top of page
Search

Todo-basbas sa close na opisyal para maging “boss”, sa kumpas din niya napalayas ang dramatikong mambabatas

@Kabit-Kabitz | October 18, 2020



Nakakalerky, mga bes! Hindi natin kineri ang mga ganap this week. Daig pa ng teleserye ang mga pangyayari. Pero don’t worry, andito ang inyong resident chikadora para ihatid sa inyo ang pinakamaiinit at kaabang-abang na chika sa ating mga bida ngayong linggo.


The Queenmaker. Muli na naman nagpamalas ng powers si THE QUEENMAKER nang matsugi sa puwesto ang lider ng mga chubabells kamakailan. Maiinit ang warla sa sinetch ang dapat mamuno sa kanila. Pero ginulat nalang ni madam nang bigyan nito ng basbas ang isang chubabell na mamuno. Matatandaang nangyari na ito at nang dahil sa basbas niya ay tanggal din sa puwesto ang ka-warla nito. In fairness, power!


Kapit Tuko. Ang lider na natsugi sa puwesto nang dahil sa basbas ni THE QUEENMAKER ay walang iba kundi si KAPIT TUKO. Mukhang walang tatalo sa kakapalan ng fez niya na kahit isinusuka siya ng kanyang mga kasamahan ay kapit na kapit pa rin ito sa puwesto. Wow, height ang ilusyon. Ambisyoso masyado pero ang ending hanggang iyak na lang dahil iba ang nagwagi.



Harrieta Taklesa. Tila iwas-pusoy naman ang mga komento ni HARRIETA TAKLESA sa awayan na trending last week. Shocked ang karamihan dahil sa pagtikom ng bibig ng daldalerong friendship ng mga dolphins na kamakailan ay nag-viral na naman sa social media dahil sa mga patawang litrato nitong nag-i-invite sa mga utaw na magbakasyon sa dagat. Sey niya na kebs nalang ito sa mga litrato dahil bet na bet nitong maging paboritong katatawanan ng mga netizens. Sikat!


Babaitang Lugaw. Paboritong topic naman ng Palasyo, lalo na si HARRIETA TAKLESA ang pang-ookray kay BABAITANG LUGAW. Kasi naman si ate girl, andaming kuda. Masyadong pabibo sa mga pa-presscon, eh, puro daldal lang naman. But wait, there’s more! Mahilig din manggaya ang babaitang itey. Kamakailan ay nakipagpulong ito sa mga jeepney drivers ilang araw matapos makausap ng mambabatas ang mga ito. Kaunting originality naman d’yan, teh?


Byuting Artista. Aminado na faney ni BYUTING ARTISTA si BABAITANG LUGAW at ang kanyang mga junakis. In fairness, mahusay talagang umarte ang sikat na aktres. Katunayan sa sobrang galing umarte ay pati sa pag-amin sa kanyang love life ay umaarte pa rin. Matagal nang nababalitang may bago na siyang jowa pero tila ang palabas nito ay single siya. ‘Kakaloka! Hindi naman shonget ang jowa nito kaya marami ang nagtataka kung bakit todo-deny siya sa kanyang bagong pag-ibig. Don’t tell a lie, mamshie, aminin!


Angelita Walang Pangga. Kung tila suwerte na si BYUTING ARTISTA sa kanyang buhay-pag-ibig ay iba naman ang kapalaran ng kanyang friendship na si ANGELITA WALANG PANGGA. Matagal na kasi ang huling relasyon nitong si bes at matapos nito ay mailap na ang pag-ibig sa kanya. Asado ito na magkakabalikan sila ng kanyang childhood sweetheart pero sa kasamaang-palad ay ginamit lang pala ang aktres upang sumikat ulit ang dating jowang aktor. Kawawa ka naman bes. Kaya naku, mga mars, ipagdasal na nating magkajowa na siya at mukhang napapag-iwanan na ng panahon.


Mr. No More Chance. Ang huling jowa ni ANGELITA WALANG PANGGA ay walang iba kundi ang aktor na si MR. NO MORE CHANCE. Nagulat ang madlang pipol nang bigla nalang inansunsiyo na split na ang dalawa at may ipinalit nang iba ang aktor. Hanep, parang nagpapalit lang ng damit kung makapagpalit ng jowa! May junakis na ngayon ang aktor pero sa kasamaang-palad ay split na rin sila ng mudra ng bagets. Ang chika ay hindi na raw kinaya ng girl ang kabaliwan ng aktor at pinayuhan na rin ng kanyang magulang at kaibigan na makipaghiwalay na rito. Sa ngayon ay nasa Queen City of the South na ang aktor at nachichismis din na may bagong ng jowa. Mukhang waley na talagang pag-asa na magkabalikan ang aktor at ang mudra ng bagets. Goodbye na raw!


