top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 8, 2021





Magpapatuloy ang price cap sa karne ng baboy at manok sa Metro Manila hanggang sa ika-8 ng Abril, ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar.


Batay sa tala ng DA, ang mga presyo ay tinatayang P270 kada kilo sa kasim at pigue ng baboy, habang P300 kada kilo sa liempo. Aabot naman sa P160 kada kilo ang manok.


Ipinatupad ang price cap dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng African Swine Fever (ASF) na nakaapekto nang sobra sa produksiyon ng karne sa bansa.


Sa ngayon ay hindi na nagsasagawa ng pork holiday ang mga vendors mula sa iba’t ibang palengke, sa halip ay napipilitan na lamang silang magtaas ng presyo upang mapunan ang itinakdang price cap.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 6, 2021





Nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa US Department of Agriculture para sa seguridad ng bakuna laban sa African swine fever (ASF) na lubos na nakaapekto sa mga baboy at sa presyo nito.


Pahayag ni Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes sa isang radio interview ngayong Sabado, “Nakikipag-ugnayan na tayo sa US Department of Agriculture para mabigyan tayo ng sample ng [ASF] vaccine na itine-testing na sa Vietnam.


“Maglalaan ng pondo ang DA para sa posibleng bakuna laban sa ASF.”


Tinatayang aabot na sa 4 million baboy ang naapektuhan ng ASF sa bansa na naging dahilan ng kakulangan sa suplay at pagtaas ng presyo nito sa merkado.

 
 
  • BULGAR
  • Feb 14, 2021

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 14, 2021





Pinagbawalan ni Iloilo Governor Arthur Defensor na makapasok sa pamahalaang lungsod ang mga baboy mula Eastern Visayas dahil sa naitalang kaso ng African Swine Flu (ASF) sa Leyte.


Ayon sa Department of Agriculture (DA), 4 na bayan sa Leyte na ang may kumpirmadong kaso ng ASF. Mahigit 3,000 baboy ang isinasailalim sa depopulation at marami pang hog raisers ang hindi nagsu-surrender.


Kabilang din sa mga binabantayan ang ilang bayan sa Masbate tulad ng Ajuy, Anilao, Batasan, Banate, Barotac Nuevo, Barotac Viejo, Batad, Carles, Concepcion, Dumangas, Estancia, at San Dionisio.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page