top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 8, 2022



Kasalukuyang ipinaaayos ang umano’y nasa kabuuang 33 vote counting machines (VCMs) sa regional technical hub sa Cagayan de Oro, matapos makitaan ng depekto.


Batay sa pahayag ng opisyal, sa tinukoy na 33 depektibong VCMs, anim (6) sa mga ito ay mula sa Agusan del Norte; 14 sa Agusan del Sur; dalawa (2) sa province of Dinagat Islands at tig-apat (4) sa Surigao del Norte at Surigao del Sur.


Gayunman, sa 33 may depekto, 16 na lang umano ang hindi pa naiayos at naibalik, kung saan ang pito (7) rito ay sa Agusan del Sur at apat (4) naman sa Surigao del Sur.


Kaugnay nito, ipinaliwanag ng opisyal na ilang mga lugar sa Caraga Region ang hindi pa nakapagsagawa ng final testing at sealing ng vote counting machines dahil pawang mga depektibo ang ilan sa mga ito.


Ani Comelec Asst. Regional Director Atty. Geraldine Samson, sakali umanong maantala ang paghahatid ng mga naiayos na VCMs ngayong araw, maaari naman aniya itong maihabol bukas para sa final testing at sealing bago magsimula ang aktuwal na botohan.


Sa kabila nito, tiwala si Atty. Samson na sa mga nailatag na contingency measures ay hindi magkakaroon ng aberya ang gaganaping eleksiyon bukas.


 
 
  • BULGAR
  • May 8, 2022

ni Zel Fernandez | May 8, 2022



Kaloboso ang suspek sa dalawang kaso ng rape sa Toril, Davao City, nitong Mayo 5.


Bandang ala-1:15 ng hapon nang maaresto ng Toril Police Station, Davao si alyas Reynaldo, 35-anyos, may asawa at nagtatrabaho bilang drayber sa Brgy. Marapangi, Toril Proper, Davao City.


Sa inihaing warrant of arrest ni Hon. Judge Glenn De Castro Aquino ng Branch 8, RTC 11, Ecoland, Davao City, nadakip si ‘Reynaldo’ sa salang 2 counts of rape sa lungsod.


Kasalukuyan nang nakapiit ang suspek na nahaharap sa mga kaukulang parusa sa kasong panggagahasa at walang piyansa.


 
 

ni Zel Fernandez | May 8, 2022



Mahigit 1,000 public utility vehicle (PUV) drivers ang muling napagkalooban ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Davao City.


Tinatayang aabot sa 1,300 PUJ at taxi drivers ang tumanggap ng tig-P3,000 sa ilalim ng programa ng DSWD na Assistance to Individual in Crisis (AICS).


Ayon kay Mae Aquino, focal person ng Community Welfare Program ng CSWDO, ito na umano ang ikalawang payout ng mga PUV drivers sa Davao City na lubos na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.


Paliwanag ni Aquino, idinaraan sa validation ng mga social workers ng mga barangay ang pagpili sa mga benepisyaryo ng naturang programa upang matiyak na karapat-dapat silang mapabilang sa listahan ng DSWD na mapagkalooban ng ayuda.


Dagdag pa ng focal person, patuloy pa rin aniya ang pagsasagawa ng pre-listing sa mga eligible PUV drivers sa lahat ng barangay sa lungsod ng Davao, kung saan nasa mahigit 3,000 pa lamang aniya ang nakapagpasa ng kanilang mga requirements.


Samantala, target ng AICS program sa Davao City na mabigyan ng tulong-pinansiyal ang halos 8,000 mga PUJ at taxi drivers sa lungsod.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page