top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | Oct. 9, 2024



Photo: Utah Jazz


May plano ba na bawiin ni Gilas Pilipinas player Jordan Clarkson ang Sixth Man of the Year na napagwagian niya noong 2021? Naglaro muli siya bilang reserba sa 122-113 na panalo ng kanyang Utah Jazz laban kay kabayan Jalen Green ng Houston Rockets kahapon sa pagpapatuloy ng 2024 NBA Preseason sa Delta Center.


Nagbantayan ang dalawang bituin hanggang pangatlong quarter na nagwakas pabor sa Utah, 88-84. Hindi na sila ginamit sa huling quarter at pinaubaya ito sa mga rookie at mga beteranong nagbabakasakaling makakuha ang trabaho ngayong taon. 


Nanguna sa Jazz si All-Star Lauri Markkanen na may 17 puntos at sinundan ni Clarkson na may 14 sa loob ng 18 minuto lang. Nagtala si Green ng 21 para sa Rockets mula sa apat na tres sa 20 minuto. 


Perpekto pa rin ang Utah ngayong preseason kasama ang 116-87 tambakan sa New Zealand Breakers ng NBL-Australia noong Sabado habang ito ang unang sabak ng Houston. Parehong hindi nakapasok ang Jazz (31-51) at Rockets (41-41) sa playoffs noong nakaraang torneo.


Patuloy ang lakbay ng Breakers at ibinaon sila ng Philadelphia 76ers, 139-84. Apat na 76ers ang nagsumite ng tig-15 na sina Tyrese Maxey, Reggie Jackson, Jared McCain at Guerschon Yabusele na nakakuha ng kontrata matapos ang mahusay na inilaro para makuha ng Pransiya ang pilak sa Paris 2024 Olympics. 


Isa pang ginamit na daan ang Olympics papuntang NBA si gwardiya Yuki Kawamura ng Japan na nag-ambag ng anim sa 121-116 tagumpay ng Memphis Grizzlies sa kulang na Dallas Mavericks. Nanguna sa Memphis si Brandon Clarke na may 17 habang lumiban sa Mavs sina Luka Doncic, Kyrie Irving at ang bagong kakamping si Klay Thompson. 


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | Oct. 8, 2024




Binigo ng Phoenix Suns ang Los Angeles Lakers, 118-114, sa pagpapatuloy ng NBA Preseason sa Acrisure Arena sa Palm Desert, California kahapon. Maliban sa resulta, sumabay sa unang pagkakataon sa harcourt ang mag-amang LeBron James at Bronny James. 


Kasama si LBJ sa first five at sinamahan siya ng kanyang panganay sa pagsimula ng pangalawang quarter. Naglaro ng 16 minuto lang ang amang si James at gumawa ng 19 sa unang half at umupo sa buong pangalawang half kumpara sa anak na naglaro ng 13 minuto, 7 sa huling quarter, at walang ambag na puntos. 


Namuno sa panalo ng Suns si Josh Okogie na may 10 ng kanyang 15 sa huling quarter. May tig-12 sina Devin Booker, Oso Ighodaro at Collin Gillespie. Kumpara sa kanilang unang pagkikita noong Sabado na dikitan, tinambakan ng World Champion Boston Celtics ang Denver Nuggets, 130-104, sa Etihad Arena ng Abu Dhabi, United Arab Emirates.  Lamang lang ng anim ang Celtics sa halftime, 66-60 at lumayo noong pangatlong quarter, 109-75.


Hindi kinailangan ang mga bituin sa huling quarter subalit nanguna pa rin sina Jaylen Brown na may 21 at Jayson Tatum na may 17. Nagtala ng 20 para sa Denver si Nikola Jokic.  Napigil ng bisitang New York Knicks ang huling banta ng Charlotte Hornets, 111-109.  Bumida sa Knicks sina Miles McBride mula sa apat na tres. 


Sa iba pang mga laro, tinambakan ng Toronto Raptors ang Washington Wizards, 125-98, sa Bell Centre ng Montreal, Quebec. Binigo ng Detroit Pistons ang bisita Milwaukee Bucks, 120-87, sabay ng pagliban ni Giannis Antetokounmpo. 

 
 

ni Clyde Mariano @Sports News | Oct. 7, 2024



Sports Photo

Wala nang bukas matapos matalo sa Game 3 at Game 4, masigasig at malakas na bumalik ang San Miguel Beer at tulad sa sinabi ni gunner CJ Perez tatapusin nila ang quarterfinals nang sibakin ang ambisyosong Converge sa “win or go home” there’s no tomorrow, 109-105 para umabanse sa semifinal ng PBA 49th Season Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo.


Masama ang loob sa back-to-back loses matapos manalo sa first two games sa best-of-five quarterfinals, naglaro nang husto ang Beermen na animo nakataya ang korona at hindi na pinagbigyan ang FiberXers na makaahon sa malalim na hukay at tuluyan nang binaon at wakasan ang pakay ng Converge na pumasok sa semifinals mula nang sumali sa PBA noong 2022 matapos bilhin ang franchise ng Alaska Aces.


Nagtulong sina June Mar Fajardo, CJ Perez, Terrence Romeo, Marcio Lassiter at si American-Nigerian reinforcement Ejimofor Anosike sa pagpapatalsik sa Converge. Lumamang ang SMB ng dalawang beses sa 11 points at pinalobo sa 19 points, 49-30, sa shot ni June Mar Fajardo mula sa pasa ni CJ Perez tungo sa 58-42 halftime lead.


Tinalo ng Converge ang SMB, 114-112 sa Game 3 at 114-100, sa Game 4 para ipilit ang sudden death Game 5. Ito ang pangalawang beses na tinalo ng SMB ang Converge sa quarterfinals na ang una ay sa ilalim ni coach Alden Ayo.


Hindi na pinagbigyan ng SMB ang Converge na makabangon tungo sa semis at harapin ang sister team Barangay Ginebra habang lalabanan ng Talk ‘N Text ang Rain or Shine sa best-of-five semis. “Our offense and defense complimented each other unlike in Game 4. My players played one hell of a game. They connected from all corners and defended well,” sabi ni coach Jorge Gallent.


Mahigpit na binantayan at nilimita ng SMB sa defensive wall ang top gunners ng Converge na sina Alex June Stockton, Deschon Winston, Justin Arana at import Jalen Jones. “They beat us in Game 3 and Games. I told my players to limit their output with rock solid defense.


The only way to win is to neutralize them. That’s what they did,” sabi ni Gallent. Panay ang balasa at palit nang kanyang mga players si coach Franco Atienza na hangad mapigil ang pananalasa ng SMB. Subalit nabigo ang Converge coach nang bumalik sa dugout na malungkot.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page