Sexy Momma. Ang mudra ng junakis ni MR. NO MORE CHANCE ay walang iba kundi si SEXY MOMMA na pinapantasya ng kalalakihan. Kahit may junakis na ito ay talagang sexy pa rin ang katawan. Panay ang workout at diet ni mamshie kaya naman, achieve na achieve ang kanyang sexy body! Aminado naman ito noon sa isang interbyu na shokot siyang jumubis kaya todo ang pag-maintain ng katawan. Kahit walang disiplina sa kabaliwan si mamshie ay sobra naman ang disiplina sa pag-je-jeta. Winner ka, mamsh! Idol!


Basket Bolero. Maraming naging bufra si SEXY MOMMA at isa na rito si BASKET BOLERO na tinawag niyang pinakamalabong bufra ever. Sinabi ng aktres na anim na buwan tumagal ang kanilang relasyon, at hindi na rin sila nauusap. Malabo nga ‘yan! Anyway, happily married na ang basketball star sa kanyang misis na TV host. Magkaiba ang pananaw sa pulitika ng mag-asawa kaya nakapagtatakang hindi pa sila hiwalay. Chos! Pero nakakabilib ang kanilang relasyon dahil mukhang hindi sila apektado sa mga ganito. Pak na pak kayong dalawa!


Daddy ng Bayan. Lodi naman ni BASKET BOLERO si DADDY NG BAYAN, habang kritiko naman ang misis nito. Marami ang bilib na bilib pa rin sa kanya. Sa taas ba naman sa survey ay may makakaligwak pa kaya rito sa puwesto? How to be you po, sir? Pero kahit mataas sa survey ay tila sumakit ang ulo niya sa bangayan ng mga chubabells dahil sa agawan sa puwesto. At dahil mukhang napagod na ito sa pag-aayos ay tinapos nalang ito ng kanyang junakis na si THE QUEENMAKER. ‘Kaloka naman kasi sila, kung kelan may pandemya ay panay pulitika pa rin ang iniisip. Jusko!

 
 

Nanahimik pagkatapos ma-olats last election ang buong angkan, na-fake news na-tegi pero usap-usapang may sakit at nagiging makakalimutin na

@Kabit-Kabitz | September 27, 2020



Grabe ang pasabog ni mother nature ngayon dahil sa walang tigil at pabugsu-bugsong pag-ulan. Tulad nalang ng mga walang tigil na chika tungkol sa mga bida natin ngayong linggo. Kaya let’s kabit-kabitz na ang mga buhay ng mga pulitiko at artista. Gow!


Miss Maharot

Mukhang parami na nang parami ang tumatalon sa ibang istasyon matapos hindi mabigyan ng prangkisa ang isang istasyon. Isa pa sa mga nadagdag sa listahan ay si MISS MAHAROT. Mega-post ang lola mo na nag-goodbye na kanyang ka-family para sumali na sa mga kapatid. Kunsabagay, wit mabubusog ang tiyan ng loyalty. Sey ng aktres, join na raw muna siya kung saan pupunta ang kanyang tatay-tatayan sa showbiz at mukhang mag-return of the comeback nalang ‘pag keri na lahat. Eh, pababalikin ka pa kaya? Charot!


Sexy Politiko

Minsan nagkasama sa pelikula sina MISS MAHAROT at SEXY POLITIKO na patung-patong na ang mga kasong korupsiyon. ‘Kaloka, kulang pa ba ang kaban? Luz Valdez ang buong angkan nito noong nakaraang eleksiyon. Mukhang nagpapaplanong mag-return ito sa pulitika at aagawin ang paghahari sa kanilang siyudad sa frenemy nito. Pero siyempre hindi papatalo si fremeny mayor at ipinahuli siya nang lumabag daw ito sa quarantine rules. Keri naman niya ‘yan dahil sanay na sanay naman siya sa paghimas ng rehas!


Kumpareng Ex-yorme

Bukod sa mag-ama sina SEXY POLITIKO at KUMPARENG EX-YORME ay magkaklase rin sila sa kulungan. Mukhang lodi talaga ng junakis ang kanyang ama sa lahat ng bagay. Medyo tahimik ngayon si KUMPARENG EX-YORME matapos ma-olats noong huling eleksiyon. Napabalita rin noon na na-tegi na raw ito pero fake news ito. Pero ang isa chika sa mga friendships niya ay may sakit daw ito at madalas ay nagiging makakalimutin na. How true kaya itey?


