top of page
Search

ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | Marso 24, 2024



Dear Sister Isabel,


May boyfriend ko online, sa Facebook lang kami nagkakilala. Nainlab ako nang husto sa kanya, kaya tinulungan ko siyang makatapos ng pag-aaral, kahit na ‘di pa kami nagkikita ng personal.  Awa ng Diyos, natapos niya ang kanyang pag-aaral. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, binilhan ko rin siya ng kotse. Narito ako ngayon sa Korea habang nasa Pilipinas naman siya. Ang sabi niya, babawi raw siya once na nakapagtrabaho na siya. Subalit, biglang naputol ang aming komunikasyon. Ang sabi ko pa naman ay uuwi na ‘ko sa ‘Pinas para makapagpakasal na kami. 


Sister Isabel, hindi ko na siya ma-contact at binlock niya na rin ako. Labis akong nalungkot dahil nagtiwala ako sa kanya. Ka-vibes niya na rin ang mga kapatid ko at minsan ay natutulog din siya roon sa bahay namin. Hindi rin nila mahanap ang boyfriend ko at hindi na rin umano ito nagpapakita sa kanila. 


Ano kaya ang gagawin ko? Mahal na mahal ko siya. Hihintayin ko ang payo n’yo.


Nagpapasalamat,

Geraldine ng Pampanga


Sa iyo, Geraldine,


Nakikisimpatya ako sa sinapit mo. Nawa’y magsilbing leksyon sa iyo ang nangyari sa buhay mo. Huwag ka na muling magtitiwala sa lalaking hindi mo pa naman nakikita ng personal. Maging matalino ka sa pagpili ng dyowa at huwag basta-basta gamitin ang puso. Gamitin mo rin ang isip at talino mo para hindi ka na muling maiwanan sa ere. Kunsabagay, nand’yan na ‘yan, biktima ka na. I-report n’yo sa pulis at ipahanap sa NBI ang kinaroroonan ng taong iyan. Idemanda mo para mabawi mo ang mga binigay mo sa kanya, pinagpaguran mo ‘yan sa Korea.


Kung ‘di man niya maibalik, pagdusahan niya sa bilangguan ang nagawa niyang kasalanan sa iyo. 


Umaasa akong hindi na mauulit ang kamaliang nagawa mo sa buhay mo. Huwag kang maging bulag sa pag-ibig. Makatagpo ka nawa ng totoong magmamahal sa iyo. Hanggang dito na lang, hindi masamang maging mabait, ngunit dapat ilagay sa tama.



Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 23, 2024




‘Tumigil ka!’ Katagang gustong isinghal ni Nhel kay Mariz, ngunit hindi niya magawa. 


Mahirap kasing sabihin ang salitang ‘yun, lalo na kung mapapahiya siya. Pero, papayag din ba siyang mapahamak ang kanyang asawa?


“Huwag na huwag mong pakikialaman ang asawa ko,” gigil niyang sabi. 


Alam naman kasi niyang maldita ang kanyang ex-fiancée. Ngunit, alam din niyang hindi iyon dahil sa pagmamahal, kundi dahil gusto lang nitong makapam-bully. 


“Nakakatakot ka naman.”


Naniningkit ang mga mata ni Nhel at wala siyang pakialam kung tuksuhin man siya nito.


Basta, wala itong karapatan na saktan ang kanyang asawa. 


“Mabuti nang alam mo.”


“Akala ko ba maghihiganti ka lang sa kanya?” Nanunukso niyang tanong.


“Ako lang ang may karapatang saktan siya,” mariing sabi niya. Pero, sa puso niya alam niyang hindi niya rin iyon kayang gawin. 


Nais pa nga niyang iparamdam kay Via, kung gaano ito kahalaga sa kanya. Pero, bigla siyang natigilan nang kausapin niya ang kanyang sarili,  “Sinasabi ko na nga ba. Inlab ka na, ‘no?”


“Yes.” Walang pag-aalinlangan niyang sabi.


Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mukha nang napagtanto niyang hindi siya nagbibiro sa kanyang sinabi.


“Kung wala ka ng mahalagang sasabihin, makakaalis ka na.”


“Pinagtatabuyan mo na ako?” Hindi makapaniwalang tanong ni Mariz.


“Hindi pa ba obvious?” Buong sarkastikong tanong niya.


Muli, natigilan na naman ito, pero sumeryoso na siya nang husto. Pinagsalubong pa niya ang kanyang kilay, kailangang malaman ni Mariz na nabubuwisit na siya sa presensya ng dalaga.


“Hindi mo naman siguro gugustuhing ipakaladkad pa kita sa mga guwardiya, hindi ba?” Naghahamon niyang tanong. 


Kahit sabihin pa na may pinagsamahan sila ni Mariz, bigla itong naglaho sa kanyang isipan nang maalala niya ang banta nito sa kanyang pinakamamahal.


“What?” Tanong niya sa sarili.


Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 22, 2024




“There's something wrong,” wika ni Mariz sa kanyang isipan, ngunit hindi niya ito magawang ibulalas at aware rin siyang ‘di rin aamin si Nhel. Kilala niya ito dahil dalawang taon na rin naman silang magkarelasyon.


“Magkarelasyon?” Sarkastikong ulit niya sa kanyang sarili. Umiling siya para itaboy ang kalokohang sumagi sa kanyang isipan. Alam naman kasi niyang hanggang kama lang ang kanilang relasyon.


Kahit pa sabihing nag-propose sa kanya si Nhel Zamora, alam niyang hindi nito gusto ang kanyang naging desisyon. Na-trigger lang ito nang sabihin niyang kapag pinaibig nito si Olivia Castro, tiyak na mahulog din ito sa kagandahan ng babae.


Matigas na matigas ang pagsasabi nito ng ‘hindi’ kaya naman alam niyang dinidepensahan niya ang kanyang sarili sa abot ng kanyang makakaya. Hindi naman siya tanga para hindi makita na ang nagkikislapang mga mata nito kapag nakatitig sa larawan ng babaeng iyon. Ni minsan, hindi niya ito nakitang tumitig nang ganu’n sa kanya.


“Paano mo pa ako pakakasalan, kung kasal ka na pala?” Tanong niya kunwari, pero habang tinatanong niya iyon kinapa niya ang kanyang nararamdaman. Natapakan ang kanyang pride, pero hindi ang kanyang puso. Sa madaling salita, hindi rin niya mahal si Nhel. 


“Sabi ko na nga ba, mamahalin mo rin siya.” Dagdag pa ni Mariz.


“Hindi ko siya mahal.”


“Defensive.”


“Peke lang ang kasal namin.”


Nagsalubong ang kilay ni Mariz, nakakasiguro kasi siya na sinasabi lang ito ni Nhel dahil ayaw niyang matapakan ang kanyang ego at maaari rin naman ayaw lang nitong masaktan siya.


Nang makapag-isip-isip, parang gusto niyang tumawa. Wala sa bokabularyo ni Nhel ang pagiging concern tungkol sa damdamin ng iba. Malupit nga ito dahil wala itong ibang inisip kundi ang magkaroon ng pera. Hindi niya lang alam kung nagawa na siyang baguhin ng babaeng anak-anakan ng taong kanyang kinamumuhian.


“Kung ganu’n, tutulungan kitang gumanti,” nakangisi niyang sabi.



Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page