top of page
Search

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 6, 2024





Mga ka-BULGARians, beshy, at mga ateng — handa na ba kayo sa ultimate experience na may kasamang sci-fi twist ngayong Pasko? 


Finally, ang pinakaaabangang tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin ay magpapakilig na sa kanilang kauna-unahang pelikula, ang My Future You, na pasok pa sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF)! Bongga, ‘di vaaah?


Sa direksiyon ni Crisanto B. Aquino at produksiyon ng Regal Entertainment, ang pelikulang ito ay hindi lang basta rom-com — may halong mind-blowing na sci-fi twist na pang-international ang peg! 


Ang tanong, paano nga ba ikukuwento ang isang pag-ibig na konektado ng dalawang panahon? Oh, ‘di ba, parang blockbuster vibes na agad?


Kilalanin sina Karen (Francine Diaz) at Lex (Seth Fedelin), na magkaibang panahon ang ginagalawan—15 years apart, mga sis! 


Ang kanilang kakaibang koneksiyon ay nag-ugat sa isang mahiwagang kometa at isang mysterious dating app na parang AI (artificial intelligence) meets destiny. 


Pero teka, mga Mars, hindi ito simpleng swipe-swipe lang, ha! Habang sinusubukan nilang baguhin ang nakaraan para sa mas magandang kinabukasan, natutuklasan nilang ang bawat desisyon ay may kabuntot na consequences.


“Hindi ko masabi na s’ya ang future ko. Siguro, ang gusto kong sabihin ay — sana, s’ya ang future ko. Ang nasa isip ko, sana s’ya ang future ko,” ani Seth na talagang ramdam na ramdam ang hugot.


“Hindi ko naman po kasi hinahanap ang magiging future ko. Siguro kaysa sa sabihin kung natagpuan, mas masasabi ko na mas nararamdaman ko na parang s’ya na,” dagdag pa ni Francine. 


Oh, ‘di ba? Parang destiny unlocked!


Ayon naman kay Francine, hindi lang daw tungkol sa pag-iibigan ang pelikula. 

“Hindi kami nag-focus sa kung ano lang ang kilig na mayroon kami. Marami s’yang mata-tackle na story about sa family, sa sarili po, and of course sa special someone. Para po sa ‘kin, siguro, isa sa mga aabangan n’yo kami, mas mature version na, hindi na talaga s’ya para maglaro ng characters.”


Hindi maikakaila, mga Mare, na ang tambalan nina Francine at Seth ay on fire! Sa kanilang interviews, ramdam ang totoo. 


Sey pa ni Seth, “Masaya ako. Kuntento ako. At peace ako sa sarili ko, so baka nga... s’ya!” 

Dagdag pa niya, “Hindi kami nagmamadali, ‘di kami nakikipagkarera. Pinagtitibay namin ang pundasyon namin kasi gusto ko, marami pang taon ang pagsamahan namin.

Mamahalin ko ang babaeng ito,” sabay turo at tingin kay Francine, “kasi deserved n’yang mahalin s’ya.”


Oh, juz mio, sino ba naman ang hindi kikiligin sa ganitong sincerity, mga nini? 

Sagot naman ni Francine, “Ang gusto ko naman sa future ko ay ‘yung hindi masyadong romantic. Mas gusto ko ‘yung parang best friends kayo. Pareho n’yong ine-enjoy kung ano ang meron kayo together.”


Parang perfect combo, ‘di ba? Sila na ba talaga ang bagong power couple ng Gen Z?

Kung akala n'yo, pa-sweet lang ang pelikula, aba, nagkakamali kayo! Kasama rin sa cast ang mga bigating artista tulad nina Almira Muhlach, Christian Vasquez, Peewee O’Hara, Bodjie Pascua, Marcus Madrigal, Vance Larena, at Mosang. Siguradong dudurog ng puso at magpapatawa ang kanilang mga performance.


Kaya ano pa ang hinihintay n'yo? I-set na ang barkada goals ngayong Pasko at samahan si Karen at Lex sa kanilang kakaibang kuwento ng pag-ibig na konektado ng panahon na showing sa mga sinehan nationwide simula December 25, 2024. 


