top of page
Search

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | June 30, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Tiguwang Mareng na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Napanaginipan ko si Mama Mary na hinawakan ‘yung braso ko at sinabi niya sa kin na huwag natin siyang pakainin ng bagoong.


Ano’ng ibig sabihin nito? Salamat!


Naghihintay,

Tiguwang Mareng


Sa iyo Tiguwang Mareng,


Sa kaysayan ng mundo at ni Mama Mary, ang huli o si Mama Mary ay madalas na nagbibigay ng mensahe sa mga tao kapag ang mundo ay nahaharap sa matinding problema kung saan ang mga tao ay naliligaw sa paniniwala at ang mga ginagawa ay mga lisya na hindi matuwid.


Sa pagkakataong ito, ayon sa iyong panaginip, ikaw ang ginamit ni Mama Mary para maihayag ang kanyang mensahe para sa mga tao. Kaya ang sabi niya na huwag natin siyang pakainin ng bagoong ay makikita na ang tao sa mundo ngayon ay marumi o may amoy ang mga pinaggagawa. Sa simpleng salita, hindi maganda ang amoy ng mga tao na nasasagap sa Kaharian o Heaven.


Hindi mabango ang gawa ng mga tao, masakit sa ilong at masakit sa ulo at hindi ito nagugustuhan ni Mama Mary. Kaya ang magandang gawin ng mga tao ay gumawa ng kabutihan sa kapwa dahil ang gawaing ito ay nagpapabago sa personalidad ng tao sa paningin ng langit.


Mas malamang na nakita sa langit ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, maraming tao ang makasarili at maraming namumuno ang tumutulong nga sa mga tao, pero may mga nakatagong agenda. Ibig sabihin, hindi naman wagas at dalisay ang ginagawa nilang pagtulong.


Mabaho ang gawa ng mga tao, maaaring nakita sa langit na marami ang nakatanggap ng ayuda na mga pagkain at gusto pang makakuha ng doble kahit marami pa ang hindi nabibigyan.


Muli, kitang-kita sa iyong panaginip na hindi nagugustuhan ni Mama Mary ang ginagawa ng mga tao kaya ginamit ka niya para maipaabot sa mga nasa paligid mo na kailangan nang magbago ng mga tao dahil ang hindi pagbabago ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng mas malalang sitwasyon.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

pahiwatig na dapat paghandaan ang parating na hamon ng kapalaran

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | June 29, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Rose Diana na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Binangungot ako at takot na takot sa panaginip at hanggang sa magising ako. Hindi ako makakilos sa panaginip dahil may multo na ayaw akong pakilusin. Sumisigaw ako pero wala namang nakakarinig sa akin.


Ano ang kahulugan nito?


Naghihintay,

Rose Diana


Sa iyo Rose Diana,


Una, kumonsulta ka sa iyong pinagkakatiwalaang doktor dahil ang bangungot ayon sa larangan ng medisina ay sakit o karamdaman. Mas maganda rin kung magpapa-examine ka sa bahagi ng tiyan dahil ang bangungot kadalasan ay dahil sa abnormalidad sa pagkilos ng oragans na nasa tiyan. May mga bangungot din na mula sa heart issues, kaya maganda rin na ipasuri mo ang iyong puso.


Pagkatapos masuri ng mga nasabing bahagi ng katawan at ikaw ay natagpuang okey naman, ang iyong bangungot ay nagsasabing nasasagap o nadarama mo ang paparating na mabibigat na hamon ng iyong kapalaran.


Ang numero-unong panggagalingan ay ang iyong nakaraan. Ito ay ang pagbabalik ng takot at kahinaan mo kung saan muli mong makakaharap ang mas malakas kaysa sa iyo.


Pero ang magandang balita ay nagsasabing kapag alam ng tao ang darating, ito ay kanyang napaghahandaan. Kaya maghanda-handa ka at sabihin mo sa iyong sarili na mas malakas ka kaysa noong ikaw ay may kinatatakutan sa buhay mo.


Oo, iha, puwedeng lumakas ang taong mahina dahil ang totoo, ang mahina ay lumalakas at ang malakas ay humihina.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | June 28, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Alona na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Ano ang ibig sabihin ng pusa sa panaginip? Madalas akong managinip ng pusa at lately, hinahabol ng pusa ‘yung bola at nakihabol din ako, tapos ‘yung pusa ay alaga ko sa panaginip. Pero sa totoong buhay, ayaw ko sa pusa dahil may hika ako.


May panaginip din ako na sinundan ko ‘yung pusa at nakakita ako ng matataas na lupa na parang punso o bahay ng anay o langgam, pero bahay din yata ‘yun ng mga nuno o duwende. Sa paligid ng punso, may mga kislap ng ilaw.


Naghihintay,

Alona


Sa iyo Alona,


Sa panaginip, ang pusa ay simbolo ng kaibigan ng nanaginip na may mga sumusunod na katangian:


  • Minsan, siya ay masaya at minsan ay hindi. Minsan, seryoso pero mas madalas na maharot o palabiro.

  • Mahilig siya sa mga bago at nauusong damit, pero sa bahay nila, mga luma at sira o punit na damit ang madalas niyang suot.

  • Madalas siyang gising sa gabi at most probably, nakikipag-chat siya hanggang sa umaga.

  • Moody o pabagu-bago ng isip at damdamin, kaya mas madalas ay mahirap siyang maunawaan. Minsan pa nga ay umaasta na hindi ka niya kakilala.

  • Wala naman siyang “toyo”, kumbaga, normal siya at walang problema sa pag-iisip.


Sabi ng panaginip mo, ang kaibigan mong taglay ang katangian ng pusa ay magbibigay sa iyo ng mga suwerte at magagandang kapalaran na nakakamangha.


Ang nakakatuwa rito sa iyong panaginip, ikaw ay susuwertehin pero ang kaibigan mong may ugaling pusa ay hindi naman mamalasin, kaya lang, hindi siya makikinabang sa mga suwerte mo dahil sa totoo lang, may isa pang katangian ang kaibigan mong ito na nagsasabing hindi naman siya gaanong bilib sa iyo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page