Misis na Wais

Once upon a time ay na-link ang isa sa mga pinagkakatiwalang tao ni KUMPARENG EX-YORME at si MISIS NA WAIS. Hindi naman kasi kayamanan ang pamilya ng babaita kaya naman ay patola na rin ito sa BFF ni dating yorme. Tumagal ang relasyon ng dalawa bago nagpakasal siya sa kanyang asawa na kilalang frontman ng isang banda. Mukhang happy ang dating aktres sa piling ng asawa at maging sa negosyo ay magkasundo ang dalawang ito. Sa katunayan ay dahil sa pagnenegosyo ni babaita ay nakabili ito ng condo. O ‘di ba, couple goals ang dalawang itey. Pak!


Mr. Suave

Noong aktibo pa sa showbiz si MISIS NA WAIS ay nagkasama sila ni MR. SUAVE sa isang pelikula. Kilalang playboy itong dancer-TV host bago ito nagpakasal sa kanyang longtime live-in partner. Not so long ago ay nawarla ang madlang pipol nang mabalitaang nabugbog ito dahil sa pagpunta sa condo ng isang babae na meron palang jowa. Mag-asawang black eye ang napala nito mula sa jowa ng girlash at sa kanyang mga friendships. Kaya kuya, ‘wag masyadong maharot ha? Foods pa more!


Konsi Sample

Isa sa mga matagal nang friendship ni MR. SUAVE ay si KONSI SAMPLE na nagsimula ang pagkakaibigan noong sila ay magkasama sa isang dance group. BFFs naman talaga ang dalawang na halos lahat ng show ay partners pa rin sila. Pero sumabak sa pulitika itong si KONSI SAMPLE nang matapos ang termino ng pudra nito bilang konsehal sa kanilang siyudad. Pero ano itong naririnig ko na mukhang may plano niyang kalabanin ang kaalyadong mayora sa susunod na eleksiyon? Sige, daanin natin sa pagsa-sample ang pagpapatakbo ng siyudad, ano?


Mayora Maldita

Matagal nang magkakampi sa pulitika sina KONSI SAMPLE at MAYORA MALDITA. Galing sa isang political clan si MAYORA MALDITA na matagal nang namumuno sa pinakamayamang siyudad sa bansa. Kalat na kalat naman ang bangayan niya laban sa kanyang mga kapatid. Sey ng mayora ay iba talaga ang kanyang ugali sa mga kapatid. Pero ang chika ay wit daw boto ang mga kapatid sa asawa ng mayora dahil sa dami nang kalokohan na nababalitaan ng pamilya tungkol dito. Mukhang love is blind talaga ang motto in life ni ate gorl at kaya nitong talikuran ang pamilya dahil sa pag-ibig. Against all odds, the?


Biko Solo

Parehong hinahangaan ng mga bagets ang style nang pamumuno nina MAYORA MALDITA AT BIKO SOLO. Idol na idol ng mga millennial si BIKO SOLO matapos nitong pabagsakin ang pamilyang matagal nang namumuno sa kanilang siyudad. Mukhang nasa kanya na ang lahat maliban nalang sa jowa. Marami ang nahihiwagaan bakit daw wit pang jowa ang binatang mayor. Guwapo at matalino ito pero mukhang mailap pagdating sa pag-ibig. Marami nang inirereto dito pero sey ni mayor ay busy daw ito sa trabaho. Naku kyah, hindi ka forever young ha? ‘Wag kang feeling!


Romantikong Playboy

Tinutukso naman noon ng mga netizens si BIKO SOLO sa dating jowa ni ROMANTIKONG PLAYBOY. Mukhang bigo ang netizens sa kanilang pagpaparehas sa dalawa dahil busy si mayor at may sikretong jowa ang aktres na niloko ni ROMANTIKONG PLAYBOY. Matunog ang namesung ni koya nang mapabalitang jontis ang kanyang rumored jowa. Ipinost ng beteranong reporter ang fake news sa kanyang social media account na agad namang sinagot ng dalawa. Pero ang mukhang hindi sinasagot ng dalawa ay ang tunay nilang ugnayan. So ano na nga kuya?


