top of page
Search

ni Clyde Mariano @Sports | Nov. 7, 2024



Photo: TNT vs Gin Kings - PBA


Binawian ng Talk ‘N Text ang Barangay Ginebra sa pivotal Game 5, 99-72, at lumapit sa isang laro na panalo para panatilihin ang korona sa Governor’s Cup na inagaw ng Kings sa nakaraang taon sa tulong ni Rondae Hollis-Jefferson na pinanood nang partisan crowd kasama si team owner Manny V. Pangilinan sa Smart Araneta Coliseum.


Gigil at masama ang loob sa dalawang sunod na talo at naitabla ng Barangay Ginebra ang serye sa 2-all, kinontrol ng Tropang Giga ang laro sa simula at hindi pinaporma ang biglang nawalan nang sigla na Kings para iposte ang blowout win at lumapit ng isang hakbang pabalik sa podium hawak ang handcrafted gold-plated cup trophy mula kay PBA Charman Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial.


Lalapatan ng TNT ang pormal na pag-akyat sa victory stand sa Biyernes ng 7:30 pm sa Big Dome.


Limang TNT players ang tumapos ng double figures sa pangunguna ni Rondae na tumipa ng 16 points at 10 rebounds.


Nag-ambag sina Calvin Oftana at Roger Pogoy ng tig 15 points, 11 at Jayson Castro sa10 ponts.


Muling tinanghal ang dating NLEX Road Warriors na si Oftana ng best player of the game. Gumawa ang Tropang Giga ng 37 of 75 sa field goal, 12 of 16 sa free throws, 53 rebounds at 21 assists.


Nakarekober ang TNT sa bangungit ng talo sa Game 3 at Game 4 sa tuwa ni coach Chot Reyes na binati ang kanyang mga players for a job well done.


“They were hurt by back-to-back loses They wanted to avenge the defeats and succeeded. I couldn’t ask for more. They got what they wanted tonight. I’m happy with their performance,’ sabi ni Reyes na target ang pang-labing isang PBA title.


Maagang umarangkada ang TNT lumamang, 44-25, sa shot ni Kelly Williams tungo sa 56-33 halftime lead, nagsanib puwersa sina Calvin Oftana, Kelly Williams at RHJ na umiskor lahat ng 33 points .


Pinalobo ng TNT ang lamang, 86-51, sa dalawang free throws ni dating Rain or Shine gunner Rey Nambatac sa foul ni Raymond Aguilar apat na minuto ang nakalipas sa fourth quarter.


Parang naubos ang lakas ng Barangay Ginebra sa dalawang sunod na panalo at walang sigla ang laro ng Kings sa lungkot ni coach Tim Cone na bumalik sa dugout kasama ang kanyang talunang mga manlalaro.


Kahit si Justin Brownlee ay walang sigla ang laro na tumapos lang ang 36 years old resident import ng eight points at hindi naka iskor sa fourth quarter.


“We played a lousy game. Our offense and defense turned sour. It’s quite frustrating to see things fall apart in the game we needed most. May Game 5 not really meant for us,” pailing na sinabi ni Cone.

 
 

ni Clyde Mariano @Sports | Nov. 4, 2024



Photo: Justin Brownlee / PBA PH


Makalipas ang dalawang araw matapos ang All Saints Day at All Souls Day, bumalik ang Barangay Ginebra sa Smart Araneta Coliseum at tinalo muli ang defending champion Talk ‘N Text sa Game 4, 106-92, at itabla ang serye sa 2-all.


Limang Ginebra players ang gumawa ng double figures sa pangunguna ni Justin Brownlee nang tumipa ng game high 34 points, nine sa three-point area at dalawang four points, six rebounds at four assists. Nagtala sina Stephen Jeffrey Holt, Maverick Ahanmisi at Japeth Aguilar ng tig 18 points, at Earl Scottie Thompson ng 12 points.


Tinanghal si Holt bilang best player of the Game. Tulad sa Game 3, dinomina ng Kings ang laro at hindi pinagbigyan ang TNT na makalapit at maagaw ang lamang at na-outrebounded ang defending champion 32-27 at gumawa ng 23 assists kumpara sa TNT 17.


Dala nang kanilang hangarin na manalo at mataas ang morale at fighting spirit mula sa Game 3, 85-73, ipinakita ng Kings ang kanilang pamosong “never-say-die” character para itabla ang serye at napunta sa kanila ang momentum na tiyak gagamitin ni coach Tim Cone bilang “jumping board” na kunin ang bentahe.


