top of page
Search

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 17, 2024





Mainit na usapan ngayon sa showbiz at social media ang pagsabog ng kontrobersiyal na isyu tungkol sa diumano’y pagkakadawit nina Anthony Jennings at Maris Racal sa high-end na drug suppliers na kumakalat sa mundo ng mga celebrities. 


Ang lahat ng ito’y nagsimula nang maglabas ng screenshots ang girlfriend ni Jennings na si Jam Villanueva, na may mga diumano’y usapan ang aktor sa isang supplier. 


Bagama’t blurred ang ilang detalye sa screenshots tulad ng contact number ng supplier, may mga tanong na nagsisimulang sumiklab sa publiko.


“Smoke Then F**k”– ito ang matapang na statement na tumatak sa screenshots na ibinahagi ni Villanueva. 


Marami ang naniniwalang tumutukoy ito sa paggamit ng bawal na gamot. Dahil dito, kumpirmado nang iniimbestigahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isyu at humihingi ng unedited screenshots mula kay Villanueva para malinawan ang buong kuwento. 


Plano rin nilang imbitahan para sa questioning sina Villanueva, Jennings at Racal.

Actually, hindi lang PDEA ang nakatutok sa isyu, sumali na rin sa eksena ang Senado. Sina Senator Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Jr., Risa Hontiveros at Ronald “Bato” dela Rosa ay nagkakaisa sa panawagang linisin ang entertainment industry mula sa masamang impluwensiya ng illegal drugs.


Ani Estrada, “We need to ensure that our artists and workers in the entertainment industry are protected from these dangerous influences.”


Nagbigay din ng pahayag si Dela Rosa na Chairman ng Senate Committee on Illegal Drugs, “This investigation aims to reveal the identities of those enabling these illegal activities. We will not allow this issue to grow further.” 


Dahil dito, inaasahang ipapatawag sina Racal, Jennings at Villanueva sa Senate hearing upang mailahad ang kanilang mga salaysay.


Habang kabi-kabila ang reaksiyon ng madlang pipol, marami ang nagtatanong — bakit nga ba biglang naglabas ng screenshots si Jam Villanueva? Para ba ito sa hustisya o para sa clout? 


Ang iba, naniniwalang eksena lang ito. Pero ang iba’y sinasabing isa itong matapang na hakbang para mabuksan ang mata ng showbiz sa tumitinding problema ng droga.


Ayon sa mga kritiko, hindi na bago ang ganitong isyu sa industriya. Marami nang artista ang nasangkot sa illegal drugs noong mga nakaraang administrasyon. Ngunit tila mas sophisticated na ngayon ang galawan ng mga sindikato, na umano’y target ang mga high-profile personalities.


Abangan ang Senate hearing na inaasahang magiging juicy at pasabog! Magdadala kaya ito ng hustisya o lalo lang nitong paiinitin ang isyu? 


Isa lang ang sigurado, hindi pa ito ang ending, besh! 

‘Yun na! Ambooolancia!  #ChairmanNgChikahan #MaritesInChief #Talbog



PASILIP, mga ateng! Sa paggunita ng ika-50 anibersaryo ng Metro Manila Film Festival, isang malupit na entry ang pumasok at siguradong magiging usap-usapan — ang Isang

Himala (IH), ang reimagined na musical adaptation ng iconic 1982 film na Himala


Yes, ang kuwento ni Elsa na bumago sa pananaw ng madlang pipol tungkol sa pananampalataya, himala at hysteria ay muling magbabalik sa pinilakang tabing ngayong Pasko!


Bida sa pelikula si Aicelle Santos bilang Elsa, ang faith healer na nagkaroon ng 'vision' mula sa Birheng Maria, na nakabit sa iba’t ibang kontrobersiya sa kanilang maliit na baryo. 


Ang pelikula ay mula sa direksiyon ni Pepe Diokno — oo, siya rin ang nanalong Best Director para sa Gomburza noong nakaraang taon. 


Isa raw sa mga na-hook sa pagtatanghal ay si Pepe Diokno mismo, kaya nang nagkaroon siya ng chance, siya na mismo ang nagdala ng musical sa big screen. Tarush, ‘di ba?


“First and foremost, it is a musical. A tried and tested one at that, that has won numerous awards and accolades from critics and peers,” sabi ni Bituin Escalante, na gumaganap bilang Aling Saling, ang ina-inahan ni Elsa. Peksman, she nailed this role sa stage version ng 2018, at ngayon, dala-dala niya ang husay sa pelikula.


