top of page
Search

ni Gerard Arce / VA @Sports | March 15, 2023



ree

Pagkalipas ng limang taon, naghiwalay na ng landas ang Filipina volleyball superstar na si Jaja Santiago at ang kanyang koponang Saitama Ageo Medics sa Japan V. League.


Ito ang inanunsiyo ng koponan noong Sabado sa Ageo Medics website. "I have been with the Ageo team for five years. Five seasons is no joke," ayon kay Santiago sa statement na nalathala sa nasabing website.

"I have learned a lot," dagdag ni Santiago. "All of my first times in pro volleyball happened here. I learned the discipline, the courage, the culture and definitely the heart of being a professional volleyball player."


Gayunman, walang binanggit ang 27-anyos na middle blocker kung ano ang kanyang plano. "Unfortunately, it is with a heavy heart that I have decided to go out of my comfort zone and take risk and widen my perspective in my volleyball career. Ageo team is always in my heart. It doesn't mean a goodbye, but I'll see you around."

Huli siyang naglaro sa Pilipinas noong 2021 Premier Volleyball League Open Conference kung saan sya ang itinanghal na Conference at Finals Most Valuable Player pagkaraang pangunahan ang Chery Tiggo Crossovers sa pag-angkin ng titulo.

Hindi siya lumaro sa national team sa Cambodia SEAG dahil inaasikaso umano nito ang kanyang mga dokumento para makakuha ng Japanese citizenship.


Samantala, nakabalik na sa pagsasanay si PLDT High Speed Hitters middle blocker Mika Aereen Reyes matapos sumailalim sa isang operasyon sa balikat.


Inihayag ng High Speed Hitters sa official Instagram account na nakadalo na sa training ng koponan ang 28-anyos na 6-footer defender kasunod ng pag-anunsyo ng operasyon sa tumubong bukol sa balikat.

 
 

ni VA / MC / Clyde Mariano @Sports | May 10, 2023


ree

Hindi nagpahuli ang gymnastics sa gold medal nang makuha ang ika-21 ginto para sa medal count ni Juancho Miguel Eserio sa men's vault sa iskor na 14.425 na sinegundahan ng Thailand 14.150 at 3rd ang Vietnam sa 14.050. Maaga ring naka-gold medal si John Ivan Cruz sa men's floor exercise sa 13.850 points sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.


Wala sa final round si defending champion Carlos Yulo dahil sa may alituntunin na ang gymnast ay pinapayagan lang ang maximum na 2 events sa finals at ang isang bansa ay isa lang ang atleta kada event. Kahapon ay silver medal si Yulo sa rings final sa iskor na 14.000.


Naunang naka-silver medal ang team nina Tokyo Olympian Carlos Yulo, Juancho Miguel Besana, Ace de Leon, Jhon Santillan at Jan Timbang sa Men’s Artistic Gymnastics All-Around Team event sa total score ng 305.25.


Sa larangan ng Kun Khmer ay nagdagdag ng bronze medal si Zyra Bon-as sa women's 51 kg competition nang sumuko siya kay Soeng Moeuy ng Cambodia sa semis, 27-30.

Tig-isang tanso naman sina Felex Cantores sa men's 67 kg ng Kun Khmer at si Aime Ramos sa Vovinam ng women's 50 kg event.


Nagkasya rin sa mga tanso sina Janah Lavador sa Women's Aspect Broadsword Single Form ng Vovinam at si Phillip Delarmino sa Kun Bokator men's combat 60 kg category. Nakatiyak naman ng bronze medal si WIM Venice Narciso sa highly competitive na Chess Ouk Chaktrang Women's Singles 60-Minute event.

Makakaharap niya ang kapwa Pinay WIM Shania Mae Mendoza sa all-Filipina semifinals kung saan si Shania ay abanse sa gold medal match.


Naka-bronze naman ang Sibol CrossFire, ito ay nang talunin ng Pinoy ang Laos kahapon na unang nakatiyak sa podium laban sa Vietnam sa semifinals. Ang Vietnam, na unang tinalo ang Sibol para sa gold medal noong 2022 SEA Games sa Hanoi ay muling nakatikim ng husay ng Filipino national team.


ree

 
 

ni VA / MC @Sports | May 7, 2023


ree

Rumehistro muli ang 'Pinas ng isa pang gold sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa aquathlon.


Ang team na binubuo nina Kira Ellis, Erica Burgos, Iñaki Lorbes at Juan Francisco Baniqued ay nakaginto sa aquathlon mixed team relay. Unang naka-silver si Andrew Kim Remolino sa men's aquathlon.


Naorasan ang two-time SEA Games triathlon silver medalist ng 15 minutes at seven seconds sa 500-meter swim, 2.5km run sprint event na pinagwagian ni Indonesia’s Rashif Yaqin sa 14 minutes at 28 seconds sa seaside town ng Kep.


Shoot naman sa semifinals ang Philippine women's 3x3 basketball team nang tigpasin ang Thailand sa pool play bandang hapon sa Elephant Hall 2 ng Morodok Techo National Stadium sa Phnom Penh, Cambodia.


Ang 14-8 win kontra Thailand ang nagbigay sa Gilas Pilipinas Women ng 2-1 record sa Group A ng 3x3 competition ng SEAG, sapat na para sa medal round ngayong Linggo.


Binuksan nila ang kampanya sa masakit na pagkatalo sa 19-21 kontra Vietnam noong 2022 para sa silver. Nagbalik si Jack Animam para sa national team nang makarekober sa knee injury at siya ang humalibas ng undergoal sa sudden death overtime.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page