ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| October 4, 2020
Bigyang-daan natin ang ilang impormasyon tungkol sa Full Moon ngayong Oktubre, 2020.
Ang Full Moon ngayong buwan ay naganap noong ika-2 ng Oktubre at tinatawag itong “Harvest Full Moon.”
Ang nagpangalan ng Full Moon ay ang mga sinaunang magsasaka dahil ito ay sobrang maliwanag kung saan kahit gabi ay nagagawa nilang mag-harvest dahil maliwanag na maliwanag ang paligid dahil sa buwan, at dito nakuha ang pangalan na “Harvest Full Moon.” Sa ganitong katotohanan, makikita na ang mga bagay sa kalangitan ay may epekto sa buhay ng mga tao sa lupa.
Ito rin ang nagpapawalang-bisa sa sinasabi ng ilan na ang mga bagay sa kalangitan ay walang kakayahang kontrolin ang buhay ng mga tao sa lupa.
Tuwing sasapit ang Full Moon, ang mga bunga ng halaman o punong-kahoy ay makikita “in full”, tulad ng buko, kapag binuksan ito sa Full Moon, makikita mong umaapaw ang sabaw, kaya marami kang makukuha.
Ang sabaw ng buko ay ang ginagawang “tuba”, isang matamis na likido mula sa bunga ng niyog. Gayunman, ang sabaw ng buko at tuba ay ginagawang suka o vinegar.
Kapag kakaunti ang makukuhang sabaw ng buko, maaaring tumaas ang presyo ng suka na gawa mula sa sabaw nito dahil may batas sa economics na kung tawagin ay “supply and demand” kung saan kapag kakaunti ang supply at marami ang demand, tiyak na mataas ang presyo ng nasabing produkto.
Dahil dito, makikita agad na ang buwan ay puwedeng makaapekto, hindi lang sa buhay ng bawat isa kundi pati sa ekonomiya ng bansa.
Habang papaliit ang buwan o nagaganap na ang “waning of the moon”, lumiliit din ang volume ng tubig sa mga halaman at punong-kahoy. Sa iba, isang mahiwagang kaganapan ito, pero sa mga nakaaalam ng natural Astrology, ito ay simpleng kaalaman na puwedeng pakinabangan ng sinumang interesado.
Gusto mo bang makinabang sa mga katotohanan na makukuha sa kalagayan ng buwan? Simulan mo na ngayon, kung ang mga naritong kaalaman ay iyong mapakikinabangan.
Kapag Full Moon, ang kababaihan ay mas madaling mabuntis at habang lumiliit naman ito, lumiliit din ang tsansa na magkaanak.
Kapag Full Moon, ang kababaihan ay nakagugulat dahil sila ay may biglaang paglakas ng karisma na magpahanga at parang may malakas na gayuma. Tingnan mo, baka ito ay puwede mong pakinabangan.
Tinatawag din ang buwan na “Luna”, dahil ang buwan sa wikang Latin ay Luna. Mahirap paniwalaan, pero marami ang magpapatotoo na ang mga tinatawag na “lunatic” ay nasa todong-lakas ang pagiging lunatic sa panahon ng full moon.
Good luck!