top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | Oct. 31, 2024



Photo: PCO / OOTP


Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng mahigit P9 bilyon na pinsala sa imprastruktura at agrikultura dulot ng Bagyong Kristine at Leon sa Luzon, Visayas, at Mindanao.


Nagpapakita ang pinakahuling ulat ng NDRRMC ng kabuuang 150 na nasawi mula sa Bagyong Kristine at Leon, may 29 na nawawala, at tinatayang 7.4 milyong tao ang nawalan ng tirahan.


Ipinapakita ng datos na nasa P6.4 bilyon ang pinsala sa imprastruktura at P2.9 bilyon sa agrikultura, na pangunahing dulot ng malawakang pagbaha sa Bicol, Calabarzon, at iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.

 
 

ni Eli San Miguel @News | Oct. 30, 2024



Photo: #KristinePH - BFP Lupi


Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Bicol ang P971 milyong pinsala sa imprastruktura sa rehiyon dahil sa hagupit ng Bagyong Kristine.


Ibinahagi ni Lucy Castañeda, tagapagsalita ng DPWH-Bicol, na P799 milyon ang pinsala sa mga kalsada, P4.3 milyon sa mga tulay, at P166 milyon sa mga flood control projects.


Sinabi niya na pansamantalang ulat pa lamang ito mula sa mga district engineering offices at dadaan pa ito sa pagsusuri ng regional at central offices.

 
 

by Info @Brand Zone | Oct. 28, 2024




Personal na Nakiramay si Senador Ramon Bong Revilla Jr sa mga kababayang namatayan at sinalanta ng bagyong Kristine nang magtungo ito sa Naga at iba't ibang bayan sa Camarines Sur.


Ayon kay Revilla, nakikidalamhati sya sa masakit at Matinding pagsubok na sinapit ng mga kababayan sa Naga.


“mula po sa akin, kasama na ang aking pamilya, ay gusto ko pong ipaabot sa inyo aming mahigpit na pagyakap! Hindi po kayo nag-iisa sa mga panahon na to. Kasama niyo kaming titindig para sa inyong muling pagbangon,” ani Revilla.


Sa buong Bicol Region, aabot sa 28 katao ang namatay habang 78 lügar ang isinailalim sa state of calamity.


Hinimok ni Revilla ang mga kababayan na sa Kabila ng trahedya, wag mawalan ng pag-asa at sama samang bumangon.


“Napakahirap po ng pinagdaan ng bawat isa. Sobrang nakakahabag ng puso ang sinapit ng ating mga kababayan. Nakakalungkot. Sa totoo lang po, hindi ko lubos maisip ang tindi at hirap na nararanasan ngayon. Ang sakit isipin ang sinapit ng ating mga kababayan, ayon pa sa Senador.


Kanina personal na nag abot si Revilla ng tulong sa mga kababayang sinalanta ng bagyo


Namahagi sya ng mga tubig, relief packs at iba pang pagkain para sa mga kababayan


Natagalan Aniya ang pagdadala ng tulong dahil madami pang kalsada at tulay ang nasıra at hindi madaanan dahil sa hagupit ni Kristine.


“Basta tatandaan niyo po, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Tuloy po ang buhay at hindi po kayo mag–iisa sa pagbangon at muling pagsisimula” dagdag pa ni Revilla.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page