top of page
Search

ni Dr. / Atty. Erwin P. Erfe, M.D. - @Sabi ni Doc | September 26, 2022



ree

Dear Doc Erwin,

Ako ay ina na may seven years old na anak na lalaki. Kamakailan ay na-diagnose siya na may epilepsy at nag-request ang doktor ng PET scan. Ano ang PET scan? Makabubuti ba ito sa aking anak at sa kanyang sakit na epilepsy? May radiation ba ito o may idudulot na masama sa kalusugan ng aking anak? - Maria Rosita


Sagot


Maraming salamat Maria Rosita sa iyong pagliham sa Sabi ni Doc at sa pagsubaybay sa ating health column.


Ang Positron Emission Tomography o PET scan ay imaging technique na ginagamit ng mga specialista sa nuclear medicine. Ang PET scan ay naiiba sa CT scan at MRI.


Sa pamamagitan ng tinatawag na radiotracers, isang radioactive material na naglalabas ng radiation at ng PET scan machine ay nalalaman ng mga dalubhasa kung paano gumagana ang ating katawan, isang organ o kung lumalala o gumagaling na ang sakit.


Halimbawa, sa inyong anak na kamakailan lamang ay na-diagnose na may epilepsy, ginagamit ang PET scan upang malaman ng inyong doktor kung saang parte ng utak ng inyong anak ang apektado ng epilepsy. Makatutulong ang PET scan upang makapagdesisyon ang inyong doktor kung anong gamot o treatment ang nararapat sa inyong anak.


Maaari rin gamitin ang PET scan sa pag-diagnose ng Alzheimer’s disease. Sa ganitong procedure ginagamit ang glucose-based radiotracer, tulad ng FDG o F-18 fluorodeoxyglucose. Dahil ang mga apektadong brain cells sa Alzheimer’s disease ay hindi gaanong nagagamit ang glucose, bilang source of energy, kumpara sa mga normal brain cells, makikita sa PET scan ang parte ng brain na may kakulangan sa paggamit ng glucose. Ang mga bahagi na ito ang apektado ng Alzheimer’s disease.


Isa pang halimbawa ay ang paggamit ng PET scan sa sakit na cancer. Sa pamamagitan ng PET scan nalalaman kung may cancer ang pasyente at kung anong stage na ng cancer meron ito. Makatutulong din ang PET scan upang malaman ng doktor at ng pasyente kung epektibo ang ginagawang treatment sa pasyente o muling bumalik ang cancer.


Sa sakit sa puso, malalaman, sa pamamagitan ng PET scan, kung aling parte ng puso ang apektado ng sakit at kung may problema sa pagdaloy ng dugo sa puso.


Tungkol sa inyong katanungan kung ang PET scan ay may radiation, dahil gumagamit ang PET scan ng radioactive material bilang radiotracer nito, mayroong risk dahil sa radiation exposure. Hindi ito nararapat sa mga buntis at breastfeeding mothers. May mga pagkakataong ito ay maaaring gamitin sa mga nabanggit kung sa evaluation ng doktor ay mas makabubuti ito kaysa makakasama sa pasyente at sa bata. Sa pagkakataong ito ay kinakailangang malaman ng pasyente ang mga risks ng radiation ng PET scan sa kanyang katawan at sa bata na kanyang ipinagbubuntis. Sa breastfeeding mother naman ay kinakailangang palipasin muna ang apat oras o higit pa pagkatapos ng PET scan bago muling magpasuso.


Dahil sa radiation na nanggagaling sa radiotracers na ginamit sa PET scan ay pinapayuhan ang pasyente na pansamantalang lumayo muna ng ilang oras sa mga buntis, breastfeeding mothers at sa mga bata upang maiwasan ang radiation exposure sa mga nasabing indibidwal.


Sana ay nasagot ng ating mga ipinahayag sa itaas ang iyong mga katanungan.

Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com

 
 

ni Dr. / Atty. Erwin P. Erfe, M.D. - @Sabi ni Doc | September 20, 2022



ree

Dear Doc Erwin,


Nabasa ko sa magazine ang pinakabagong pag-aaral tungkol sa olive oil at avocado oil. Dahil sa mga medical terms na ginamit sa nasabing artikulo ay hindi ko naintindihan kung paano nakatutulong ang mga ito upang humaba ang buhay ng tao. Sana ay maipaliwanag n’yo ito upang maintindihan naming mga tagasubaybay ng Sabi ni Doc. - Chris Allan


Sagot


Maraming salamat Allan sa iyong pagliham sa Sabi ni Doc at sa pagsubaybay sa ating health column.


