top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 21, 2023


Masusubukan ang husay ni Jaguar sa magaganap na 2023 PHILRACOM-PCSO 3Year-Old Locally Bred Grand derby na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Oktubre 8.


Inaasahang mapapalaban ng todo si Jaguar dahil 10 tigasing kabayo ang nagsaad din ng pagsali sa distansiyang 1,800 meter race.


Tumataginting na P3-M guaranteed prize ang ipamumudmod sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line, tig-P1.5M ang inisponsor ng PHILRACOM at PCSO.


Kukubra ng P1.8M na premyo ang mananalong kabayo, ang ibang nominado ay sina Domsat Seven, Earli Boating, Glamour Girle, Istulen Ola, La Trouppei, Open Billing, Secretary, Sonic Clay at Winner Parade.


Hahamigin ng second placer ang P600,000, mapupunta ang P300,000 sa third habang tig-P150,000, P90,000 at P60,000 ang fourth hanggang sixth.


Komento ng mga karerista, dahil malaki ang premyo ay preparado ng husto ang mga kasali, bigay todo ang lahat sa ensayo.


Sisikwatin ng breeder ng winning horse ang P150,000 habang tig-P90,000 at P60,000 ang second at third.

Tiyak na magbibigay ng magandang laban ang Istulen Ola at magka-kuwadrang Open Billing at Prime Billing.


Samantala, may mga stakes races pa ang ilalarga ng PHILRACOM kaya inaabangan na ito ng mga karerista.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 20, 2023


Rarampa sa pista ang anim na mahuhusay na babaeng kabayo sa 2023 PHILRACOM Sampaguita Stakes Race na pakakawalan sa darating na Linggo sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Naghayag ng paglahok sa event na may distansiyang 2,000 meter race ay sina Charm Campaign at Flattering You na sasakyan nina dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema at Jomer Estorque ayon sa pagkakasunod.


May nakalaan na guaranteed prize na P2-M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina Cam From Behind, Dambana, Enigma Uno at La Liga Filipina.


Usapan sa social media ng mga karerista, posibleng magpakitang gilas sina Flattering You at Charm Campaign. Sapagkat mahaba ang distansiya ng karera at naniniwala ang mga karerista na kahit sino sa mga kasali ay malaki ang tsansang manalo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1.2M, mapupunta sa second placer ang P450,000 habang tig- P250, 000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod.


Kukubrahin naman ng breeder ng winning horse ng P100,000 habang tig-P60,000 at P40,000 ang second at third. Tiyak na naghahanda na ang mga kalahok upang masungkit ang tumataginting na premyo.


Samantala, bukod sa nabanggit na stakes race, maglalarga rin ang Metro Manila Turf Club Inc. ng balanseng regular races para mas mapasaya ang mga kareristang maglilibang.

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 19, 2023


Matindi ang pagbuhos ng ulan pero hindi nasira ang diskarte ng hineteng si Andreu Villegas at kabayong si Vavavoom.


Kahit delikado dahil madulas at maputik at hindi masyadong makita ang daan ay nasikwat pa rin ni Vavavoom ang korona sa pakarera ng Philippine Racing Commission na pinangalanan na Philippine Sportswriters Association Cup kahapon na ginanap sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Itinutok muna ni Villegas si Vavavoom sa matulin sa largahan na si Biglang Buhos subalit papalapit ng far turn ay kumuha na ng unahan ang winning horse.


Pagdating ng huling kurbada ay malinaw na dalawang kabayo ang lamang ni Vavavoom kaya naman sa rektahan ay hindi na nakaporma ang mga humahabol.


Ginabayan ni Villegas, nirehistro ni Vavavoom ang tiyempong 1:25.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P150,000 para sa winning horse owner na si Sandy Javier Jr.


Ang nasabing karera ay isang charity horse race na pinagsaniban ng PHILRACOM at PSA na pinamunuan ng presidenteng si Philippine STAR sports editor Nelson Beltran.


"In behalf of PSA president nelson Beltran, we would like to thank the PHILRACOM sir Reli de Leon, rest assured that this will go to the proper beneficiary of the PSA," saad ni Joey Villar ng Philippine Star.


Dumating na segundo si Lucky Lea na nagsubi ng P56,250 habang tumersero ang Biglang Buhaos na nag-uwi ng P31,250.


Ayon kay Ruben Tupas, naghanda sa kabayong si Vavavoom ay hinahanda nila ulit ang kanilang pambato sa mga susunod na regular races na sasalihan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page