top of page
Search

ni Clyde Mariano @Sports | Oct. 31, 2024



Photo: Rondae Hollis-Jefferson at Justin Brownlee - PBA PH


Dalawang panalo na lang ang kailangan ng Talk ‘N Text para mapanatili ang korona sa Governor’s Cup na napanalunan noong nakaraang taon sa ilalim ni coach Jojo Lastimosa at import Rondae Hollis-Jefferson kontra Barangay Ginebra sa 4-2 kasama ang title-clinching Game 6, 97-93, umiskor si Filipino-American Californian native Mikey Williams ng 38 points kasama ang siyam na tres.


Sa masusing gabay ni returning coach Chot Reyes katuwang sina assistant coach Jojo Lastimosa at Bong Ravena, muling tinalo ng Tropang Giga ang mababang morale na Kings sa Game 2, 96-84, sa loob ng dalawang araw matapos ang face off at umabante ng dalawa pang panalong laro sa harap ng partisan crowd sa muling pagbabalik ng liga sa Smart Araneta Coliseum.


Sa 2-0 lamang tiyak sasamantalahin ng TNT ang bentahe at hindi na pagbibigyan ang Barangay Ginebra na makabangon pa sa malalim na hukay. “2-0 lead is big investment,” sabi ni coach Chot. “The 2-0 advantage is not assurance nor guarantee we can retain the title. We have to play hard, double our efforts, consolidate our efforts and pull our resources to full use in the next two games and achieve the goal we are longing for,” sabi ni Reyes.


Muling gumawa si Rondae Hollis-Jefferson ng double-double 37 points at 13 rebounds, 11 defensive, bukod sa pitong assists. Tinalo ni RHJ si Justin Brownlee sa kanilang match-up at umiskor lanh ang resident Barangay import ng 19 points at nine rebounds. Nag-ambag sina Calvin Oftana at Glenn Khobuntin ng tig- 13 points, William Jayson Castro at Roger Pogoy ng tig-9 points sa TNT.



Sa kabila ng paghabol, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si coach Tim Cone at kumpiyansa ang American mentor na makakaahon sila sa malalim na hukay at makakabalik sa winning form. “We are down but not out. The playoff is not over yet. Many things happen along the way in the playoff. We’ll get back into the grove,” sabi ni Cone.


Dikit ang laro bago lumamang ang TNT, 78-71, sa 2 minutong nalalabi sa fourth quarter ay nagtarak ng 8-0 blast kasama ang tres ni Roger Pogoy. Napanatili ng Tropang Giga ang lamang, 83-75, sa bisa ng basket shot ni John Paul Erram sa 8 minuto ang natitira sa payoff period.


“I stepped up and gave the needed points. I’m happy, I made it,” sabi ng 26 years old American na si RHJ na taga-Pennsylvania state. “If we sustain this kind of performance and play cohesively, there’s a good chance we can sweep the playoff. Hopefully, we make it,” wika ni Hollis-Jefferson. Muling lalabanan ng TNT ang Barangay Ginebra sa Game 3 November 1 All Souls Day sa Big Dome.

 
 

ni Clyde Mariano @Sports | Oct. 27, 2024



Nasa larawan sina Coach Chot Reyes ng TNT at Coach Tim Cone at Justin Brownlee ng Ginebra. Photo: PBA PH


Nakauna agad at maagang nakuha ang momentum at initiative ng defending champion Talk ‘N Text at tinalo ang challenger at dating champion Barangay Ginebra sa Game 1 sa malaking agwat, 104-88, sa Governor’s Cup sa PBA 49th season sa dinumog na Ynares Center sa Antipolo City na pinanood ng mga PBA diehard fans sa lalawigan ng Rizal.


Kinontrol ng Tropang Giga ang laro at lumamang ng 20 points, 89-69, sa drive ni Roger Pogoy matapos umiskor si Rey Nambatac sa return play at iposte ang walang kahirap-hirap na panalo. Umiskor si Nambatac ng 18 points at 10 rebounds at seven assists sa una niyang final appearance at tinanghal na best player of the game.


“We played well-coordinated game. Our offense and defense are on the right track,” sabi ni coach Chot Reyes. “Game 1 pa lang marami pang mangyayari along the way sa playoff. We’ll prepare because Barangay Ginebra will get back at us in Game 2,” wika ng 60 years old TNT coach.