Hindi mo nabanggit sa iyong sulat kung ano’ng artikulo at magazine ang iyong tinutukoy ngunit tama ang iyong sinabi na may makabagong pag-aaral na lumabas kung saan nadiskubre ng mga scientists kung paano nagpapahaba ng buhay ang olive oil at ang iba pang oil na may monounsaturated fatty acid o MUFA, tulad ng avocado oil.


Kamakailan, inilathala sa Molecular Cell, isang bantog na scientific journal, ang research study na isinagawa ni Dr. Douglas Mashek, isang professor sa Departments of Medicine at Biochemistry, Molecular Biology and Biophysics ng University of Minnesota at Dr. Charles Najt. Ayon sa research, pinag-aralan nina Dr. Mashek ang oleic acid, isang sangkap na makikita sa olive oil at avocado oil.


Ayon sa research ni Dr. Mashek, ang oleic acid ay nag-a-activate ng SIRT1 enzyme. Matatandaang sa ating mga naunang artikulo tungkol sa longevity na ang SIRT1 enzyme, isa sa mga anti-ageing proteins na ginagawa ng mga longevity genes, na may kinalaman sa pagpapahaba ng ating buhay.


Ina-activate ng oleic acid na nasa olive oil ang SIRT1 sa pamamagitan ng protina na tinatawag na Perilipin 5 o PLIN5. Ang SIRT1 enzymes ay tumutulong sa ating mga cells upang makagawa ng mga compounds na tumutulong na maka-adapt sa stress at humaba ang buhay ng cells. Tumutulong din ang mga SIRT1-activated compounds na magparami ng macrophages na tumutulong naman sa ating immune system na labanan ang mga toxins.


Ayon sa systematic review ng 28 clinical trials sa oleic acid na inilathala sa journal na Advances in Nutrition noong July 2020, ang diet na mayaman sa oleic acid, tulad ng olive oil ay nakababawas ng timbang (weight loss) at abdominal fat.


Sa artikulong isinulat nina Dr. Genevieve Buckland at Dr. Carlos Gonzales sa British Journal of Nutrition noong July 7, 2015, sinabi nilang base sa mga epidemiological evidence, ang regular na pagkonsumo ng mga pagkaing may olive oil ay nakapagpapahaba ng buhay. Sinabi rin nina Buckland at Gonzales na may converging evidence na ang olive oil ay makatutulong na maiwasan ang diabetes, metabolic syndrome at obesity.


Nakitaan din sa mga case-control studies ng anti-cancer properties ang olive oil laban sa breast cancer at digestive tract cancers. Dagdag pa nito, may strong mechanistic evidence galing sa mga experimental studies na tumutulong ang olive oil upang bumaba ang blood pressure (anti-hypertensive), makaiwas sa pagbuo ng dugo (blood clot), anti-oxidant, anti-inflammatory at anticancer action ang olive oil.


Sana ay nasagot ng ating mga ipinahayag sa itaas ang iyong mga katanungan.


Sa mga susunod na artikulo sa Sabi ni Doc ay pag-uusapan natin ang iba pang makabagong research studies tungkol sa longevity at ageing at sa ating kalusugan. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay.

Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com

 
 

ni Dr. / Atty. Erwin P. Erfe, M.D. - @Sabi ni Doc | September 15, 2022



ree

Dear Doc Erwin,


Ako ay 45 years old at isang OFW na kasalukuyang nagtatrabaho sa United Arab Emirates. Sa aming huling medical examination ay nalaman ko na ako ay overweight at nag-uumpisa ng tumaas ang aking blood sugar level. Sabi ng doktor ay kung patuloy itong tumaas ay maaaring magkaroon ako ng diabetes at iinom ako ng gamot upang ang blood sugar level ko ay bumaba.


