top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 17, 2022


ree

Nagsagawa ng "penitential walk" o alay lakad ang Manila Archdiocese kasama ang iba pang mga pari para ipagdasal ang mga botante para sa darating na May 2022 elections.


“We ask our fellow Filipinos to be ‘maka-Diyos kaya makabayan,’ to discern their choice well and prefer leaders who embody and promote the values of the Kingdom of God,” ayon sa archdiocese.


Mula sa Manila Cathedral ay dumaan ito sa GomBurZa memorial marker sa Luneta Park bago magtungo sa Shrine of Nuestra Señora de Guia sa Ermita.


Ito ay kasabay ng ika-150 anibersaryo ng pagkamartir ng "GomBurZa" o ng mga paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.


“For us Filipinos, doing acts of penitensya or sacrifice is never just for oneself, but always intercessory, that is, in behalf of others and in solidary with others,” ayon pa sa pahayag.


“As a clergy, we shall make this act of sacrifice not only for our personal piety but also for the sake of our people and in communion with our people.”

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 5, 2022


ree

Inanunsiyo ng Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM) ang pagsasara ng ilan pang simbahan dahil sa banta ng COVID-19.


Ang mga simbahang pansamantalang nagsara ay:


* National Shrine of St. Jude Thaddeus (December 31, 2021 to January 14, 2022

* National Sharine of Our Lady of Guadalupe (January 4 - 17, 2022)

* Santa Maria Goretti Parish (January 3 – 15, 2022)

* St. Anthony of Padua (January 4 until further notice)

* San Roque de Sampaloc Parish (January 4-7, 2022)


Ipinatupad ang pagsasara ng mga naturang simbahan matapos magpositibo sa COVID-19 ng ilang pari at staff members ng mga ito.


"The temporary closure, will also allow them to clean, sanitize and disinfect the surrounding of the parishes,” ayon sa report na naka-post sa RCAM website.


"Although closure of parishes were made because of COVID, the priests have assured the faithful that all Masses will continue to be live-streamed on the Facebook and YouTube Channel page of the parishes."

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 18, 2021


ree

Nagpositibo sa COVID-19 si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula, ayon sa

inilabas na pahayag ng Archdiocese of Manila, nitong Biyernes, Setyembre 17.


Nakararanas daw ito ng mild symptoms ng Covid.


"Aside from a slight fever, he does not feel any other symptoms," ani Manila Archdiocese Chancellor Fr. Reginald Malicdem.


"He is on quarantine, observing strict protocols. Doctors are also monitoring his condition," dagdag niya.


Si Advincula ay fully vaccinated laban sa COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page