Huwag magpahuli sa kilig at feels na ito. Sana all, may future, mga besh!

‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #Talbog 




 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 5, 2024





Bagong pasabog sa showbizlandia ang pinag-uusapan ngayon. Ang kuwento? Masalimuot na chismis ng third party, screenshot-receipts, at mga broken hearts na kasingpait ng ampalaya. 


Ang bida sa issue? Si Maris Racal, ang dating jowa ni Rico Blanco, at ang aktor na si Anthony Jennings. 


Ang eksena? Isang ‘hot’ na kaganapan daw sa loob ng CR na ikinabunyag ni Social Media Marites-in-Chief, Xian Gaza!


Unang sumabog ang balita nang mag-post si Gaza sa kanyang Facebook (FB) at X (dating Twitter) account, kung saan isiniwalat niya ang diumano’y sinabi ni Maris, “Hindi na tumitigas kay Rico kasi matanda na kaya natukso ako, sorry po sa lahat ng nasaktan ko.” 


Shocking, ‘di ba? Ang hanash, nawalan na raw ng init ang relasyon ni Maris at ni Rico, kaya’t natukso ito kay Anthony. Naturalmente, kumulo ang kape ng mga fans, at bumaha ng comments online.


Ang drama, lalo pang lumala nang sumali sa eksena si Jam Villanueva, ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings. Sa kanyang Instagram (IG) story noong December 3, naglabas si Jam ng hinaing at mga resibo tungkol sa breakup nila ni Anthony. 


Aniya, “I’ve been trying to hold myself together through everything that’s been happening. But after hearing all the things being said about me—about my character, my intentions, and even my family—I can’t stay silent any longer.”


Napakahugot! Pero hindi rito natapos ang hanash ni ate gurl. Nag-share siya ng screenshots ng mga usapan nina Anthony at Maris, na naglalaman ng mga sweet exchanges at pasaring sa kanilang closeness. 


Isa pang nakakabiglang detalye? Isang text ni Maris na nagsasabing, “It was hot,” na tumutukoy diumano sa make-out session nila ni Anthony sa loob ng CR matapos ang isang party. Grabehan!


Sa kanyang post, ikinuwento ni Jam na dati niyang sinusuportahan ang pagkakaibigan nina Maris at Anthony, ngunit hindi nagtagal ay napansin niya ang mga red flags. 


“When Maris came into the picture, I was genuinely happy for you both... But betrayal like this cuts deep,” ani Jam. 


Dagdag pa niya, “I never imagined I’d have to let you go, but I did—so you could grow and find happiness on your own.” 


Ang sakit, besh!


Isa pang pasabog? May mga ‘sweet’ moments na nakunan sa camera. Isang larawan nina Maris at Anthony na kuha sa flight nila mula Italy papuntang Manila, kung saan tila naghahalikan ang dalawa. 


Ang mas masakit? Ito raw ay nangyari ilang araw lang matapos samahan ni Anthony si Jam sa ospital para sa MRI. Talk about backstabbing sa totoong buhay!


Sa gitna ng kontrobersiya, todo-deny pa rin sina Maris at Anthony na may “landi-landi” na nagaganap sa pagitan nila. #DenialGalore


Sa isang media conference para sa upcoming ABS-CBN series na Incognito, inamin ni Anthony na hiwalay na sila ni Jam dahil sa personal issues, pero iginiit na ang closeness nila ni Maris ay professional lamang. Si Maris naman, tila dedma lang at abala sa pag-promote ng kanyang mga proyekto.


Samantala, nananatiling lowkey si Rico pero lumalaban. Habang mainit ang eksena, nag-focus siya sa kanyang music career at tahimik na sinusuportahan ng mga fans ang kanyang bagong collab possibilities kasama ang viral singer na si Sofi Fermazi. Mukhang mas pinili ni Rico ang peace kaysa makipagbardagulan sa ex.


Hanggang ngayon, hati ang opinyon ng madlang pipol. May mga nagtatanggol kay Jam Villanueva, habang ang iba’y nananatiling Team Maris-Anthony. Sa kabila ng lahat, patuloy ang buhay-showbiz nina Maris at Anthony, lalo’t parehong bida sila sa Incognito. Pero sa dami ng chismis, siguradong magbubuntot pa rin ang mga intrigang ito sa kanilang career.


