan ay tuluyang nanaig ang Converge sa SMB sa 48 minutong engkuwentro.


Panay ang balasa ni coach Jorge Gallent subalit hindi makahulma ng epektibong formula para pigilan ang rumaragasang FiberXers sa pangunguna ni Deschon Winston na itinanghal na baest player of the game sa iskor na 25 points, 16 sa third period.


Tumipa si Justin Arana ng 25, Jalen Jones 22, Alec June Stockton 15, at King Danielle ng 10 points. Malungkot na bumalik si coach Jorge Gallent sa dugout kasama ang mga talunan niyang players at si dating head coach at team consultant Leo Austria. “We labored and made lots of hardwork before we won the game. My players stubbornly refused to fold up down the stretch,” ani na Atienza target ang unang PBA title.


Ang pagkatalo ng SMB sa Korean team sa home and away East Asia Super League ay nakaapekto at nakapagpababa sa morale ng SMB. Maglalaban ang Magnolia at Rain or Shine sa sudden death Game 5 ngayong Sabado ng gabi 7:30 sa Ynares Center sa Antipolo City at ang mananalo ay lalabanan ang Talk ‘N Text sa best-of-five semifinals.

 
 

ni Rey Joble @Sports News | Oct. 3, 2024



Sports Photo

Naisalba ng Meralco ang kampanya ng mga PBA teams sa pagbubukas ng East Asia Super League matapos mangibabaw kontra sa Macau Bears, 97-85, nitong Miterkules ng gabi sa Mall of Asia Arena.


Namuno para sa Bolts si Chris Newsome na kumamada ng 18 puntos at anim na assists pero nakakuha siya ng solidong suporta sa iba pang mga kakampi.


May naidagdag na 17 puntos ang kanilang import na si Allen Durham habang ang katambal niyang import na si David Kennedy ay mayroon ring singdaming nagawa bukod pa sa pagkolekta ng siyam na rebounds at pitong assists.


Si Chris Bamchero naman ay nagambag ng 14 na puntos habang si Gilas Pilipinas naturalized player Ange Kouame ay may naitalang siyam na puntos at siyam na rebounds para sa Bolts.


Bigo naman San Miguel Beer na pigilan si Rayhsaun Hammonds na tumipa ng 39 puntos at sumikwat ng 14 na rebounds, dahilan para manaig ang Suwon KT Sonicboom, 87-81.


Matibay man ang laro ng reinforcement ng Beermen na si EJ Anosike na may ginawang 34 puntos, pero ang kanyang katambal na reinforcement na si Quincy Miller ay mayroon lang otso puntos kung kaya nabigo ang San Miguel na makopo ang panalo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page