top of page
Search

ni VA @Sports | March 5, 2024



ree


Buhat sa dalawang sunod na gold medal finish, tila nalihis sa kanyang target ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa pagsabak nito sa World Athletics Indoor Championships nang tumapos itong kabilang sa bottom half ng 11 mga kalahok sa nasabing event.


Sa kabila ng kanyang kasalukuyang Estado, hindi maiiwasang magkaroon din ng off day si Obiena at sa kasamaang-palad ay natapat ito sa pagsalang niya sa world indoor championship.


Tumapos lamang na pang-siyam ang Paris-bound Filipino pole vaulter sa kompetisyong idinaos noong Linggo-Marso 3 sa Glasgow, Scotland.Target sana ni Obiena na maging unang Filipino na magwagi ng medalya kapwa sa indoor at outdoor world championships, hanggang 5.65 meters lamang nagawang matalon ni Obiena.


Nag-foul sa kanyang first vault, nakadalawang attempts si Obiena bago nalagpasan ang 5.65 meters at dun na siya nahirapang makabalik sa kontensiyon.Bigo sa kanyang sumunod na dalawang attempts sa taas na 5.85 meters, ipinataas niya ang baras sa 5.90 meters para sa huli niyang tsansa, subalit bigo pa rin siyang matalon ito.Nabigong dugtungan ng world ranked no.2 na si Obiena ang kanyang 5.83 meters na gold medal win sa Memorial Josip Gasparac sa Croatia at ang kanyang Asian indoor record breaking vault na 5.93 meters sa ISTAF Indoor Berlin sa Germany.Tagumpay namang naidepensa ng world record holder at reigning Olympic champion ang kanyang indoor crown sa kanyang naitalang  6.05 meters.


Pumangalawa sa kanya si Sam Kendricks ng US na nagwagi ng silver sa kanyang vault na 5.90 meters habang nagkamit ng bronze si Emmanouil Karalis ng Greece sa naitalang 5.85 meters.


Walo sa mga Paris Olympic-bound pole vaulters ang lumahok sa nasabing kompetisyon sa Glasgow na kinabibilangan nina Obiena, Duplantis,Karalis, ang Australian na si Kurtis Marschall, Thibaut Collet ng France.


 
 

ni VA @Sports | March 4, 2024



ree


Dahil sa magandang performances na kanilang ginawa sa nakaraang first window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers, umangat ng isang baytang ang Gilas Pilipinas sa world rankings.


Buhat sa pagiging world’s 38th, umakyat ang Pilipinas sa No. 37 spot makaraang walisin ang kanilang dalawang laro sa qualifiers noong nakaraang buwan.


Sa ilalim ng kanilang permanent coach na si Tim Cone, ginapi ng Gilas sa una nilang laban ang Hong Kong, 94-64, sa Tsuen Wan Stadium bago isinunod ang Chinese Taipei, 106-53, sa larong idinaos sa PhilSports Arena sa Pasig City.


Nanatili naman silang No.8 sa Asian rankings.


Hindi naman natitinag sa top 3 ng world rankings ang United States of America (USA) Spain at Germany bilang no.1,2,3 ayon sa pagkakasunod-sunod.


Ang iba pang nasa Top 10 ay ang Serbia (4th) , Australia (5th) , Latvia(6th), Canada(7th), Argentina(8th), France (9th) at Lithuania(10th).


Samantala, hindi maipagkakaila ang matinding laro na ipinapakita ni reigning MVP Cherry Ann “Sisi” Rondina upang tanghaling PVL Press Corps Player of the Week nang paangatin ng maaga sa tuktok ng liderato ang Choco Mucho Flying Titans sa pagpapatuloy ng aksyon at hampasan sa 8th edisyon ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.


Sa kabila ng kanilang kabiguan sa nakaraang All-Filipino Conference, kung saan kinapos itong matupad ang kagustuhang maibulsa ang kauna-unahang titulo na siya ring unang podium finish ng koponan laban sa kapatid na Creamline Cool Smashers, nananatiling pwersa sa atake ang reigning MVP sa pagkasa ang doble-doble pigura sa 24 puntos mula lahat sa atake kasama ang 22 excellent receptions para matakasan ang lipad ng Petro Gazz Angels sa 24-26, 25-22, 25-18, 24-26, 15-13 nung Pebrero 27.


Sinundan naman ito ng 23 puntos mula sa 21 atake at dalawang aces, kasama ang 13 excellent receptions kontra Crossovers.


 
 

ni VA @Sports | March 1, 2024



ree

Pamumunuan nina Tokyo Olympics silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio ang 10- kataong  PH team sa tangkang pagsungkit ng Paris Olympics berths sa unang World Olympic Qualifying Tournament  sa Sabado, (Linggo sa Pilipinas) sa Busto Arsizio, Italy.Ayon kay national coach Ronald Chavez kailangang ang mga miyembro ng koponan ay magwagi ng medalya kahit bronze medal upang magkamit ng ticket sa Paris Games sa kompetisyon na idaraos sa Maria Piantanida Sports Palace E-Work Arena.


Kabilang ang Pinoy boxers sa 632 na kinabibilangan ng 399 na kalalakihan at 233 kababaihan mula sa iba't-ibang panig ng mundo na mag-aagawan  sa nakatayang  28 slots sa men’s division at 21 sa women’s side para sa quadrennial meet sa Hulyo 26 - Agosto 11.


Ayon kay Association of Boxing Alliances in the Philippines head coach Pat Gaspi, nakahanda ang national boxers sa laban. “Everything’s on track, everything is in place,” ani Gaspi. “Coach Ronald says they’re 90 to 100 percent ready in conditioning and skills.”


Ang iba pang kasamang sasabak nina  Paalam at Petecio ay sina  SEA Games champion Rogen Ladon (flyweight), Mark Ashly Fajardo (light welterweight), Ronald Chavez Jr. (super lightweight) at John Marvin (heavyweight) sa men’s division at sina  Aira Villegas (flyweight), Claudine Veloso (bantamweight), Risa Pasuit (lightweight) at Hergie Bacyadan (middleweight) sa women’s.


Sa ngayon ay tanging si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial pa lang ang Filipino boxer na qualified sa Paris Olympics sa bisa ng  silver medal finish sa light heavyweight division noong Hangzhou Asian Games. Sa Spain nagwagi sina Petecio, Ladon, Villegas at Bacyadan ng gold medals sa nilahukan nilang Boxam Elite Tournament sa La Nucia,  Alicante, noong Peb. 4.


Samantala, ang ikalawa at huling World Olympic Qualifier ay idaraos sa Bangkok, Thailand sa Mayo 23 -Hunyo 3.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page