top of page
Search

by Info @News | January 6, 2026



Rep. Tinio

Photo: File / ACT Teachers Partylist



Nanawagan si ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio kina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Department of Budget and Management (DBM) na ibigay na nang buo ang P20,000 na Service Recognition Incentive (SRI) ng mga guro at empleyado ng Department of Education (DepEd) sa kabila ng patingi-tingi umanong pagbabayad sa nasabing incentives.


“P20,000 po ito dapat pero by installment na binayaran ang mga teachers maximum ay P14,500 lamang po ang natatanggap pa nila kaya may utang po ang national government sa kanila,” ayon kay Tinio.


Dagdag pa niya, “Account payable po ito, so panawagan po natin sa DBM na pabilisin ang proseso ng pagbayad ng nalalabi para makumpleto ang amount na P20,000.”


Iginiit din niya na natanggap na ng ibang government employee ang kumpletong halaga ng incentives ngunit ang mga guro at empleyado ng DepEd ay naghihintay pa rin na makumpleto ang SRI.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 28, 2021




Pumalag ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sa Department of Education (DepEd), hinggil sa pagbubukas ng 2021-2022 school year ngayong darating na ika-23 ng Agosto sa pangunguna ni ACT-Philippines Secretary General Raymond Basilio.


Iginiit niyang 59 na araw lamang ang magiging bakasyon ng mga guro kung sakaling ipatutupad iyon, gayung ang nakasaad sa regulasyon ay dapat na 80 araw.


Aniya, "’Di pa nga tapos ang usapin ng overtime pay ng ating mga teachers ay may usapin na naman ngayon ng maka-cut short ang bakasyon ng ating mga teachers."


Batay pa sa ginawa nilang survey, halos 10% ng mga guro ang nagsabi na nagkakasakit sila dahil sa ‘burden’ na dala ng distance learning program at hindi maayos na delivery nito.


“And yet, hindi pa natin mabibigyan ng karampatang pahinga ang ating mga guro,” dagdag ni Basilio.


Ipinaliwanag niyang hindi madali ang online classes para sa kanila at may mga pagkakataon na sila na rin ang nag-aambagan para lamang makapag-provide ng modules dahil sa kakulangan ng pondo.


Nanawagan din siya kung sakaling sisimulan ang limited face-to-face classes ay siguraduhin muna ng DepEd ang maayos na pasilidad para sa kaligtasan ng mga estudyante laban sa banta ng COVID-19, sapagkat aniya palagi namang nakahanda ang mga guro para magserbisyo.


Dagdag pa niya, "Tayo po ay handang magbigay ng serbisyo at maglingkod sa panahon ng pandemya. Ang amin pong panawagan sa departamento ay kilalanin ang aming mga batayang karapatan at igalang ito, at in as much as possible, ibigay ang karampatang benepisyo."


Nilinaw niyang nu’ng nakaraang buwan pa sila nagpadala ng liham sa DepEd tungkol sa computation ng magiging bakasyon ng mga guro at kung paano iyon maipatutupad ngunit wala silang natanggap na tugon, kaya’t labis nilang ikinagulat ang inianunsiyo ng DepEd kahapon.


Sa ngayon ay pag-aaralan nila ang mga legal indication na dapat gawin para sa gagawing pag-apela sa DepEd.


Matatandaang nakatakda sanang matapos ang 2020-2021 school year sa ika-11 ng Hunyo, subalit naurong ito ng isa pang buwan dahil sa ‘learning gaps’.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page