Ang tanong, totoo ba ang lahat ng ito, o gawa-gawa lang ng Marites universe? 

Abangan ang susunod na kabanata ng teleserye ng totoong buhay! 

‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #Talbog



 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 4, 2024





Kumuda ang King of Talk na si Boy Abunda at binasag ang katahimikan tungkol sa chismis na kinasasangkutan ng kanyang alaga, ang iconic comedienne na si Rufa Mae Quinto.


Ayon kay Tito Boy sa kanyang show na Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nu'ng Lunes, December 2, may warrant of arrest si Rufa Mae kaugnay ng diumano’y investment scam ng isang beauty clinic na kanyang ineendorso.


“I am alarmed as a member of this industry and as a manager,” sey ni Boy habang nagbigay ng matapang na komento tungkol sa responsibilidad ng mga endorsers sa kanilang ineendorso. 


Dagdag niya, hindi dapat basta-basta magtiwala sa kontrata nang hindi ito iniintindi nang bongga.


“Do I own the company? Am I liable kung, halimbawa, ‘di masyadong kagandahan? But I have so many questions,” dagdag ni Tito Boy, na parang nasa isang tell-all interview ang peg.


Ani Boy, ang lahat ng mga pangyayaring ito ay isang wake-up call para sa buong

showbizlandia, lalo na sa mga talents at mga managers. 


Bagama't klaro na hindi sila bahagi ng operasyon ng kumpanya, kailangan daw nilang masusing usisain kung ano ba talaga ang pinapasok nilang raket.


Samantala, una nang kinasuhan at inaresto ang dating aktres at businesswoman na si Neri Naig dahil sa parehong issue. Si Neri ay nadampot sa Pasay City kamakailan dahil sa diumano’y paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 o Securities Regulation Code. 


Bagama't tila magkahiwalay ang kaso nila ni Rufa Mae, ang dalawang personalidad ay parehong nadadawit sa iskandalong ito. Juicy, ‘di ba?


Sa kabila ng issue, hindi matatawaran ang comeback queen vibes ni Rufa Mae Quinto. Pagkatapos ng kanyang matagalang pamamalagi sa Amerika, ginulat niya ang madlang pipol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas. Bukod sa bagong bahay na ipinakita niya sa social media, napansin din ang kanyang pag-appear sa iba’t ibang political rallies, mula sa UniTeam hanggang sa rally ni Senator Manny Pacquiao. Talagang “booked and busy” si Madam kahit nasa gitna ng kontrobersiya.


Ang latest tea? Sa kanyang nakaraang trending na pagkanta, hindi maiwasang magtaka ang mga netizens kung bakit tila everywhere siya sa political scene. 


“Ganito pala ang pagiging Boobita Rose sa totoong buhay,” biro ng ilan sa social media.

Sa kabila ng gulo, mananatiling legendary si Rufa Mae bilang reyna ng punchlines at comedy. Sino ba naman ang makakalimot sa kanyang mga iconic roles tulad ng ‘Booba’ at ‘Boobita Rose’? 


Pero this time, mukhang kailangan niyang mag-channel ng superhero vibes para maharap ang bagong hamon sa kanyang buhay.


Sa pagtatapos ng episode ni Tito Boy, nilinaw niyang si Rufa Mae lang ang kanyang talent na direktang nadadawit sa isyung ito. Ngunit aniya, ang kaganapang ito ay isang pinapanood na teleserye-level na dapat tutukan ng industriya.


“Heto po 'yung aking nararamdaman kaya ‘di ko po napigilan na hindi magsalita,” pahayag ni Tito Boy, na tila may pasabog pang aasahan sa mga susunod na kabanata.


Kung ang drama sa buhay ni Rufa Mae ay may kasamang comedy, suspense, at reality, mukhang ito na ang pinaka-juicy na chapter. 


Tuloy ang laban, Rufa Mae Quinto — pak na pak ka pa rin! 


‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #Talbog

 
 
RECOMMENDED
bottom of page