top of page
Search

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 5, 2024




Nagpakabongga si dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson nang personal niyang sinorpresa ang pamilya Yulo sa pagbisita at pagtupad ng kanyang pangako na P1M sa kanila ngayong nalalapit na Pasko. 


Noong ika-3 ng Nobyembre, 2024, pinuntahan ni Chavit ang Yulo family para sa isang pribadong meeting at ibinigay ang promised na ayuda.

Present sa meet-up sina Mark Andrew, Angelica, Joriel, Eldrew at Eliza Yulo, na sobrang natutuwa sa generosity ni Chavit. 


According kay Singson, ramdam niya ang bigat ng sakripisyo ng pamilya Yulo sa pagdala ng dangal sa bansa ni Carlos sa larangan ng gymnastics, kaya naman gusto niya silang tulungan at i-appreciate.


Pero teka, hindi pa riyan nagtatapos ang paandar ni Chavit. May tsika pang nananatiling bukas ang P5M offer niya sa kanilang pambatong gymnast, ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. 


Pero ayon kay Chavit, ang P5M offer ay hindi lang basta para sa ginto ni Carlos kundi para magsilbing bridge para sa ‘pagsasama-sama ng pamilya’.


“Para lang magsama-sama silang mag-pamilya, magbibigay ako ng P5M. Hindi [dahil] sa panalo n’yang gold sa [Olympics], more on sa pamilya,” ani Chavit. 


“Kasi nararamdaman ko ‘yung… Masakit sa ama na aawayin ka ng anak mo at ‘di man lang sila inimbita,” dagdag pa niya.


However, mukhang dedma pa rin si Carlos sa paandar ni Chavit. Siguro, dahil daan-daang milyon na rin naman ang nakuhang salapi ni Carlos mula sa mga pabuya sa kanya ng kung sinu-sinong personalidad at kumpanya. 


Hindi nga ito nagbibigay ng sagot sa alok ng dating gobernador. Dito na pumasok ang mga opinyon ng mga netizens – na ayon sa ilan, wala raw effect sa atleta ang P5M offer ni Singson dahil “kakarampot” ito compared sa mahigit P100M na naiuwi na ni Carlos mula sa iba’t ibang rewards mula sa mga individuals at companies.


Sa kabila ng lahat, umaasa pa rin si Chavit na balang-araw ay magkausap si Carlos at ang kanyang pamilya. 


Nag-iwan ng intrigue ang statement na ito, lalo na’t marami ang nakabantay sa susunod na galaw ni Carlos.


Abangers ang madlang pipol kung bibigay nga ba ang national gymnast sa matinding offer ni Chavit. 


Matunaw na kaya ang puso ng sikat na atleta o dedma pa rin siya kahit ilang milyon ang nakataya? 


Gawin mo kayang P10M, Governor Chavit, baka sakaling may effect na kay Caloy. Charennnggg! (laughing emoji). #MilyonaryaAngLolaMo


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 4, 2024




Isang hindi inaasahang ganap ang nasaksihan kamakailan sa Ocampo, Camarines Sur, sa tahimik at makabagbag-damdaming pagbisita ng pamilya ni Kyline Alcantara sa puntod ng kanyang mga yumaong lolo’t lola. Kasama ng Kapuso actress ang kanyang “jowa bells” na si Kobe Paras. 


Taimtim na nagdarasal ang pamilya nang biglang sumulpot ang isang masigasig na fan — na may edad na, ha — para mag-selfie kasama sila.


Napatingin na lang si Kobe, and with one sharp look, sinopla niya agad ang fan na tila “kapit-tuko” ang hawak sa cellphone at determined na kunin ang moment na iyon kahit sosyal pa ang setting. 


Agad na lumapit si Kobe at sinabihan ito nang mahinahon, pero klaro ang mensahe - hindi ito ang tamang oras at lugar para mag-selfie. 


Napatigil ang fan, at kahit parang kinapitan ng kaba, umalis na lang ito nang makitang seryoso ang kanyang iniidolo.


At sino nga ba naman ang hindi aatras kapag ang poging si Kobe Paras na ang nagsasabi, ‘di ba?


Tama lang naman, ‘teh, ‘di ba? Sa ganitong klaseng setting kung saan abala ang pamilya ni Kyline sa paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay, medyo out-of-place talaga ang ganu’ng klaseng request. May resibo naman tayo na generous at approachable si Kobe sa mga fans sa ibang pagkakataon. 


In fairness, hindi naman ito madamot sa photo-ops, game na game nga kapag nasa tamang mood at lugar. Pero time and place lang talaga, at tila minalas ang fan sa eksenang iyon dahil nakalapit man, hindi nakakuha ng selfie.