Sey ni Bituin, “I play Nanay Saling, the woman who takes in the abandoned/orphaned Elsa. I was fortunate enough to be offered the role. There was not much difference in my portrayal. There were some added scenes but not much was changed.”


Hayan mga ‘teh, wala raw masyadong nagbago sa kanyang pagganap, pero dahil pelikula ito, asahan natin ang mas cinematic na feels! 


‘Ika nga niya, “With a role like this, it’s about finding the right voice for her. Character informs how she speaks, and everything follows from there.” 


Pagdating naman kay Diokno, dagdag ni Bituin, “He is a truly collaborative director. He had tremendous respect for Ricky Lee’s story and Vincent de Jesus’ music, and also for the way we had interpreted it. I cannot wait to see his touch and how it will become his, as much as we have all made Himala our own.”


Ang kasaysayan at ang pamana ng Himala ay never naglaho o nawala.

Nandiyan ang tatak ni Ricky Lee, ang National Artist for Film and Broadcast Arts na siyang sumulat ng screenplay ng orihinal na pelikula ni Ishmael Bernal noong 1982, at siya ring nag-adapt nito sa musical. 


Samahan mo pa ng musika ni Vincent de Jesus, at tumataginting na cast kabilang sina David Ezra, Kakki Teodoro, Vic Robinson, Neomi Gonzales, Floyd Tena, at ang shining star at super love ko na si Bituin Escalante.


Sa totoo lang, kailangan bang maniwala sa mga himala para mahalin ang kuwento ni Elsa? O sapat na bang ma-realize natin kung paano nito hinuhubog ang psyche ng Pinoy?


“I only hope that it resonates with the moviegoing public,” dagdag ni Escalante. 

At sa usapin kung handa na ba tayong harapin ang mga tanong sa ating paniniwala? 


Well, ang sagot ay sa sinehan matatagpuan. Ano pa’ng hinihintay n’yo, mga Ka-BULGARians? Kitakits sa December 25, ha! Let's G na sa IH

‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #Talbog


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 15, 2024





Nagpasilip ng kakaibang routine sa vlog ni Vice Ganda ang SB19 member na si Stell Ajero.  Tuwang-tuwa ang mga netizens dahil ibinunyag ng SB19 ang ilang nakakatuwang detalye tungkol sa kanilang mga quirky habits, lalo na si Stell. Hindi lang basta-basta paghahanda at pagpapaganda ang nangyari, kundi pati na rin mga wacky revelations na nagpatawa sa buong online community.


Sa vlog na ito, binigyan ni Vice Ganda ng katuwaan ang mga miyembro ng SB19 habang binanggit ang kanilang hit song na Mapa, na siya ring official soundtrack ng upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 film niya, ang And The Breadwinner Is (ATBWI). 


Bilang parte ng promo, may mga bread-themed surprises si Vice para sa grupo, kaya pati si Stell at ang kanyang mga kasamahan, napa-‘oooh’ sa bawat twist ng vlog.

Pero ang pinaka-spotlight ay napunta kay Stell, nang magpahayag si Justin ng isang nakakatuwang linya, “Suspect, suspect. Pogi pero tatlong oras mag-ayos.” 


Ang curious na si Vice, nagtanong agad, “Ba’t ang tagal mong mag-ayos? Buhok ka lang naman saka kilay lang naman inaayos n’yo.”


Si Stell, hindi nagpahuli, at inamin niyang, “Matagal po akong maligo.” 

Ayon pa kay Stell, inaabot siya ng isang oras at kalahati sa loob ng CR — kaya hindi nakaligtas sa mga biro ni Vice. 


“Ba’t ang tagal? Gaano ka kadumi at may binabayo ba?” tanong ni Vice kaya tawanan ang buong grupo.


Hindi nakaligtas sa grupo ang mga sarkastikong tanong ni Vice, kaya't nagpatuloy pa ang harutan. 


“Iba ‘yung ‘matagal po ako sa banyo’ sa ‘matagal akong maligo.’ Ba’t ka matagal sa banyo?” hirit pa ni Vice na lalong pinatindi ang laughter ng mga kasamahan ni Stell.

Habang nagsisimula na ang lahat na magtawanan, hindi na napigilan ni Stell ang sarili. 


Sagot niya, “Matagal po ako talaga maligo. Marami po akong ginagawa.” 

