top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 10, 2022



Nasawata ang tangkang panggugulo umano ng New People’s Army (NPA) ng mga tropa ng 49th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army sa ginanap na eleksiyon sa Albay, kahapon.


Bandang alas:5:00 ng umaga kahapon, isinumbong umano ng mga residente sa Sitio Lilibdon, Brgy. Maogog, Jovellar, Albay ang limang armadong teroristang komunista.


Kasunod nito, agad na nakaengkuwentro ng mga tropa ng Philippine Army ang mga tinukoy na NPA.

Pahayag ni Major General Alex Luna, Commander ng 9th Infantry (SPEAR) Division at ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB), sa tulong ng mahigpit na seguridad na ipinatupad ng pamahalaan ngayong 2022 National and Local Elections ay naging matagumpay ang operasyon ng kasundaluhan kontra NPA.


Narekober umano sa encounter site ang isang M16 rifle, isang Cal. 45, mga gamit pangkomunikasyon at mga personal na gamit ng mga kaaway, makalipas umano ang walong minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga rumespondeng sundalo at ng mga NPA.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 18, 2022



Upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng avian influenza sa probinsiya ng Albay, ipinag-utos ni Governor Al Francis Bichara ang pansamantalang pag-ban ng domestic ornamental birds at poultry products at by products mula sa mga probinsiya ng Camarines Sur, Camarines Norte, Pampanga, Bulacan at Laguna.


Batay sa Executive order no. 08 series of 2022 na in-issue ni Bichara, ang preventive ban ay nagsimula noong Miyerkules, March 16.


Ipinag-utos din ni Bichara sa Albay veterinary office ang pagsasagawa ng strict monitoring at activation ng border checkpoints sa mga bayan ng Polangui, Tiwi at Libon upang ma-regulate at maiwasan ang penetration ng avian influenza.


Inilabas ng gobernador ang kautusan matapos magpositibo ng tatlong barangay sa bayan ng Bula at Sipocot sa Camarines Sur sa H5N1 Highly Pathogenic Avian Influenza base sa nakolektang samples sa mga reported cases ng poultry mortality.


Lahat ng livestock transport at refrigerated vehicles mula sa ibang rehiyon ay papayagan basta mayroong disinfection certificates na in-issue ng Bureau of Animal Industry Veterinary Quarantine Services.


Kailangan ay sumailalim ito sa disinfection at provincial quarantine checkpoints ng Albay veterinary office para sa safety and protection, ayon pa kay Bichara.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 25, 2022



Namatay ang isang bumbero dahil sa altapresyon habang rumeresponde ito sa sunog sa Polangui, Albay nitong Lunes nang tanghali, ayon sa report.


Si Senior Fire Officer 1 Ramon Quiapon Jr., team leader ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Polangui, ay namatay habang ginagawa ang kanyang tungkulin sa sumiklab na sunog sa J.P Liao Trading sa Barangay Ubaliw bandang 1:35 p.m.


Kaagad na dinala sa municipal health office si Quiapon ngunit idineklarang dead on arrival, ayon sa report ng pulisya.


Samantala, idineklarang fire out ang insidente ganap na 2:45 p.m. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang sanhi ng sunog.


Tinatayang umabot sa P2 milyon ang halaga ng natupok sa naganap na sunog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page