Sa kabila ng mini-drama na iyon, naitawid pa rin ang trip ng pamilya ni Kyline. Ayon sa malalapit sa aktres, bihirang makadalaw ang pamilya sa puntod ng yumaong ama’t ina ni Mommy Weng, kaya espesyal talaga ang pagpunta nilang ito. 


Sa gitna ng hectic schedule ni Kyline sa showbiz, siniguro nilang makadalaw sila sa kanilang mga mahal sa buhay na pumanaw, at tahimik nilang naipagdasal ang kaluluwa ng mga ito.


At talaga namang #Talbog ang ganap! Kahit may pa-eksena ang fan, ipinakita pa rin nina Kyline at Kobe ang respeto at pagmamahal sa pamilya. Ito ang mga tipong ganap na nagpapatibay sa relasyon ng dalawa — hindi lang sa isa’t isa kundi pati sa kanilang mga pamilya. Parang sine nga, besh, may plot twist na, may moral lesson pa sa dulo.




Isang epic na musical showdown ang magaganap sa The Theatre at Solaire ngayong Nobyembre 9, 8 PM! 


First time kasing magsasama sa entablado ang dalawang OPM legends — ang Original Queen of Soul ng Pilipinas na si Ella May Saison at ang South Border frontman na si Jay Durias. 

Isang concert na puno ng kilig, hugot at feels ang hatid nila sa Soundtrip Sessions Volume 3 (SSV3), presented by Dragon Arc Events Management.


Isa ito sa mga collaborations na walang katulad. 


Kung fan ka ng mga classic OPM hits, best in pak na pak ang concert na ito! Kakaibang magic ang dala ni Jay Durias at ng South Border, na tutugtugin ang mga hugot hits nila tulad ng Love of My Life, Kahit Kailan at Habang Atin Ang Gabi


Sey nga ni Jay, “First time naming magkasama sa stage with Ella May, kaya bagong timpla ito.” 


Get ready for a night of nostalgia na sesentro sa love and music!


Walang duda na si Ella May Saison ang Reyna ng hugot songs at soul music back in the ‘90s.


Si Ella May ang peg mo kung “hugot pero classy” ang vibe na hanap mo. Sino ba naman ang hindi nag-breakdown sa kanyang songs na Till My Heartaches End at If The Feeling Is Gone


Extra special pa ang gabi dahil kasama niyang magpe-perform ang kanyang siblings na sina Elke Saison-Ortiz at Elhmir Saison—isang family affair na puno ng puso!


Si Jay naman, bilang maestro ng South Border ay patuloy na nagse-serve ng lutong OPM hits sa bawat performance niya, kaya walang kupas ang mga kantang tumawid na sa iba’t ibang generation. With his passion for music, siguradong ramdam ng audience ang bawat lyrics at nota ng bawat kanta nila sa concert. 


Mula 2019, Soundtrip Sessions ang naging tambayan ng mga fans ng classic OPM. Ngayong Volume 3, ibang level na ang aabutin ng series dahil sa pag-collab nina Ella May at Jay.


Huwag nang magpahuli, mga ateng! Grab your tickets. Feel na feel ang vibe ng ‘80s at ‘90s—isang gabing siguradong ikakakabog ng puso mo!


Tara na, mga besh! Samahan sina Ella May Saison at Jay Durias sa isang concert na certified pampabaliw. 



 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Oct. 31, 2024




Mga bes, sobrang inspiring pala ng buhay ni April 'Boy' Regino, hindi lang basta simpleng kuwento ng musika, ultimate teleserye sa level ng sakripisyo, love, at dreams na walang katapusan.


From batang naglalako ng paninda hanggang maging isa sa pinaka-iconic na OPM idols, pinush nang bongga ni April Boy ang lahat para maiangat ang pamilya sa hirap. Pero wait, hindi lang sa family umiikot ang buhay niya, ang forever love story nila ni Madelyn, grabe, solid #RelationshipGoals!


Para matupad ang pangarap, kumaripas si 'koya' papuntang Japan para mag-ipon. Kahit LDR sila ni Madelyn, tiwala at love pa rin ang peg! Pagbalik sa 'Pinas, kasama ang mga utol niyang sina Vingo at Jimmy, nabuo ang April Boys at kilig to the max ang mga fans sa kanilang mga kanta! 


Pero besh, hindi fairytale ang fame. Natikman din nila ang tuksu-tukso at landi sa paligid, kaya biglang nabuwag ang grupo. 


Trayduran? Chos! Hindi naman ganu'n, pero ganern ang ending — disbanded.