Matthew Sundalo

Nagkasama naman noon sa pelikula sina ROMANTIKONG PLAYBOY at MATTHEW SUNDALO. Pinagbibidahan ang pelikula ng ex-jowa ni ROMANTIKONG PLAYBOY na ngayon ay asawa na ni MATTHEW SUNDALO. Kahit mag-asawa na ang dalawa ay hindi pa rin daw type ng mudra ng asawang aktres si kuys. Ang chika ay ayaw daw niya pumirma ng pre-nuptial agreement na kondisyon ng mudra ng aktres bago ito pumayag magpakasal ang dalawa. Kaya naman talagang sugod si mudra ng mabalitaang bigla nalang nagpakasal ang dalawa. Kalerkey! Kung si MISS MAHAROT nalang siguro ang nakatuluyan ni MATTHEW SUNDALO ay wit ganyang drama sa kanyang life ngayon.

 
 

sobrang lakas ng kapit kaya ‘di matsugi-tsugi, madlang pipol sagad na sa buto ang galit dahil sa sunud-sunod na kapalpakan

@Kabit-Kabitz | September 7, 2020



Jusko, mga bes! Labo-labo na ang mga ganap nitong nakaraang linggo. Simulan na natin ang nakakawarlang ganap sa PhilHealth. Mukhang maglalabasan na ang baho ng mga utaw sa likod ng malaking bulsahan ng datung sa ahensiya. ‘Yan, ganyan nga ang dapat sa mga walang takot na abusadong opisyal! Pero bago ang lahat, ito ang round up ng chika natin para sa linggong ito.


Mr. Peek-a-boo

Usap-usapan sa social media si Mr. PEEK-A-BOO nang hindi inaasahang mag-‘hello’ ang pribadong parte ng kanyang katawan habang naka-live ito sa kanyang social media. Sa halip na ikatuwa ito ng mga netizens ay masuka-suka sila sa kanilang na-sighting. Pero agad-agad namang binura ng ating bida ang kanyang video matapos kumalat sa social media. Nakakaloka ka, sir! Ingat-ingat din ‘pag may time sa susunod, ano po?


Ninong Dookie

Mula sa nakakaabalang eksena ni MR. PEEK-A-BOO, move on tayo sa nakakagalit na eskandalo na kinasasangkutan naman ni NINONG DOOKIE. Nitong linggo ay pinangalanan na ng Senado ang mga opisyal na dapat kasuhan sa malawakang korupsiyon sa ahensiya ng gobyerno. Binansagan siya ng mga mambabatas na ‘Ninong’ ng mafia pero mukhang malakas talaga ang kapit nito kaya hindi pa rin matsugi-tsugi sa puwesto. Pero dahil sa kaso, mukhang no lusot na rin siya. Sagad na sa buto ang galit ng madlang pipol sa kanya dahil sa sunud-sunod na kapalpakan. Ba-bye na kaya talaga?


Pinky Lason

Sa kabila ng patung-patong na ebidensiya laban kay NINONG DOKIE ay mukhang bulag-bulagan pa rin si PINKY LASON sa mga nangyayari. Aniya, wit naman daw matibay na ebidensiya ang nagko-konek dito sa kontrobersiyal sa ahensiya. Bakit kaya masyado niya itong pinoprotektahan? Ito kaya ay dahil pareho sina PINKY LASON at Ninang este NINONG DOKIE ng tinatagong lihim? Paminta, ‘te? Char!



Ms. Japan

Mukhang may bago na namang blessing sa pamilya ni PINKY LASON dahil buntis na naman si MS. JAPAN na jowa ng kanyang junakis. Isang big reveal sa social media ang ginawa ni ateng na buntis siya sa pangalawang anak nila ng jowa. In fairness, mukhang masaya ang buhay nila kahit mukhang bomalabs makasal ang dalawa dahil sa hindi matuluy-tuloy na annulment ng jowa sa dati nitong misis. Pero ang mas nakakaloka ay mukhang close na close pa ang dalawa dahil nauna pang nakaalam ni ex-misis ng big news ni ateng kaysa sa kanyang jowa. Sey mo?


Babaitang Maganda

Kung may pasabog na baby number two si MS. JAPAN ay mukhang may pa-round two naman si BABAITANG MAGANDA at ang kanyang ex-jowa. Kamakailan ay mega-announce ang dalawa na split na sila ng kayang guwapong jowa na ka-love-team niya rin. Pero mukhang marami ang bulung-bulungan na parang nagkakaayos na ang dalawa dahil ilang months lang ang lumipas ay palagi na naman silang nakikita ng madlang pipol na magkasama kung saan-saan. May mga chika rin na gumagawa lang ng ingay ang dalawa para mapag-usapan ulit dahil mukhang nakakalimutan na sila ng mga utaw. Kani-kanyang gimik nalang talaga ang mga celeb ngayon para lang makagawa ng datung. Ano ba talaga, ‘te? Love is sweeter the second time around nga ba?


