top of page
Search

ni Angela Fernando @News | Oct. 26, 2024



Photo: Pres. Bongbong Marcos / PBBM - Presidential Communications Office


Nagpahayag si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Sabado na plano niyang muling balikan ang Bicol River Basin Development Program (BRBDP), isang proyekto ng kanyang yumaong ama na si Ferdinand Marcos Sr. nu'ng 1973, matapos ang matinding pinsalang dulot ng Super Typhoon Kristine sa rehiyon ng Bicol.


"Pinag-aaralan ko ito, and I found that in 1973, there was the Bicol River Basin Development Project. It was a USAID project. [...] I have here a study from someone from UP (University of the Philippines) that assessed the effects of the BRBDP. Despite some challenges, mukha namang malaki ang naitulong," paglilinaw ni Marcos.


Binigyang-diin ni Marcos na bukod sa aspetong flood control, kasama rin ang proyektong farm-to-market road upang suportahan ang mga mahihirap na lugar sa Rehiyon 5 sa BRBDP.


Magugunitang sa kanyang aerial inspection sa mga lugar na matinding hinagupit ni Kristine nu'ng Biyernes, napansin ni Marcos na ang baha sa Bicol Region ay hindi agarang humupa matapos ang malakas na ulan, kumpara sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite.


Dahil dito, ipinunto ng pangulo na doble ang dami ng ulang bumagsak sa Bicol Region kumpara sa naitala nu'ng bagyong Ondoy nu'ng 2009, kung saan halos isang metrong tubig ang umapaw sa rehiyon.

 
 

by Info @Brand Zone | Oct. 24, 2024




Nagpaabot na si Senador Ramon Bong Revilla ng tulong para sa mga kababayang hinagupit ng Bagyong Kristine sa Bicol region.


Sa Facebook Live ni Senador Ramon Bong Revilla, ipinakita nya ang bayanihan truck na punong puno ng relief goods na bumiyahe na ngayong gabi (Oct. 23) patungo sa mga kababayang sinalanta ng bagyo.


Unang bibigyan ng tulong ang mga taga Naga na isa sa mga matinding tinamaan ng bagyo.


Nakadepende ayon kay Revilla ang paghahatid ng tulong sa lagay pa rin ng panahon at kung passable na ba ang mga kalsada at tulay doon.



Marami kasi aniyang tulay at kalsada ang sinira dahil sa mga landslide at umagos na lahar dahil sa malakas na buhos ng ulan na dala ni Kristine.


May inaayos pa aniyang mga relief packs ang kaniyang tanggapan para naman sa iba pang lugar na tinamaan rin ng bagyo.


Umapila naman si Revilla sa mga kaibigan at sa publiko na tumulong sa bayanihan para sa mga kababayan na nawalan ng tahanan at ari arian dahil sa bagyo.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 21, 2023





Posibleng magpatuloy ang scattered light rains sa maraming bahagi ng Luzon at bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa shear line at northeast monsoon o "amihan," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes.


Sinabi ng PAGASA na inaasahan ang cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms sa Bicol Region, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa shear line—ang lugar kung saan nagtatagpo ang cold northeasterly winds at warm easterlies.


Pinalalahanan ang publiko sa posibleng flash floods o landslides dahil sa umiiral na katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga apektadong lugar.


Dahil sa amihan, magkakaroon ng cloudy skies with light rains sa Cagayan Valley at Quezon, habang partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains ang mararanasan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.


Magkakaroon din ang ibang bahagi ng Mindanao ng partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page