top of page
Search

ni VA / Clyde Mariano @Sports | March 19, 2024



ree


Isinalba sa lubos na pagkabigo ng para taekwondo jin na si Allain Ganapin ang kampanya ng Pilipinas sa katatapos na Asian Qualification Tournament para sa 2024 Paris Olympics at Paralympics noong nakaraang Linggo sa Yaishan International Convention and Exhibition Center sa Tai’an City, China.


Tinalo ni Ganapin si Sandeep Singh Maan ng India sa finals ng men’s K44 -80 kilogram upang makopo ang minimithing spot para sa Paralympic Games na magsisimula sa Agosto 28.Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na nag-qualify si Ganapin sa Paralympics matapos makapasok sa nakaraang Tokyo Games noong 2021.


Gayunman, hindi naging maganda ang kinahinatnan ng kanyang unang Olympic stint makaraan niyang madiskuwalipika pagkatapos magpositibo sa Covid-19.


Humanay si Ganapin sa mga para swimmers na sina Angel Otom at Ernie Gawilan na nauna nang nag-qualify sa Paris Paralympics.


Tanging si Ganapin lamang mula sa mga Filipino jins na sumabak sa nasabing qualifying meet ang nagkamit ng slot para sa Paris.


Bigo sa hangad na ikalawang sunod na Olympics stint si Tokyo Games veteran Kurt Barbosa matapos matalo kay Samirkhon Ababakirov ng Kazakhstan sa semifinals ng men’s -58-kilogram division gayundin si Baby Jessica Canabal na sumadsad sa women’s -57-kg semifinal kay Laetitia Aoun ng Lebanon.


Nabigo ring magkamit ng Olympic berths si Arven Alcantara pagkaraang yumukod kay Ali Reza Abbasi ng Afghanistan sa quarterfinal ng men’s -68-kilogram maging si Tachiana Keizha Mangin na natalo rin sa women’s -57 kg semifinal round laban kay Saudi Arabian Dunia Abutaleb.    


“Masaya dahil makakalaro ako sa Paris Olympics. Hindi ako nakalaro sa Tokyo. Sa wakas natupad ko ang pangarap na makalaro sa Paris,” sabi ni Ganapin member ng national team mula 2015.


Naging amputated kanang kamay ni Ganapin subalit ang kanyang kapansanan ay hindi naging hadlang at sagabal sa kanyang pangarap na marating ang tagumpay.


 
 

ni Anthony Servinio / VA @Sports | March 17, 2024



ree


Itinalagang team captain ng binuong Philippine men’s football team ng bagong coach na si Tom Saintfiet ang beteranong goalkeeper na si Neil Etheridge para sa nakatakda nilang pagsabak sa FIFA World Cup 2026 qualifier kontra Iraq sa Marso 21 at 26.


Kasama ni Etheridge sa 28-man roster ang pitong players na sasalang sa unang pagkakataon bilang mga seniors na sina Theo Libarnes ng Far Eastern University ang magkapatid na Matthew Baldisimo ng York United at Michael Baldisimo ng San Jose Earthquakes, Jeremiah Borlongan, at Chima Uzoka ng Dynamic Herb Cebu FC, Mark Swainston ng Kaya FC-Iloilo at Andres Aldeguer ng  Central Connecticut University.


“We have a well-balanced group,” ani Saintfiet. “We have a good team to face Iraq, but we need to play professionally and try to steal some points.”


Kakalabanin ng PMNT ang Iraq team na galing sa panalo sa unang dalawa nilang laro kontra Indonesia, 5-1, at Iran, 1-0, noong nakaraang November window.


“We have a balanced team to face a strong opponent. We are both experienced and young in the mix. It’s important we look at players who can do the job and who we think could be ready for this task in every position,” dagdag pa ni Saintfiet.


Ang iba pang miyembro ng team ay sina goalkeepers Patrick Deyto at Kevin Ray Hansen; defenders Amani Aguinaldo, Pocholo Bugas, Marco Casambre, Jesse Curren, Simen Lyngbo, Jesper Nyholm, Christian Rontini, Daisuke Sato, Jefferson Tabinas at Paul Tabinas; midfielders Justin Baas, Kevin Ingreso, Oskari Kekkonen, Mike Ott, OJ Porteria, at Santiago Rublico at forwards Jarvey Gayoso at Patrick Reichelt.       

 
 

ni VA @Sports | March 15, 2024



ree


Apat na weightlifters sa pangunguna ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang posible pang madagdag sa mga atletang kakatawan sa bansa sa darating na 2024 Paris Games sa Hulyo.


Nananatiling nasa top 10 sa kasalukuyan nitong puwestong pangwalo si Diaz-Naranjo sa women's -59 kgs class ng Paris Olympic qualification rankings.Kasama niyang pasok pa rin sa quota ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas secretary-general Patrick Lee sina Vanessa Sarno, Rosegie Ramos at John Febuar Ceniza. “These four weightlifters are qualified [for Paris]—as of this moment,” ani Lee. “But anything can still happen with the last Olympic qualification coming up.”Itinakda ng International Weightlifting Federation ang World Cup na gaganapin sa Phuket, Thailand sa Marso 31 - Abril 11 bilang ika-6 at huling Olympic qualifiers.Nakatakdang lumahok ang nabanggit na apat na Filipino weightlifters sa pangunguna ni Diaz-Naranjo matapos na hindi  sumabak sa Asian championships na idinaos sa Tashkent noong nakaraang buwan.Ang 2-time Southeast Asian Games champion  na si Sarno ay kasalukuyang nasa panglimang puwesto sa women’s +71 kgs habang nasa pang-siyam na puwesto naman si Ramos sa women’s -49 kgs pagkaraan ng limang Olympic qualifiers.


Hindi rin sumalang sa Tashkent, nasa ika-6 na puwesto naman si Ceniza sa men’s +61 kgs rankings. "I’m so confident our four athletes will make it to Paris,” ayon pa kay  Lee.


Tanging ang mga nasa top 10 lamang ng bawat weight category at Isa lamang kada isang national Olympic committee ang papasok sa Paris Games.


Ang mga magiging qualifiers ay ihahayag ng IWF sa  Mayo. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page