Nais kong malaman kung may mga natural bang paraan upang mapababa at mapanatiling mababa ang aking blood sugar level at ano ang mga dahilan sa pagtaas ng blood sugar level? Nais kong maiwasan ang magkaroon ng diabetes at uminom ng gamot sa diabetes. Sana ay matugunan ninyo ang aking katanungan. - Roberto


Sagot


Maraming salamat Roberto sa iyong pagliham sa Sabi ni Doc.


Ang iyong kondisyon ay tinatawag na Hyperglycemia. Ito ay ang pagtaas ng blood sugar level ng mas mataas sa normal. Sinusukat ang blood sugar level matapos ang 80-oras na fasting.


Ayon sa Cleveland Clinic, ikaw ay may “impaired glucose tolerance” o “pre-diabetes” kung ang iyong fasting blood sugar ay mula 100 hanggang 125 mg/dL. Kung ang fasting blood sugar level ninyo ay mas mataas sa 125mg/dL, kayo ay may diabetes na.


Maaari rin sukatin ang iyong blood sugar level, isa o dalawang oras matapos kumain. Kung ang iyong blood sugar level ay mas mataas sa 180 mg/dL, ay mataas ang inyong blood sugar level at kayo ay may “hyperglycemia”.


May mga kadahilanan ang pagtaas ng blood sugar level. Matapos kumain ng pagkain na mayaman sa carbohydrates katulad ng kanin, tinapay o pasta ay tumataas ang ating blood glucose (sugar) level. Tumataas din ang pag-release ng insulin ng ating katawan. Tinutulungan ng insulin ang glucose upang makapasok sa ating mga cells upang magamit ito bilang enerhiya. Ang excess na glucose na hindi nakapasok sa mga cells ay nai-store sa ating mga muscles at sa ating liver bilang glycogen.


Sa paraang nabanggit ay napapababa ng insulin ang ating blood sugar level. Kung hindi na nakagagawa ng insulin ang ating katawan o kulang na ang ginagawang insulin ng ating katawan ay maaaring tumaas ang ating blood sugar level. Maaari rin tumaas ang ating blood sugar level kung maging resistant ang ating katawan sa epekto ng insulin, kahit na normal ang level ng insulin ng ating katawan. Ang tawag sa kondisyong hindi na nakagagawa ang ating katawan ng insulin ay Type 1 diabetes. Ito ay Type 2 diabetes kung kulang ang insulin o resistant ang ating katawan sa epekto ng insulin.


May mga kondisyon pa na tumataas ang ating blood sugar level katulad ng pagkain ng maraming carbohydrates at kakulangan sa exercise o physical activity. Maaari ring tumaas ang blood sugar level kung may physical stress, tulad ng pagkakasakit ng sipon, trangkaso o anumang infection. Ang emotional stress ay maaari ring mapataas ang ating blood sugar level.


Ang mga sakit tulad ng Cushing syndrome, sakit sa ating pancreas at physical trauma tulad ng surgical operation ay magpapataas ng ating blood sugar level. Ang pag-inom ng steroids ay nakakataas ng ating blood sugar level. Ang pag-inom ng alak ay maaaring makapagpababa o makapagpataas ng blood sugar level.


Paano natin mapapababa ang ating blood sugar level sa natural na pamamaraan? Ayon sa Mayo Clinic, kinakailangan na balanse ang ating kinakain at iwasan ang pagkain ng maraming carbohydrates at matamis na inumin. Ang pagkain ng mga sumusunod na gulay ay makakatulong sa pagpapanatili ng mababang blood sugar level — kamatis, broccoli, cauliflower, lettuce, cabbage, green peas celery, bell pepper at talong. Maari ding kumain ng mga prutas na apple, peras, avocado, lives, strawberries, orange, coconut at oranges.


Bukod sa mga nabanggit ay ipinapayo din ng mga eksperto sa diabetes na regular na mag-exercise, pababain ang timbang at bawasan din ang iniinom na alak.


Sikapin na makapag-exercise ng 30 minutes sa isang araw o 150 minutes sa loob ng isang linggo. Ang aerobic exercise na may kasamang resistance training ay makakabuti sa iyong katawan at makakatulong sa pagbaba ng blood sugar level. Siguruhin lamang na uminom ng tubig habang nag-e-exercise. Ang dehydration ay maaaring makataas ng blood sugar level.

Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com

 
 
RECOMMENDED
bottom of page