top of page
Search

ni Angela Fernando @Technology | Oct. 18, 2024



Feature: Mas mahigpit, sa mga maaaring mag-follow o makipag-message sa mga account ng mga kabataan, pati na rin ang mga safety notice sa Instagram direct messages at Facebook Messenger. Logo: FB / IG


Inanunsyo ng Meta, ang kumpanyang may hawak sa Facebook at Instagram, kamakailan ang mga bagong hakbang upang labanan ang sextortion, isang uri ng online blackmail kung saan pinipilit ng mga kriminal ang mga biktima, kadalasan mga kabataan, na magpadala ng mga malaswang larawan ng kanilang sarili.


Kabilang sa mga hakbang ang mas mahigpit na kontrol sa mga maaaring mag-follow o makipag-message sa mga account ng mga kabataan, pati na rin ang mga safety notice sa Instagram direct messages at Facebook Messenger kadikit ng mga kahina-hinalang pag-uusap mula sa ibang bansa.


Pinalakas din ng mga bagong hakbanging ito ang "Teen Accounts" ng Instagram, na unang ipinakilala nu'ng nakaraang buwan na layuning protektahan ang mga menor-de-edad mula sa mga panganib na kaugnay ng photo-sharing application.

 
 

ni Angela Fernando @Technology | Oct. 16, 2024



Nai-close ng tech giant company na Microsoft ang $69 Billion Activision-Blizzard deal nitong taong 2023. Photo: Esports gaming image - Patrick T. Fallon / Bloomberg / Circulated - NYT


Nagsampa ng kaso ang ilang mga video gamers laban sa $69-bilyong pagbili ng Microsoft sa "Call of Duty" developer na Activision Blizzard dahil makakasama raw ito sa kompetisyon ng industriya at magtataas ng mga presyo.


Sa magkakasamang pahayag na isinampa sa federal court sa San Francisco kamakailan, iniulat ng mga gamer at Microsoft na isinasara na nila ang kaso "with prejudice," ibig sabihin, hindi na ito maaaring ihain ulit. Hindi naman idinetalye sa dokumento kung paano nalutas ang kaso, at hindi pa nagbibigay ng komento ang mga abogado ng mga nagsampa ng reklamo.


Nagpahayag naman ang Microsoft na nagkaroon ng kasunduan ang dalawang panig, ngunit tumangging magbigay ng karagdagang detalye. Sa nasabing demanda, ang kasunduan ng Microsoft sa pagbili ng Activision ay lumabag sa batas ng antitrust ng United States at dapat agad wakasan.


Matatandaang ang pribadong kaso ay isinampa nu'ng huling bahagi ng 2022, bago pa magsampa ng kaso ang Federal Trade Commission (FTC) na hindi nagtagumpay sa pagpigil sa kasunduan na matuturing na pinakamalaking acquisition sa kasaysayan ng industriya ng gaming.

 
 

ni Angela Fernando @Technology | Oct. 10, 2024



News Photo

Photo: Google / iStock


Pinag-iisipan ng gobyerno ng United States ang paghahati sa isa sa pinakamalalaking at pinakamahalagang monopolyo sa mundo: ang Google.


Sa isang dokumentong isinampa ng U.S. Department of Justice (DOJ) kamakailan, sinabi nilang maaaring irekomenda ang pagbuwag sa pangunahing mga negosyo ng Google, kabilang ang paghihiwalay ng search business nito mula sa Android, Chrome, at Google Play app store.


“That would prevent Google from using products such as Chrome, Play, and Android to advantage Google search and Google search-related products and features — including emerging search access points and features, such as artificial intelligence — over rivals or new entrants,” saad ng kanilang pamahalaan sa isinampang dokumento sa hukuman.


Nagmula ang rekomendasyon ng DOJ matapos magdesisyon ang isang federal judge nu'ng Agosto na nilabag ng Google ang batas ng antitrust ng US sa pamamagitan ng kanyang search business.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page