top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 13, 2022


ree

Tinatayang aabot sa 2,000 healthcare workers na ang naipadala ng Pilipinas sa ibang bansa, mula noong Enero hanggang nitong Mayo 2022.


Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, sa isinagawang briefing ng Laging Handa, karamihan sa mga nai-deploy na healthcare workers ay pawang mga nurse.


Matatandaang ngayong taon ay nagkaroon ng pahayag ang gobyerno na aabot lamang sa 7,500 healthcare workers ang papayagang makapagtrabaho sa labas ng bansa, lalo at nasa kalagitnaan pa ng pandemya ang Pilipinas.


Gayunman, kasunod ng pagluluwag ng mga health and safety protocols laban sa COVID-19 kaugnay ng pagbiyahe abroad, maaari na umanong mairekomenda sa Inter Agency Task Force (IATF) na maitaas pa ang deployment cap ng mga healthcare workers na pagbibigyang makapangibang-bansa.


Nauna rito, nakapagsagawa na anila ang Professional Regulation Commission (PRC) ng nursing licensure exam noong nakaraan at ngayong taon dahilan upang madagdagan pa ang mga registered nurses sa Pilipinas.


 
 

ni Zel Fernandez | May 13, 2022


ree

Nai-release na ang nakalaang P7.3 bilyong alokasyon para sa mid-year bonus ng mahigit 222,000 tauhan ng PNP, ayon sa anunsiyo ni Philippine National Police Officer in Charge PLt. General Vicente Danao, Jr.


Pahayag ni Danao, ang nabanggit na halaga ay galing umano sa regular na budget appropriation ng PNP ngayong taong 2022.


Kaugnay nito, ibinalita ni PNP Finance Service Director BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na ang bonus na katumbas ng isang buwang basic pay ay matatanggap na ng kapulisan sa kanilang Landbank ATM Payroll Accounts sa darating na Mayo 17.


Gayunman, ipinaliwanag din ng mga opisyal na anumang bonus na lalagpas sa P90,000 ay papatawan umano ng kaukulang withholding tax, sang-ayon sa alituntunin ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.


Samantala, ipinaliwanag naman ni Danao na ang mga tauhan ng PNP na nahatulang guilty sa kasong kriminal o administratibo sa loob ng fiscal year 2022 ay hindi kabilang sa mga makatatanggap ng bonus.


 
 

ni Zel Fernandez | May 12, 2022


ree

Tinatayang aabot sa 245 insidente ng vote-buying ang naitala umano mula Enero 1 hanggang Mayo 9 ngayong taon kaugnay ng nakaraang 2022 National and Local Elections sa bansa.


Pagbabahagi ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte, 25 sa mga naitalang insidente ay nakuhanan ng ebidensiya at validated na rin.


Batay sa ulat, sa kasalukuyan ay dalawa (2) umano sa mga kaso ng kinumpirmang vote-buying ay sumasailalim na sa imbestigasyon; ang apat (4) ay nai-refer na sa prosecution office, habang ang isa (1) naman ay nakasampa na sa korte.


Kabilang umano sa mga lugar na naitalang nagkaroon ng vote-buying ay ang

Ilocos Region (Region I) , Central Luzon (Region III), at Central Visayas (Region VII) .


Anang kalihim, umabot umano sa 41 indibidwal ang natukoy na suspek sa mga insidenteng ito.


Samantala, 28 naman sa mga ito aniya ang naaresto na, habang nasa 13 pa ang kasalukuyan nang pinaghahahanap ng mga awtoridad.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page