After ng April Boys, nag-try mag-solo si April Boy, pero ang daming record labels na dumedma sa kanya. Ouch, right? 


Pero hindi siya bumitiw! Bitbit ang pangarap at determinasyon, isinulat niya ang Umiiyak Ang Puso. Sumikat ang kanta at naging certified hugot anthem ng mga paasa at pa-fall! Sino ba naman ang hindi naloka at napa-emote sa kanta niyang ito?


Pero ‘wag ka, hindi lang tagumpay ang drama ni April Boy. Biglang binayo siya ng sunud-sunod na tragedies. Namatay ang tatay niya sa mismong panahon ng Pasko at binugbog siya ng health issues na nagdulot ng pagkabulag niya. 


Here’s the tea — matigas daw talaga ang ulo ni 'koya'! Kahit ipinagbabawal na ng LAHAT ng doktor niya ang pag-inom ng alak, tuloy pa rin siya. Dahil dito, lalong lumala ang kalagayan niya, naging iritable at bugnutin sa bawat araw na dumadaan. Kumbaga, from “idol ng masa” to “idol na maldita,” ganern ang peg niya sa mga panahong hirap na hirap siya sa pag-intindi kung bakit hindi siya gumagaling sa kanyang sakit.


Buti na lang, hindi bumitaw si Madelyn kahit gaano ka-toxic ang sitwasyon. Literal siyang naging caregiver ni April Boy. Kahit na bugnutin at minsan, eh, “beast mode” si April Boy dahil sa kanyang kondisyon, all-out pa rin ang suporta ni wifey. Ito 'yung klase ng pagmamahal na walang halong charot, ‘yung kahit mahirap, laban lang!


Sa kabila ng lahat ng pain at pasakit, bumangon si April Boy at nagtiwala sa Diyos. Natutunan niyang bitawan ang mga negatibong emosyon at ipasa-Diyos ang lahat. 


Ang pelikulang IDOL: The April ‘Boy’ Regino Story sa direksiyon ni Efren Reyes, Jr. ay nagpakita ng bigat ng kanyang buhay at love story. 


Swak na swak ang pagganap ni John Arcenas bilang April Boy at Kate Yalung bilang Madelyn, dama mo ang chemistry nila! Pati sina Tanya Gomez at Dindo Arroyo, hindi nagpahuli sa pag-deliver ng emosyon. 


Mga bes, kung hanap n'yo ay teleserye vibes with real-life struggles, ito na ‘yun! Hugot to the max at siguradong mapapaiyak at mai-in love kayo. 


Si April Boy ay living proof na kahit gaano kahirap ang buhay, walang imposible basta may love, faith, at siyempre, konting charot sa tabi. #LabanLang #WalangCharot  #Talbog



Palit kina Yassi at Heaven…

JULIE ANNE, BAGONG CALENDAR GIRL NG ALAK



BONGGANG-BONGGA ang pagpasok ni Julie Anne San Jose bilang bagong Calendar Girl ng Barangay Ginebra San Miguel para sa 2025! 


Sa engrandeng event sa Diamond Hotel, opisyal siyang ipinakilala sa publiko, at mukhang handa na siyang ipakita ang fierceness at sexiness na hindi pa natin nakikita mula sa kanya.


Hindi maiiwasang ikumpara si Julie Anne sa mga naunang Calendar Girls ng Ginebra. Si Heaven Peralejo na 2024 Calendar Girl, at Yassi Pressman noong 2023, ay parehong nagdala ng kanilang sariling charm at pasabog sa iconic calendar na ito. 


Pero, Marites alert! Balitang si Yassi ay naging second choice lamang dati dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan nina AJ Raval at Aljur Abrenica. Kaya ngayon, ang tanong, si Julie Anne na nga ba ang ultimate it girl na tatalbugan silang lahat?


Ang timing ay talaga namang perfect, mga bes! Noong Agosto, si Julie Anne rin ang napiling muse ng Barangay Ginebra San Miguel para sa Season 49 ng PBA. Sa naturang event, nag-escort pa sa kanya ang napaka-dashing na si Alfrancis Chua. 


Mukhang tuluy-tuloy na ang pag-level-up ni Julie Anne sa kanyang karera, mula sa pagiging multi-talented performer hanggang sa pagiging muse at Calendar Girl. 

Eh, ano pa nga ba ang sunod? Baka magpa-sexy na rin siya, mga sis!


Teka, okay lang kaya ito sa boyfriend niyang si Rayver Cruz?

Abangan na lang natin kung ano pa ang mga pasabog ni Julie Anne sa mga susunod na buwan. 




 
 
RECOMMENDED
bottom of page