Lalo pang pinagkaguluhan ng SB19 ang kanyang sagot, kaya’t pumutok ang mga wild guesses mula kina Felip at Pablo. 


Felip jokingly said, “Nagbe-breakdance,” habang si Pablo naman, sinabayan ng exaggerated na paggalaw, “Nagpa-practice ng sayaw.”


Masyadong nakakaaliw ang dynamics ng SB19 — puno ng pagpapatawa at pagkakaroon ng self-awareness. Makikita sa kanilang interaction kung gaano sila ka-close at hindi sila natatakot na magsalita ng mga nakakatuwang bagay kahit sa harap ng maraming tao. Kaya naman, lalo silang minamahal ng kanilang mga fans.

 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 13, 2024





Walang kaabug-abog, mga Ka-BULGARians, nag-ingay ang showbizlandia sa balitang nag-lunch meeting kamakailan sina Toni Gonzaga, Direk Paul Soriano at ang ever-iconic Charo Santos-Concio. 


Ang siste? Galing daw ito sa isang napaka-reliable na source na never daw kumuryente — kaya kapit na!


Bago pa ang lunch na ‘yan ang chika na nagkasalubong daw sina Toni at ABS-CBN President Carlo Katigbak sa isang lugar. Chika pa ng source, mukhang bet na bet pa rin ni Sir Carlo si Toni na tila forever golden girl ng Kapamilya Network. Kaya raw nang marinig ni Sir Carlo na may paandar si Ma’am Charo para kay Toni, siya mismo ang nag-abot ng mensahe.


Siyempre, bilang respeto sa ninang nilang mag-asawa, at sa utang na loob sa dating tahanan niya sa industriya, naganap ang lunch meeting na ito.

Isa itong lunch meeting pero may bigating agenda?! 


Sa Instagram (IG) post ni Ma’am Charo, ka-chika niya ang mag-asawa na sina Toni at Direk Paul, na may caption na: “Catch up lunch with my inaanak @celestingonzaga and Direk Paul.” 


Taray, ‘di ba? Pero bago raw ito ay ini-reveal sa madlang pipol na humingi pa ng permiso si Ma’am Charo kay Toni. Grabe the respect! 


Si Toni naman, sagot with matching heart emoji pa, “Missed you, Ma’am Charo Santos! Great meeting and lunch with you.”


Eto na ang bombshell, mga nini! Napag-usapan daw during lunch ang balik-telebisyon ni Toni via a comeback ng legendary Maalaala Mo Kaya (MMK). 


At hindi lang ‘yan, rumors are flying na baka ilagay siya ulit sa ASAP, bigyan ng bonggang pelikula sa Star Cinema, at baka pati iba pang shows. 


Siyempre, all these need the stamp of approval mula sa manager-for-life ni Toni, ang “mommy goals” na si Mommy Pinty Gonzaga.


Sa totoo lang, si Toni Gonzaga ang “It Girl” ng ABS-CBN, aminin man ‘yan ng mga inggiterang palaka o hindi. 


Ang mga nega vibes na nagsasabing si Toni raw ang nag-initiate ng meeting? Fake news, mga ateng! Ang totoo, si Ma’am Charo mismo ang nag-request na makipagkita kay Toni for this possible collaboration. 


Hindi rin totoong nag-a-apply si Toni sa ABS-CBN. Hello, thriving ang Toni Talks niya sa YouTube (YT) na may 7.54 million subscribers. Add to that, kaliwa’t kanan pa rin ang endorsements niya, gaya ng baby diaper na may billboard pang pasabog sa EDSA.


Ang tanong ngayon, tatanggapin ba ni Toni ang mga bonggang alok ng Kapamilya Network? Abangan na lang natin ang mga susunod na kaganapan sa issue na ito. Pero kung totoo ngang bumalik si Toni sa ABS-CBN, sure akong kilig to the max ang kanyang mga fans. Stay tuned, mga beshy wapz!


Samantala, waging-wagi rin pala si idol Toni Gonzaga as Best Actress sa recently concluded Ima Wa Ima Asian International Film Festival 2024 sa Japan. Napanalunan niya ang award for Dramatic Role Full-length Category para sa pelikulang My Sassy Girl (MSG). 


Ilang aktres din ang pinataob ni Toni mula sa iba't ibang Asian countries. Bonggacious ka talaga, Toni Gonzaga! 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page