Nilabas ni coach Tim Cone si Justin Browlee sa huling dalawang minuto bagamat malapit nang.sumurender ang tropa. Maagang umarangkada ang Tropang Giga at sinamantala ang malamig na simula ng Kings na lumamang ng three points thrice, ang huli 27-15, at umabante ng 15 points, 34-19 sa pinagsanib puwersa nina Rondae Hollis-Jefferson, Roger Pogoy at dating NLEX Road Warriors Calvin Oftana.


Biglang nabuhayan nang loob ang Barangay Ginebra nang rumatsada ng 10-2 five minutes run lima kay Justin Brownlee at lumapit sa 33-38. Subalit hindi natinag at nasiraan nang loob ang TNT tinapos ang first half lamang 43-37.


Para kay coach Chot malaking bagay at puhunan na manalo sa initial game sa best-of-seven playoffs dahil tataas ang morale at fighting spirit at kumpiyansa sa sarili ng kanyang players.


“Winning Game 1 is a big factor and very important because it gives the players the needed morale boost and confidence,” sabi ni Reyes matapos talunin ang mga bata ni coach Tim Cone.


“We’ll try and go for second win. Kailangan maglaro kami nang husto both offensively and defensively and Rondae Hollis-Jefferson and the rest of the players play well,” wika ni Reyes target ang pang- 11 PBA title.


“It’s a long way to go. Game 1 pa lang. There are quirks or unexpected things happening along the way in the playoff. Kailangan laging handa kami sa lahat nang oras sa darating na mga laro,” dagdag ni Reyes.


Panay ang balasa ni coach Tim Cone ng kanyang mga players. Subalit hindi makahulma ng epektibong formula paa pigilin at talunin ang humahalimaw na Tropang Texters na hindi nagpasuko sa Kings

 
 

ni Clyde Mariano @Sports | Oct. 22, 2024



Unang inangkin ng Tropang Giga ang final seat, maghaharap na ang TNT at Barangay Ginebra. Photo: PBA PH


Sa pangalawang sunod na taon muling maghaharap ang defending champion Talk 'N Text at challenger Barangay Ginebra sa best-of-seven title showdown ng PBA 49th Season Governor’s Cup.


Lamang sa seryeng 3-2 at kailangan ng isa pang panalo para umabanse sa finals at huwag nang paabutin ang playoffs sa sudden death Game 7, tuluyan nang tinapos ng Kings ang semis series at sinibak ang sister team at mahigpit na karibal na San Miguel Beermen sa Game 6, 102-99 na pinanood ng partisan crowd kasama si dating PBA import Sean Chambers sa Smart Araneta Coliseum.


May pag-asa pa sana ang SMB na tumabla at ipilit ang Game 7. Subalit sumablay ang tres ni Ejimofor Anosike at nakuha ang offensive rebound at sumablay din ang 3 ni Jericho Cruz sa left wing kaya inangkin ng Kings ang panalo at muling labanan ang TNT sa finals.


“It’s another one hell of a game. SMB pushed us to the limit. My players refused to fold up,” sabi ni coach Tim Cone. “The semis is over. Our next move is the finals against Talk ‘N Text. It’s another tough task for us playing against a tough team TNT,” wika ni Cone na target ang pang-26th PBA title.


Umiskor si Maverick Ahanmisi ng team high 25 points at muling itinanghal ang dating Rain or Shine gunner na Best Player of the Game. Nag-ambag si Justin Brownlee ng 21 points at 7 rebounds, Japeth Aguilar 20, Rhon Jay Abarrientos 16 at Scottie Thompson 10.


Maghaharap ang TNT at Barangay Ginebra sa Oct. 27 sa Big Dome. Unang inangkin ng Tropang Giga ang final seat sa kartadang 4-1 kasama ang game-clinching Game 5, 113-95, laban sa Rain or Shine.


Matapos ang first half, pinulong ni Commissioner Willie Marcial ang kapulisan ng Antipolo tungkol sa magandang samahan at ugnayan ng PBA at police at maging sa kaligtasan ng liga sa mga lalawigan.


“Bibigyan ang PBA ng ambulance sa mga out-of-town games at magsasagawa ng PBA clinic sa mga lalawigan at hikayatin ang mga kabataan na mas mahirati sa basketball at mailayo sa masamang bisyo at drugs. As we all know PBA players are role model ng mga kabataan. This is a give and take affair,” sabi ni Marcial. (Clyde Mariano)

 
 
RECOMMENDED
bottom of page