@Balitang Probinsiya | ngayong Abril 3, 2024
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang notoryus na drug pusher ang nasawi sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Inayawan, Cauayan sa lalawigang ito.
Ang napatay na suspek ay kinilalang si Elejarde Oblianda, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Napag-alaman na dadakpin na ng pulisya sa drug-bust operation ang suspek, pero biglang nanlaban at pinagbabaril nito ang mga otoridad.
Dahil dito, gumanti ng putok ang operatiba na naging dahilan kaya napatay ang suspek.
Nakakumpiska ang mga otoridad ng ilang gramo ng hinihinalang shabu at baril sa pinangyarihan ng insidente.