Sabay-sabay sumisigaw ang mga die-hard Ginebra fans ng “Ginebra, Ginebra!" sa tuwing nakakaiskor ang Kings. Tulad sa Game 3, muling pinagtulungan nina Stephen Jeffrey Holt, Maverick Ahanmisi at Japeth Aguilar na bantayan si Jefferson at nilimita ang points production ng best import of the conference sa 28 points at 4 points sa fourth quarter.


Pinamunuan ni Justin Brownlee mainit na opensiba kasama sina Holt, Ahanmisi, Aguilar at Scottie Thompson. “We played well-balanced game both offensively and defensively. Justin was all over the court connecting from all corners,” sabi ni coach Tim Cone. Sa dalawang sunod na panalo, nasa Barangay Ginebra ang momentum at tiyak sasamantalahin ni Cone na makuha ang 3-2 lead.


Umarangkada agad ang Barangay Ginebra 36-25 on the way to 54-42 halftime lead, tumipa si Brownlee ng 18 points, 15 sa first quarter, at ang tubong Davao del Sur na si Thompson na kumamada ng 12 points.


Lamang ang Barangay Ginebra, 95-85, sa tres ni Ahanmisi 4 na minuto ang natitira sa crucial fourth quarter. Umiskor si Holt ng tres sa pasa ni Aguilar 104-92, 1:04 natitira.


Samantala, itinanghal si June Mar Fajardo ng SMB bilang best player of the conference at sa pangalawang sunod na Governor’s Cup ay tinanghal si Jefferson bilang best import.

 
 

ni Clyde Mariano @Sports | Nov. 2, 2024



Photo: Rondae Hollis-Jefferson at Justin Brownlee - PBA PH


Siniguro ni coach Tim Cone na hindi ma-sweep ng Talk ’N Text ang final playoff at matapos matalo sa unang dalawang laro ay binawian ng Barangay Ginebra Kings ang Tropang Giga, 85-73, sa Game 3 ng PBA 49th Season Governor’s Cup araw ng All Saints Day sa harap ng partisan crowd sa Smart Araneta Coliseum.


Sumandal ang Kings sa 13-2 attack sa pinagsanib puwersa nina Justin Brownlee, Scottie Thompson at Maverick Ahanmisi sa huling apat na minuto at iposte ang impresibong panalo at biglang nabuhay at lumakas ang hangarin ng Barangay Ginebra na mabawi ang koronang naagaw sa kanila ng TNT noong nakaraang taon.


Umiskor si Brownlee ng team high 18 points on 8 of 25 sa field at humablot ng 13 rebounds at apat na assists sa Ginebra na gumawa 33 of 66 sa field goal, limang tres sa 16 tries, 46 rebounds, 21 assists at 9 steals.


Nag-ambag si Ahanmisi ng 16, Thompson ng 15 at sina Stephen Jeffrey Holt at Japeth Aguilar ay tig-10 points. T


inanghal si Thompson bilang best player of the game sa kanyang magandang nilaro sa second half.


“I reminded my players to play their best out there if they want to continue playing and have the chance to regain the crown,” sabi ni Cone.


Naglaro na parang sugatang tigre, matapang na lumaban ang "never-say-die” spirit at kumpletong nanaig sa biglang nanlamig na Tropang Giga at pigilin ang mga bata ni coach Chot Reyes sa pangatlong sunod na beses na panalo na maalalang tinalo ang Ginebra sa 4-2 sa playoffs ng 2023 season.


Lamang ng 59-52 sa third period, na outgunned ng Ginebra ang TNT sa fourth period. Nalimita ni Ahanmisi si Rondae Hollis-Jefferson sa bisa ng solidong depensa sa fourth period. Maagang umarangkada ang Ginebra at lumamang sa 40-33 on the way 42-39 halftime lead nang umiskor sina Brownlee at Ahanmisi ng tig-eight points.


Lamang ang Barangay Ginebra 71-67, sa tres ni Brownlee matapos umiskor si RHJ sa gitna ng fourth quarter. Agad tumawag si coach Chot para ikasa ang kanyang strategy. Subalit ang kanyang plano ay hindi umubra at lumaki ang lamang ng Ginebra tungo sa impresibong panalo.


Sabay-sabay sumisigaw ang mga supporters ng “Ginebra, Ginebra!” tuwing makaka-shoot ang Kings. Muling maghaharap ang TNT at Ginebra sa Game 4 Sunday, November 3 sa Big Dome.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page