top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | May 26, 2025



Photo: John Pratts - IG


Star-studded ang renewal of vows nina John Prats at Isabel Oli para sa kanilang 10th wedding anniversary. Naroroon sina Coco Martin, Julia Montes, Gerald Anderson, Sam Milby, TJ Monterde, KZ Tandingan, Yeng Constantino, Jake Cuenca at Raymart Santiago, among others.


Si Nikka Martinez-Garcia, ang wife ni Patrick Garcia, ay nag-share ng snaps mula sa wedding sa kanyang social media at nilakipan ito ng heartfelt message para sa mag-asawa.


Aniya, “Happy 10th year anniversary to our dearest @isabeloliprats and @johnprats. Truly… love looks pretty on you both!!! What a blessing it is to see firsthand how resilient, enduring, thriving your love for each other has become! Continue to put a smile on the Lord’s face! Know that we love you both and we will always be here for you and your beautiful family!”

Ang wife ng vice-mayor ng Quezon City na si VM Gian Sotto na si Joy Woolbright-Sotto, nagpadala rin ng mensahe sa mag-asawa. 


Aniya, “What a joy and blessing to have seen how God wrote your love story. Hearing about your courtship and unique proposal, to building a family and going through the ups and downs in between, it’s just amazing how HIS faithfulness keeps unfolding in your lives.

“We are excited for even greater things in store. And lastly, we are more than grateful that we are able to journey life, marriage and friendship with you both. Praise God!!! We love you guys!!! #LivInTheMomentWithJohn.”


Nag-post naman ng behind-the-scenes photos ang sister ni John na si Camille Prats, kung saan ginanap ang celebration sa Nayomi Sanctuary Resort, Batangas. 


“Snaps from the fun weekend we’ve had at @nayomiresort celebrating 10 years of marriage of Kuya and Ach #livinthemomentwithjohn,” ang caption ni Camille.


Nagbahagi rin ng kuhang video si Michael De Mesa, na nakatrabaho ng groom sa FPJ’s Ang Probinsyano (AP)


“Happy 10th anniversary, @johnprats and @isabeloliprats. So happy to witness how your love has grown, and how you’ve continued to choose each other, nurturing and protecting your marriage through every season. 


“Praying that God continues to bless your union with grace, joy, and strength for the years ahead. Here’s to a love that reflects Him. We love you guys! #livinthemomentwithjohn,” pagbati ng beteranong aktor.


Present din ang mga kasamahan ng aktor sa kanyang wedding, ang Drama Moto Club brothers niyang sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Cuenca, at Marc Solis.


“Super inspiring to witness John and Liv’s renewal of vows. What a beautiful celebration of God’s love. Blessed and glad to have been part of this moment. Happy 10th anniversary! Love you guys @johnprats @isabeloliprats#LveIntheMomentWithJohn,” ani Marc.


May napuna naman ang mga netizens sa mga larawan at videos na lumabas. Anila, bakit hindi raw kasama ni Gerald sa wedding ang girlfriend niyang si Julia Barretto? Hindi raw ba close ang aktres sa mga kaibigan ng aktor?

Anyway, whatever it is, masaya ang renewal of vows ng celebrity couple.



NABABAHALA si Anne Curtis sa diumano’y pagkakalbo ng Sierra Madre. 

Isang netizen ang nag-post ng umano'y deforestation image sa Sierra Madre na agad naging viral at kinomentuhan ni Anne.


Ayon sa netizen, may mining operation umano sa Dinapigue, Isabela na pinayagan ng lokal na pamahalaan sa loob ng 25 taon. 


Ani ng aktres, “I truly hope this isn’t real!”


Nagpakita ng pag-aalala ang TV host-actress at nagtanong kung totoo ang isyu dahil sa papel ng Sierra Madre sa pagprotekta mula sa bagyo.


Kinumpirma ng mga opisyal na may permit ang operasyon ngunit tinutulan pa rin ito ng mga environmental advocates. Isa itong isyu na ikinagulat at ikinabahala rin ng maraming netizens, lalo’t alam ng nakararami ang malaking papel ng Sierra Madre sa pagsalo ng bagyo at pagbawas ng pinsala nito sa Luzon.


Ani Anne, “Good morning! Is this real? Can anyone confirm this? This is quite concerning. I remember people saying #SierraMadre played a huge role in breaking typhoons' strength before it hit the cities. I truly hope this isn't real!!!!”


Ang post ay naglalaman din ng matinding tanong mula sa mga netizens:

“ANO’NG PINAGGAGAWA N’YO SA #SIERRAMADRE?! Talagang pinayagan sila ng Mayor ng Dinapigue, Isabela to do a 25-year contract mining operation? Para saan?”


Ayon sa ulat, nakita sa Google Maps ang aerial image ng clearing sa kagubatan ng Dinapigue, isang malayong bayan sa Isabela.


Kinumpirma ng ilang opisyal na ito ay may kaugnayan sa operasyon ng Dinapigue Mining Corporation, na may 25-taong kontrata at permit mula sa national government.


Ipinaliwanag ng mga kinatawan ng MGB (Mines and Geosciences Bureau) na ang operasyon ay legal, dokumentado, at aprubado. Giit naman ng ilang environmental advocates, ang legalidad ng operasyon ay hindi sapat na dahilan upang isantabi ang environmental impact, lalo na sa kagubatang matagal nang itinuturing na “natural shield” ng bansa tuwing may bagyo.


Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang The Department of Environment and Natural Resources (DENR) tungkol sa issue.


Subali’t sa social media, patuloy ang panawagan ng mga netizen at celebrities tulad ni Anne para sa mas malalim na pagsusuri at aksiyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page