Reynang Bagets

Palagi namang warlaloo ang mga faney nina BABAITANG MAGANDA at REYNANG BAGETS. Sobrang look-alike ang dalawa na madalas sila napapagbaliktad ng mga utaw. Mukhang itong dalawa na ang makabagong Ate Vi at Ate Guy sa higpit ng kompetisyon. Akalain mo na parehas din silang nominado bilang best actress sa prestiyosong kompetisyon para sa mga artista. First time naglaban ng dalawa sa award na ito kaya mega-ingay ang mga faney sa social media kung sino ang mas magaling sa dalawa. Well, malapit-lapit na rin magkaalaman kung sinetch sa dalawa ang tunay na angat. Abangan!


Apo Dilawan

Pareho naman ng sinuportahang kandidato sa pagkapangulo mula sa partidong kulay lemon sina REYNANG BAGETS at APO DILAWAN noong nakaraang eleksiyon. Kilalang kritiko ng kasalukuyang administrasyon si APO DILAWAN na sa edad nito ay mukhang hindi rin nakatakas sa eskandalo. Kumalat kasi ang sex video nito sa social media. Mega-deny pa ang tanders at wit daw siya ‘yung nasa video pero nang huli ay mukhang no choice ito at inispluk na ang trot. Pinagpiyestahan naman ito ng kanyang mga kaaway at katakut-takot na bashing ang natanggap ng gurang na singer. Mukhang wala namang kamalay-malay si lolo na siya ay nire-record ng kanyang kausap sa video call. Jusko, kakashokot na talaga ang technology sa mga panahong ito kaya kailangan ng bonggang pag-iingat!


Ginoong Fake News

Kahit may kahiya-hiyang ganap kay APO DILAWAN ay mukhang hindi ito titigil sa pambabatikos sa kasalukuyang administrasyon at sa mga supporters nito. Hindi nakalusot ang tumawid-bakod na si GINOONG FAKE NEWS sa mga patutsada ng lolo n’yo. Matapos kasi ang napakatagal na panahon naging news reporter si kyah sa nagsaradong TV station ay tumawid-bakod ito sa kabilang istasyon. Marami ang nagulat at nalungkot sa agarang paglipat nito pero hindi mo rin masisisi ang taong may pamilyang pinapakain. Mukhang bitter-bitter-an ang tanders at tinawag na “King of Fake News” ang reporter! Fake news man o hindi, wala nang atrasan ang paglipat nito. Kaya goodbye na!


Sexy Senyorita

Tulad ni GINOONG FAKE NEWS ay nagpasya na ring lumipat si SEXY SENYORITA. Matagal-tagal na rin namang hindi lumalabas sa kanyang dating istasyon si ate ghorl kaya nang mabigyan ng offer na mag-host ng isang TV show sa kabilang network ay grab na ito agad. Ilang episodes palang ang pinalalabas sa kanyang show ay marami na ang nagpahayag ng pagkadismaya na bigla nalang pinalitan ang programang umeere bago nito. Marami kasi sa mga tagasubaybay ng pinalitang TV show ay mga tanders na walang interes sa pag-e-exercise. May petisyon ngayon sa social media na ibalik nalang ang dating programa dahil wit daw nila type ang programa ni ate ghorl. Meh, ganern?


Santa Anghelita

Minsan naman naging jowa ni SANTA ANGHELITA ang kasalukuyang bufra ni SEXY SENYORITA. Kung panay nega ang natatanggap ni ate ghorl sa social media ay kabaliktaran naman ang kay SANTA ANGHELITA. Maraming pumupuri rito sa walang sawang pagtulong tuwing may sakuna sa bansa. Isang tunay na anghel sa lupa si girl! May mga nagsasabi ring mukhang nag-iisip na itong tumakbo bilang senador sa susunod na eleksiyon. How true kaya itey? Pero mukhang wit naman pakialam si girl at patuloy pa rin ang pagtulong na kahit si MR. PEEK-A-BOO ay lubos ang pasasalamat ng magbigay ito ng donasyon para sa kanyang probinsiya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page