top of page
Search

ni Eli San Miguel @World News | Nov. 7, 2024



Photo: Joe Biden at Donald Trump - The White House / Nic Antaya, Getty Images


Tumawag si U.S. President Joe Biden nitong Miyerkules upang batiin si Donald Trump sa kanyang pagkapanalo sa eleksyon.


Inanyayahan niya rin si Trump na makipagkita sa White House, at inanunsiyo na magbibigay siya ng mensahe sa bansa sa Huwebes.


Sa isang pahayag, sinabi ng White House na nangako si Biden, matapos ang pagkapanalo ni Trump laban kay Vice President Kamala Harris, na sisiguraduhing maayos ang paglilipat ng kapangyarihan at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bansa.


Dagdag pa rito, nakipag-usap din si Biden kay Harris.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Nov. 6, 2024



Photo: Kamala Harris at Donald Trump - Kamil Krzaczynski-AFP / Alex Brandon-AP


Nanalo na ang Republican na si Donald Trump sa walong estado sa halalan sa pagkapangulo ng United States nitong Martes, habang nakuha naman ni Democrat Kamala Harris ang tatlong estado at Washington, DC, ayon sa Edison Research.


Gayunpaman, nananatiling hindi tiyak ang resulta ng laban, dahil posibleng abutin ng ilang oras o araw bago matapos ang pagbibilang sa mga pangunahing battleground states.


Inaasahan ang maagang resulta, na nakatutok sa pitong swing states: Georgia, North Carolina, Pennsylvania, Arizona, Michigan, Nevada, at Wisconsin, kung saan ipinakita ng mga survey na dikit ang laban ng mga kandidato.


Pagsapit ng 8 p.m. ET, sarado na ang mga botohan sa 25 estado.


May 90 electoral votes na si Trump matapos manalo sa Kentucky, Indiana, West Virginia, Alabama, Florida, Oklahoma, Missouri, at Tennessee, habang si Harris ay may 27 mula sa Vermont, Maryland, Massachusetts, at Washington, DC.


Kailangan ng isang kandidato ng 270 electoral votes upang manalo sa pagkapangulo.

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | Oct. 27, 2024



Photo: Nasa larawan sina Michelle Obama at Kamala Harris matapos ang speech nito - AP / Melissa Perez Winder


Ipinanawagan ni Michelle Obama na suportahan ang kandidato sa pagka-presidente na si Kamala Harris sa ginanap na rally nito habang umapela naman si Donald Trump sa mga botanteng Muslim sa Michigan.


Matatandaang naglalaban sa Michigan sina Harris at Trump para sa mga botante, kabilang ang Arab American at Muslim na populasyon na nababahala sa pambobomba ng Israel sa Gaza.


Kabilang sa mga nasabing botante ang unyon ng mga manggagawa na nag-aalala kung paano maapektuhan ng mga electric vehicle ang industriya ng auto sa United States (US) na nakabase sa Detroit, ang pinakamalaking lungsod ng estado.


Magaganap ang araw ng halalan sa Nobyembre 5, ngunit nagsimula na ang maagang pagboto sa Michigan, tulad ng sa maraming estado.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page