top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | Jan. 14, 2025



Photo: Northport Batang Pier - Kadeem Jack - PBA PH


Laro ngayon – N. Aquino

5 PM Meralco vs. NorthPort

7:30 PM Converge vs. Rain Or Shine 


Isang panalo na lang ang kailangan ng numero unong NorthPort upang makamit ang pinakaunang siguradong upuan sa 2024-25 PBA Commissioner’s Cup quarterfinals.  Haharapin ngayong Martes sa Ninoy Aquino Stadium ng Batang Pier (7-1) ang Meralco Bolts (5-3) na nais pagbutihin din ang pag-asa sa susunod na yugto ng torneo simula 5 ng hapon. 


Ipaparada muli ng NorthPort si import Kadeem Jack na nagtala ng 30.5 puntos sa 8 laro at ang numero unong Pinoy sa puntusan na si Arvin Tolentino (25.3) at ika-lima si Joshua Munzon (19.9). Dahil sa kanila, numero uno sa opensa ang Batang Pier na 111.3.


Oras na magwagi ng pang-walo ang NorthPort ay hindi na sila mapapantayan ng mga koponan na nasa pang-9 hanggang 13 na NLEX (3-5), Phoenix (3-5), Magnolia (3-6), Blackwater (1-7) at Terrafirma (0-9). Galing ang Batang Pier sa dalawang tagumpay sa mga bigating HK Eastern (120-113) at Barangay Ginebra (119-116).


Bumabalik na ang porma ng laro ni Meralco import Akil Mitchell matapos mabasag ang ilong noong ikalawang laro laban sa Painters noong Disyembre 1. Mahalaga na mabuo ang Bolts at malusog ang koponan at pinatunayan ito sa 105-91 panalo sa NLEX noong Biyernes kung saan 6 na magkakampi ang nagsumite ng 10 puntos o higit pa. 


Sa pangalawang laro, parehong layunin ng Converge FiberXers (6-3) at ROS (5-2) na manatili ang hahabuling agwat sa Batang Pier sa kanilang mahalagang salpukan.  


Tiyak na aabangan ang bantayan ng mga malalaking sina Cheick Diallo at Justin Arana laban kay Deon Thompson at Leonard Santillan. Hindi magpapahuli ang mga gwardiya na sina Jordan Heading, Alec Stockton at Deschon Winston kontra kay Jhonard Clarito, Adrian Nocum at Andrei Caracut.  

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | Jan. 6, 2025



Photo: Kawhi Leonard - LA Clippers - IG



Sa loob ng 24 oras ay nag-overtime muli subalit iba ang resulta at gumanti ang bisitang Denver Nuggets sa San Antonio Spurs, 122-111, sa NBA kahapon sa Frost Bank Center. Balik-aksiyon din si Kawhi Leonard matapos lumiban sa unang 34 laro at wagi ang kanyang L.A. Clippers sa Atlanta Hawks, 131-105. 

      

Itinapik ni Devin Vassell ng Spurs ang sarili niyang mintis para ipilit ang overtime, 108-108, at 14 segundo sa orasan. Tiniyak ni Nikola Jokic na hindi mauulit ang nangyari sa 110-113 pagkabigo sa Spurs at mag-isang ipinasok ang unang 7  puntos ng overtime para lumayo agad ang Nuggets, 115-108.

       

Nagtapos si Jokic na may 9 ng kanyang 46 sa overtime na may kasamang 10 assist.  Lamang ang Spurs sa simula ng huling quarter, 92-81 at humabol ang Denver sa likod ni Michael Porter Jr. na ginawa ang 10 ng kanyang 28.

      

Hindi masyadong pumuntos ang tinaguriang “The Klaw” at nagtala ng 12 sa unang tatlong quarter at hindi na ginamit sa huli pero lumaki pa rin sa 124-96 ang bentahe.  Pitong iba pang kakampi ang may 10 o higit sa pangunguna ni Norman Powell na may 20 para sa kanilang ika-20 panalo sa 35 laro. 

       

Ibang inspirasyon ang hatid ng dating MVP Derrick Rose at tinambakan ng Chicago Bulls ang New York Knicks, 139-126.  Parehong nagbagsak ng tig-33 sina Zach LaVine at Coby White kasabay ng pormal na pagpugay kay Rose ng koponan niya mula 2008 hanggang 2016. 

       

Naghayag ang Bulls na ireretiro ang numero ng uniporme ni Rose na 1 sa susunod na taon at tatabihan nito ang mga naunang 4 (Jerry Sloan), 10 (Bob Love), 23 (Michael Jordan) at 33 (Scottie Pippen).  Laman ng usapan na kinukuha si Rose ng Filipino Club Strong Group Athletics sa Dubai International Championship sa katapusan ng buwan.


 
 

ni Nympha Miano-Ang @Sports | Dec. 22, 2024



Photo: Alec Stockton sa Converge laban sa Gin Kings / PBA PH


Ibang klaseng lakas ang ipinakita ng Converge Fiberxers nang pagwagian ang laro 98-91 laban sa crowd favorite Barangay Ginebra at iposte ang ikatlong diretsong panalo sa PBA season 49 Commissioners Cup sa Batangas City Coliseum, Sabado ng gabi.


Bumida si Alec Stockton pagdating 3rd quarter na unang pinalakas nina Deschon Winston, Justin Arana, at Cheick Diallo upang matiyak na makukumpleto ng Fiberxers ang pagresbak nang mapag-iwanan sa 57-40 sa half time.


Ang batang team sa PBA ay nagtarak ng pinag-ibayong 5-2 sa conference standings habang ang Gins na pinamunuan ni Japeth Aguilar at lagpak sa 3-2 kartada.


Si Stockton ang nagsilbing Player of the Game sa natipon na 22 puntos, 6 rebounds at 8 assists na impresibo para sa isang sumisikat na player.


Nasayang ang 39 puntos na nagawa ni Justin Brownlee na may 10 rebounds at 5 assists. Habang may 15 pts si Ahanmisi. Muling sasagupa ang Fiberxers sa Araw ng Pasko laban sa Meralco Bolts ng 5.pm. sa Smart Araneta Coliseum.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page