top of page
Search

ni Rey Joble @Sports | Oct. 19, 2024



Ipinamalas ng rookie guard ng Ginebra na si Rhon Jay Abarrientos ang 28 puntos sa laro ng Barangay Ginebra at San Miguel Beer sa Ynares Center. Photo: PBA PH


Muling dinomina ng Barangay Ginebra ang San Miguel Beer at kunin ang Game 5, 121-92, at lumapit sa minimithing pagbabalik sa finals ng PBA Governors Cup nitong Biyernes ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo.


Isa na namamg dominanteng laro ang ipinamalas ng rookie guard ng Ginebra na si Rhon Jay Abarrientos na nagbuhos ng 28 puntos habang nagdagdag ng 22 si dating Most Valuable Player Scottie Thompson para pangunahan ang atake ng Gin Kings.


Dahil sa panalo ng Ginebra, abot kamay na ng pinakapopular na koponan sa liga ang inaasam na pagbabalik sa championship roubd kung saan naghihintay ang karibal nilang TNT Tropang Giga, na magaang na idinispatsa ang Rain or Shine sa limang laro.


Dating tinalo ng Tropang Giga ang Gin Kings dalawang season na ang nakakaraan at gigil ang koponan ni coach Tim Cone na rumesbak sa team na ngayon ay hinahawakan nang muli ni Chot Reyes. Pero para kay Cone, hindi pa tapos ang laban.


“The battle has been won in Game 5, but the war isn’t over yet and we expect San Miguel to get back like they’ve normally done the past two wins,” ang sabi ni Cone.


“We’ve been trading wins and with their backs against the wall, we expect them to come firing in all cylinders.” “As for us, we expect a grind it out game as just like old times, closing out the series is the toughest thing to do.”

 
 

ni Rey Joble @Sports | Oct. 17, 2024



Photo: Si eight-time Most Valuable June Mar Fajardo at six-time champion na si Justin Brownlee - PBA PH


Nalagpasan ng San Miguel Beer ang isa na namang eksplosibong laro ni Justin Brownlee sa pamamagitan ng mas balanseng produksyon para iposte ang 131-121 panalo kontra Barangay Ginebra at itabla ang serye ng kanilang PBA Governors’ Cup best-of-seven semifinals series sa Smart Araneta Coliseum Miyerkules ng gabi.


Anim na players ang naglagak ng double figures para sa Beermen, tatlo rito ang pumuntos ng 20 o higit pa, dahilan para mas manaig ang pinagsamang ambagan ng mga puntos para malusutan ang 49 na naitala ng six-time champion na si Brownlee.


Pinakasolidong ipinakita ay si eight-time Most Valuable Player June Mar Fajardo na tumipa ng 29 puntos bukod sa nahakot na 16 na rebounds.


Double-double rin ang kontribusyon ng import ng San Miguel na si Ejimofor Anosike na may 27 puntos at 11rebounds. May 20 puntos ring naidagdag si CJ Perez habang tig-15 naman sina Marcio Lassiter at Don Trollano at 14 naman ang ibinigay ni Terrence Romeo.


Dahil sa panalo ng Beermen, muling naitabla ang serye na ngayon ay 2-2 patungo sa krusyal na engkwentro ngayong Biyernes na gaganapin sa Ynares Center sa Antipolo. “Ang ganda ng adjustments namin.


Hinahanap ako ng mga teammates ko at pinapasahan ako,” ang sabi ni Fajardo na nagpasok ng 12 sa kanyang 15 tira sa laro. Pero nag-step up talaga yung buong team. “

 
 

ni Rey Joble @Sports | Oct. 14, 2024



Solidong kinumpleto ni Aaron Fuller ang laro kung saan nagbuhos siya ng 26 puntos at 16 na rebounds, pero higit na mas naging importante ang kanyang three-point play sa dulo ng laro. Photo: PBA PH


Humihinga pa at tila walang planong sumuko ang Rain or Shine Elasto Painters at nitong Linggo ng gabi, ipinakita ng mga bataan ni coach Yeng Guiao na kaya nilang makipagsabayan sa nagtatanggol na kampeon na TNT Tropang Giga.


Nawala man ang 15 puntos na kalamangan, hindi sinayang ng import na si Aaron Fuller ang pagkakataon para pamunuan ang Elasto Painters sa makapigil-hiningang 110-109 panalo sa City of Dasmarinas Arena sa Cavite.


Kinumpleto ni Fuller ang solidong laro kung saan nagbuhos siya ng 26 puntos at 16 na rebounds, pero higit importante ang kanyang three-point play sa dulo ng laro na siyang nagtawid sa Rain or Shien tungo sa panalo. Ito ang unang panalo ng Elasto Painters kontra Tropang Giga sa kanilang best-of-seven semis series kung saan lamang pa rin ang TNT, 2-1.


“We were able to hang in there against a strong team with a great import,” ang sabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao. “Poy Erram played one of his best games and we were able to survive that. Every game is a learning process, learning experience for us.


Mabuti nailusot namin ito kasi ayaw naming ma-sweep ulit katulad yung nangyari sa nakaraang series against San Miguel.” May pagkakataong maitabla ng Elasto Painters ang serye na magbabalik sa Miyerkules kung saan inaasinta nila ang panalo sa Game 4 sa Smart Araneta Coliseum.


“We’ll just have to keep on improving from what we did today,” dagdag pa ni Fuller. Para naman kay Guiao, isa itong magandang simula para mapatibay ang kanilang tsansa na makapasok sa finals.


“After that Game 2 loss, ang iniisip lang namin, manalo lang muna ng isa. Mahirap naming pangarapin mong makapunta sa finals na hindi ka pa nananalo ng isa,” dagdag pa ni Guiao.


“Nakita namin yung mga mali namin sa video and I’d like to give credit to my assistant coaches for putting together in helping out the videos and formulating game plans.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page